kabanata 6

2412 Words
“Kamusta na siya?” tanong ni Kali pagpasok niya sa bahay nina Nuqui, kanina pagkatapos ng nangyari ay agad itong dinala sa bahay nito para makapagpahinga. It’s a good thing werewolves have an ability to heal on their own, ngunit dahil nawalan ng malay si Nuqui ay kailangan nito ng pahinga. Bukod doon ay marami rin itong naisuka na dugo kanina. Lumingon si Petra. “Mukhang kailangan niya lang talaga ng pahinga, sa tingin ko’y maayos na siya kapag nagising siya. .” Tumango siya at nilingon si Lolita na tahimik na umiiyak habang pinagmamasdan ang walang malay na si Nuqui. Alam ng buong Basileio kung gaano kagusto ng dalaga ang binata, ngunit hindi siya pinapansin nito. “Magiging maayos din siya, Lolita. ‘Wag kang masyadong mag-alala,” sabi niya rito. Nag-angat ito ng tingin sa kanya, kumunot ang noo at umismid. Napabuntong-hininga siya dahil doon, nakalimutan niyang sinisisi nga pala siya ng mga ito sa pagkamatay ni Tasio. Tahimik na umupo siya sa isang upuan doon. Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyari ang kanina, hindi niya maiwasan na mamangha dahil sa tapang ni Nuqui. Alam niyang alam ng binata na wala siyang magiging laban dito pero itinuloy niya pa rin. “I can’t believe that a werewolf could be as strong as him,” sambit ni Petra. “Oo nga, at bukod doon ay sobrang gandang lalaki niya talaga!” Si Winona naman ang nagsalita. Agad na nilingon ni Kali ang kaibigan. “Winona! Isipin mo ang sinasabi mo!” “Bakit? Totoo naman e,” saad nito. “Oo, alam natin na si Gaios at Nuqui ang mga pinakamagandang lalaki sa Basileio pero walang-wala sila kumpara kay Alasdair!” Napasinghap si Petra. “‘Wag mong sabihin na nagkakagusto ka sa kalaban natin? Hindi mo natatandaan ang ginawa niya sa mga kasamahan natin?” “Hindi ko sinabi na may gusto ako sa kanya, sinasabi ko lang ang napapansin ko.” Umismid ito at bumaling kay Kali. “Sige nga, Kali. Sabihin mo na hindi totoo ang sinabi ko, hindi ka ba interesado sa kanya?” “Sus, Win! Kung sakali ay baka iyon pa ang may gusto kay Kali, hindi mo ba nakita ang ginawa niya kanina?” sabat ni Petra. “Kung hindi lang niya pinigil ang pagsalpok ni Kali sa batong iyon, baka isa rin siya sa walang malay ngayon.” Ngumuso si Winona. “Alam ninyo, sa tingin ko ay gano’n lang talaga siya sa mga babae.” “Paano ka naman nakakasiguro?” “Eh, bakit niya naman kasi gagawin iyon kay Kali?” Tumaas ang kilay nito at ngumiti. “Tingnan ninyo, patutunayan ko na kahit gano’n siya ay maginoo rin ang bago nating alpha.” “Winona!” sigaw ni Kali. “Hindi ako makapaniwala na tinanggap mo na siya biglang alpha natin!” Natigilan ang dalaga at maya-maya ay napakamot sa ulo. “Hindi naman sa gano’n. .” “‘Wag mo nang sasabihin ulit iyon!” “Oo na, basta patutunayan ko na lang sa inyo na tama ako.” Hindi na lang nagsalita si Kali. Bata pa nga talaga si Winona, minsan ay nagpapadalus-dalos sa mga sinasabi. She knew to herself that there is no humanity left in that beast, there must be a reason why he did what he did. “Nuqui!” Agad na napatayo si Kali nang bigla na lang bumangon si Nuqui mula sa pagkakahiga, agad itong nilapitan ni Lolita pero tinabig lang ito ng binata at nagmamadaling lumabas ng bahay. “Saan ka pupunta?” Hindi ito sumagot at mabilis na naglakad, walang reaksyon sa mukha. Sinundan nilang lahat ito, sa daan na tinatahak nito ay mukhang alam na nila kung saan ito papunta. Agad na hinawakan ni Kali ang braso nito. “Nuqui, ‘wag mong sabihin na—” Nilagpasan lang siya ng binata kaya wala siyang nagawa kundi sundan ito hanggang sa makarating sila sa dating kampo ni Lionel. Ito ang nagiging tirahan ng mga nagiging alpha ng Basileio kaya’t ang bahay na ito ay nirerespeto ng lahat. “Nuqui—” Dire-diretso sa pagpasok si Nuqui sa loob, agad nilang sinuyod ng tingin ang malaking bahay ngunit nila ito nakita. “Anong nangyayari?” tanong ng isa nilang kasamahan mula sa labas. “Mukhang hahamunin na naman ni Nuqui si Alasdair.” “Hindi ba siya nadadala?” “Tara na, Nuqui. Mukhang wala siya—” “What is this about?” A rough calm voice asked from upstairs. Agad silang napaangat ng tingin lahat. Doon sa itaas na bahagi ng hagdan ay nakatayo si Alasdair, nakababa ang tingin sa kanilang lahat. “Alasdair Seberinus,” saad ni Nuqui at iniluhod ang isang tuhod. “From now on, I will become your right-hand man.” The beast’s corner of his mouth twitched and his eyes darkened. “And you ran all the way here just to spout this nonsense?” “I lost in our duel.” Napaigtad silang lahat nang bigla na lang mawala si Alasdair sa kinatatayuan nito at lumitaw sa harapan nilang lahat. He’s so fast that it looks like he’s teleporting. “And how could I trust that you would not betray me?” His voice was low, and cold, and authoritative. Yumuko ulit si Nuqui. “Tell me anything. .” Hindi sumagot si Alasdair. He is looking at Nuqui with such dispassionate, it’s as if he just wanted the conversation to end. “Impressive,” he said after a while. Tumalikod ito sa kanilang lahat at lumapit sa mahabang lamesa, kinuha ang maliit na kutsilyo ro’n. He glanced at Nuqui and dropped the knife in front of them, tahimik nilang sinundan ng tingin ang pagbagsak nito sa sahig. “Give me a finger,” he commanded. Agad na nanlaki ang mata ni Kali at galit na humakbang palapit. “You can’t do that to him!” “Kali!” awat ni Nuqui. “Natalo ako sa laban, kailangan kong tuparin ang pinag-usapan namin.” Hindi nakasagot si Kali at napaiwas na lang ng tingin. Kinuyom niya ang kamao niya nang dinampot na ni Nuqui ang kutsilyo, narinig niya ang paghinga nito ng malalim bago inilapag ang palad sa sahig para ihanda ang puputulin na daliri. “‘Wag!” Napatigil sa ginagawa si Nuqui nang marinig ang boses ni Winona, si Kali ay napadilat ng mata at naguguluhan na sinundan ng tingin ang dalaga na matapang na lumalapit sa kinaroroonan ni Alasdair. Napatakip siya sa bibig nang hawakan ni Winona ang kamay ni Alasdair at ngumiti. “Don’t make him do it, please.” Huwag niyang sabihin na ito ang sinasabi niya kanina na papatunayan niya? Alasdair pressed his lips together, disgust filled his ice-cold eyes. Nag-igting ang panga nito at marahas na tinabig ang kamay ni Winona, sa lakas niyon ay napaupo ang dalaga sa sahig. He looked down at