kabanata 5

2496 Words
Hindi nakatulog si Kali, magdamag lang siyang nakaupo sa lumang upuan sa kanilang hapag-kainan. Sobbing her heart out in the middle of darkness, alone. Wala na ang mga magulang niya, sobrang bilis ng pangyayari. Ang mga kapatid niya ay hindi niya makasama dahil sa sitwasyon. Napayuko siya sa lamesa at napahikbi ng tahimik. She was the saddest she had ever been. Alam niyang sinisisi siya ng lahat dahil sa pagkamatay ni Tasio, alam niya iyon sa sarili niya. Kasalanan niya. Kung hindi lang siya lumaban ay siguradong hindi ito mamamatay, ngunit gusto niya lang naman na ipaglaban ang Basileio dahil alam niya ang karapatan nila. Dahil sa pagod sa pag-iyak ay hindi na niya namalayan na nakatulog na siya habang nakaupo. Nagising na lang siya kinaumagahan nang may humaplos sa kanyang pisngi, at pagdilat niya ng mata ay si Gaios ang nakita niya. “Bakit dito ka natulog?” tanong nito. Napaayos siya sa pagkakaupo at inayos ang sarili, nagbuntong-hininga si Gaios habang pinagmamasdan siya. “Your eyes are swollen.” Nag-iwas siya ng tingin at hindi pinansin ang sinabi nito. “Kagabi ko pa ito iniisip, hindi pa ba alam ng mga kasamahan natin sa nasa siyudad ang nangyari?” Tumango agad ito. “Hindi pa, sinabihan ko ang lahat na huwag munang sabihin.” Iyon ang mga kasamahan nila na umalis noong bago mag-full moon, ang mga kabataan at ang ilan na nagdadalang tao. “Hindi pa nila alam ang nangyari kila inay,” aniya at nag-angat ng tingin. “Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila, pati ang pagkamatay ni Tasio. Paano ko sasabihin kay Beatrice na kasalanan ko ang pagkawala ng asawa niya?” “Wala kang kasalanan, Kali. Kung may dapat sisihin dito ay ako ‘yon, pinagkatiwalaan niyo ako para protektahan kayong lahat ngunit wala akong nagawa kagabi.” Nag iwas ito ng tingin at nagbuntong-hininga. “Alam ko na kahit anong gawin ko ay wala rin naman mangyayari.” “Gaios, hindi mo gusto ang nangyari. Nawala rin si Lionel sayo, at nasaksihan mo iyon kaya’t naiintindihan ko kung bakit.” “Pero ikaw—” “Iyon ay dahil wala akong ideya kung gaano kalakas ang kalaban natin, hindi ko alam na ganoon siya kadelikado kaya’t nagpadalus-dalos ako. Dahil doon ay muntik na rin mawala si Nuqui,” aniya. “Binalaan mo ako noong una pa lang ngunit hindi ako nakinig sayo.” “Ginawa mo lang ‘yon dahil gusto mong ipaglaban ang kalayaan ng Basileio, iyon ang bagay na dapat ako ang gumawa.” Nakita niya ang dumaan na konsensya sa mga mata nito. Tumayo si Kali at hinaplos ang binata sa mukha. “Walang may gusto nito, ang magagawa na lang natin ay maghanda at mag-isip ng plano.” Tumagal ang titig sa kanya ni Gaios dahil doon, halatang nag-iisip ito. “May nabubuo ka bang plano sa isip mo?” “Wala pa,” sagot niya. “Pero naisip ko na huwag muna natin pauwiin sina Beatrice at ang mga bata.” “Anong sasabihin natin na dahilan sa kanila kung bakit hindi natin sila pababalikin?” Kumunot ang kanyang noo. “Let’s just say, we’re preparing for a war.” Matapos nilang mag-usap ni Gaios ay saka lang lumabas si Kalista, maraming abala sa labas. Karamihan ay nag-aayos ng mga bahay nila na nasira dahil sa dumaan na laban noong full moon. “Ayan na, lumabas din ang dahilan kung bakit namatay si Tasio.” “Hindi ako makapaniwala na pati si Nuqui ay muntik na rin mamatay!” “Hindi ko maintindihan kung bakit hindi siya ang pinatay, kawawang Tasio at namatay dahil lang sa walang kwenta!” Puro bulungan agad ang narinig ni Kali tungkol sa kanya, ramdam niya rin ang tingin ng mga ito. Ngunit hindi niya na lang pinansin dahil kahit siya ay aminado siya na kasalanan niya ang nangyari. “Kali!” Napalingon siya nang marinig ang boses na iyon, si Winona at Petra ay mabilis na naglalakad palapit sa kanya. “Kamusta ka na?” tanong ng mga ito. “Ayos lang,” sagot niya at sinilip ang nagkakagulo hindi kalayuan sa kanila. “Anong meron doon?” “Uh, nag-eensayo sila Nuqui. .” Lumapit siya sa mga iyon. Siguro dahil sa nangyari kahapon ay naisip ni Nuqui na palakasin pa lalo ang mga hawak nito. Lumingon agad sa kanya ito pagkalapit niya, nakita niya nga na nagtuturo ito. Ang iba dati na hindi niya nakikita sa training ay nandito rin. Mabuti na rin iyon, dahil hindi nila alam kung kailan muli magpapakita ang bago nilang alpha. Ayaw niya man aminin at tanggapin ngunit ito na nga ang bago nilang pinuno, pero sinisigurado niya na hindi ito magtatagal. “Kali, kailan ka mag-sasanay?” tanong ni Nuqui. “Hindi na muna sa ngayon,” aniya. “Bakit? Nahihirapan ka ba na magturo?” Tumango ito at napakamot sa ulo. “Oo, hindi ko na nga alam ang gagawin.” Napangiti siya dahil doon, bago pa man siya makasagot ay may pumulupot na sa dibdib ni Nuqui. Si Lolita, ang babaeng matagal nang patay na patay sa binata. “Halika na, Nuqui, turuan mo na ako.” Tinulak ni Nuqui ang babae at umalis doon. Sinundan na lang niya ng tingin ito at seryosong pinagmasdan ang mga tinuturuan, napapailing na umalis na lang siya ro’n at hinanap si Gaios sa paligid ngunit wala ito. “Kali!” Nagpalingon sa kanya ang boses ng isa nilang kasamahan na si Jaime, tumigil ito sa harapan niya. “Bakit?” tanong niya. “Sabi ni Gaios ay may balita ka raw na ipararating sa mga kasamahan natin na nasa siyudad,” sabi nito. “Bakit? Hindi ba muna sila babalik dito?” Matipid siyang tumango at inilabas mula sa kanyang bulsa ang sulat na ginawa niya kanina. Nakasulat doon na kailangan muna nilang hindi bumalik lahat, sinabi niya rin ang totoong nangyari. Ngunit hiniling niya na huwag itong sabihin sa mga bata. “Hindi na muna, mas makakabuti sa kanila iyon,” sagot niya at inabot dito ang sulat. “Kay Beatrice mo ito iabot.” Tumango ito at umalis na, pagkatapos no’n ay sinubukan niya muli na hanapin si Gaios ngunit hindi niya ito makita. Buong araw na kumilos si Kalista, kahit na kung anu-ano ang naririnig niyang masasama ay hindi niya na lang pinapansin ang lahat. Akala niya ay umpisa pa lang ay maghahari-harian na si Alasdair, ngunit ilang araw na simula nang magpakita ito ay hindi na ito muling bumalik. Kaya naman kahit papaano ay naging payapa sila, ang mga bahay na nasira ay maayos na rin lahat. Habang tumatagal ay hinihiling na lang niya na sana ay hindi na ito bumalik. Ngunit hindi talaga umaayon sa kanila ang panahon. Umaga nang makarinig si Kali ng sunod-sunod na katok sa pinto, mabilis siyang napabangon at agad na binuksan. “Kali!” Dahil sa itsura na sumalubong sa kanya ay binalot agad siya ng takot. “Adolph! Anong nangyari?” tanong niya. “Nandyan na si—” Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin nito. Nilagpasan niya na agad ito at tumatakbong lumabas ng pinto, sa hindi kalayuan ay nakakarinig siya ng mga boses. Nasa training grounds ang mga iyon. Nandoon ang halos lahat. Kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka habang lumalapit, ang iba na hindi sumasama sa ensayo ay nandoon lahat. Sina Winona ay nandoon din at tahimik na nakatayo. “Anong nangyayari?” tanong niya. Napalingon sa kanya ang iba ngunit lahat ay mabilis na nag-iwas ng tingin, ang mga itsura ay halatang natatakot. Lumingon siya kay Nuqui na mag-isang gumalaw at humakbang, nakatingala ito at nakatingin sa mataas na bato kaya’t sinundan niya ang tingin nito. And there, Alasdair Seberinus is sitting there with his crossed leg. His chin on his fist, his elbow resting on the armchair. He looked down upon her, he scanned her from head to toe that made her shiver. Kali gulped, then narrowed her eyes and clenched her fist. Magsasalita na sana siya ngunit naunahan siya ni Nuqui. “Alasdair Seberinus, I am challenging you to a duel,” sambit nito. Gulat na napalingon si Kali kay Nuqui. Saksi siya kung gaano nag-ensayo ito nitong mga nakaraang araw, ngunit alam niya sa sarili niya na hindi iyon magiging sapat. He could die if he stood against that beast! “Nuqui!” sigaw niya kaya’t napalingon ito. “‘Wag! Hindi pa ngayon ang tamang panahon!” Alasdair’s mouth twitched while still looking at her. “I am glad that you are a bit smarter than this kid.” Kinuyom ni Nuqui ang kamao niya habang nakayuko, kitang-kita niya ang galit sa mukha nito. “Kali! Do not interfere! I will fight him now!” “But—” “Hindi mo ba nakikita kung paano niya tayo tingnan? Hindi ko na kayang tiisin ang pangmamaliit niya sa Basileio!” Nag-angat ng tingin ang binata at tinitigan si Alasdair. “Fight me.” Alasdair didn’t even move, a lazy lock falling over his eyes. “Tell me, what do you get from this?” “If I beat you, you will leave Basileio,” answered Nuqui. “And if I lose, I will. . become your right-hand man.” Napasinghap ang lahat dahil sa sobrang gulat, hindi makapaniwalang napatakip sa bibig niya si Kali. Humakbang siya palapit kay Nuqui ngunit agad siyang pinigilan nito. “Kali. .” Nuqui smiled bitterly. “I will pour all my energy into this battle.” “You’re not gonna make it!” sigaw niya pero hindi sumagot ang binata, nanatili lang itong nakatingala at nakatingin kay Alasdair na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagalaw mula sa pagkakaupo. “Nuqui Otsoko, is it?” asked Alasdair. Kumunot ang noo ni Nuqui at tumango. “I admire your courage,” he said. “But, do you think you could beat me?” “I have to try. .” “Very well.” Napaatras ang lahat puwera kay Nuqui nang tumayo si Alasdair. Sa isang iglap ay nagulat sila nang nakababa na agad ito mula sa mataas na bato, halos manlambot ang tuhod ni Nuqui nang makaharap niya ito ng malapitan. Such staggering pride, such overwhelming confidence. They can really see that he fears no one. “I will be wasting my time for this, this better be entertaining,” he said and nodded. “Now, come at me.” Nuqui gritted his teeth. “Pagsisisihan mo ang lahat ng sinabi mo!” “Awfully confident, aren’t you?” Sinugod ito ni Nuqui ng suntok ngunit bigla na lang itong nawala sa pwesto nito. Bago pa man siya makalingon sa likuran niya ay tumalsik na siya at tumama sa isang puno nang maramdaman niya ang malakas na pagsampal na dumapo sa kaliwang pisngi niya. “Nuqui!” sigaw ni Kali. Naramdaman ni Nuqui ang matinding pagkahilo, nalasahan niya rin ang dugo sa kanyang bibig. Hindi makapaniwalang hinanap niya ng tingin si Alasdair na tahimik na nakatayo sa hindi kalayuan sa kanya, pinapanood siyang tumayo. “All that bickering and you flee by a mere smack?” tanong nito. Nag-igting ang panga ni Nuqui at agad ulit na sumugod, kinuyom niya ang kamao niya para sumuntok ngunit hindi pa man siya nakakalapit ay naramdaman niya na ang pagsipa nito sa kanyang tagiliran. Inipon niya ang buong lakas niya para pigilan ang kanyang pagtalsik, naramdaman niya ang pag-init ng kanyang paa dahil sa pagkaskas nito sa mga bato. Ngunit kahit nagawa niya iyon ay napaluhod pa rin siya at umubo ng dugo. Napahawak siya sa bibig niya, nahihilong tiningnan niya ang palad na punong-puno ng dugo. Galit na sinalubong niya ang nangmamaliit na tingin ng kalaban, nakatayo lang ito ro’n at simula kanina ay hindi ito umalis sa pwesto nito. Nanginginig na tumayo siya, sapo ang kanyang tagiliran. Huminga siya ng malalim at muling umatake, ngunit sinalubong lamang siya nito ng suntok sa kanyang mukha. Naramdaman niya ang pagkabasag ng buto niya sa kanyang ilong. Muli siyang bumagsak sa lupa, pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng malay maya-maya lang. “Nuqui! Tama na!” Narinig niya ang sigaw ni Kali. Nagdilat siya ng mata at pinilit na tumayo ngunit bumagsak lamang siya uli, nag-angat siya ng tingin sa kalaban niya. Hindi siya sumagot at ibinuhos niya ang buong lakas niya at gumapang palapit kay Alasdair. Hinawakan niya ang mga paa nito at kumapit sa mga hita nito para iangat ang sarili, nanatili itong hindi gumalaw. “Nuqui Otsoko, admit your defeat and stand down. This duel is not something you can handle.” “I-I can still fight,” he uttered. Napaiwas ng tingin ang lahat nang iangat muli ni Alasdair ang kanyang kamao para suntukin si Nuqui. Mabilis na lumapit si Kali at hinawakan ang braso nito para pigilan, ngunit huli na ang lahat. Dahil hawak niya ang braso nito ay nadala siya sa pagkakasuntok nito kaya’t napabitaw siya at tumalsik ng mabilis palayo. Akala niya ay tatama siya sa bato kaya’t inihanda na niya ang sarili niya ngunit bigla na lang may humawak ng mahigpit sa kanyang pulso, mabilis siyang napadilat ng mata at agad na napasinghap nang mukha ni Alasdair ang bumungad sa kanya. He is holding her on her wrist like she is some kind of rag doll. His eyes scoured her face, not moving an inch. Hindi magawang makagalaw ni Kali dahil sa sobrang gulat. Nilingon niya si Nuqui na nawalan na ng malay sa malayo, hindi siya makapaniwala na gano’n kalayo ang itinalsik niya! Partida at hindi pa para sa kanya ang atake nito, nadala lang siya dahil kumapit siya sa braso nito. Ang mga kasama nila ay walang magawa kundi manood lang. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Why is this beast here in front of her, holding her wrist tightly? She glanced back at him and their eyes met. She can feel her hair standing on end, her skin’s crawling and her fingers feel numb. She feels extremely frightened. “Release her.” Agad siyang napaiwas ng tingin nang marinig ang boses na iyon. Si Gaios! Naglalakad ito palapit sa kanila, galit ang itsura. At nang makalapit ito ay hinawakan siya nito sa kabilang pulso. Alasdair’s eyes remained on her, and she could see it darkened and a peculiar expression crossed his face. After that, he slowly released her without breaking their eye contact. Agad siyang hinila ni Gaios palapit kaya’t napayakap siya rito, naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang likod. Hinanda ni Gaios ang sarili kung sakaling susugurin siya ni Alasdair ngunit tumalikod lang ito. Tahimik ang lahat na sinundan lang ito ng tingin hanggang sa hindi na nila nakita kahit ang likod nito. Gaios faced her. “What did he do to you?” Umiling siya. “Hindi ko rin alam.” She bit her lip, confusion enveloped her. Who the hell would know what is running through that heartless beast’s mind?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD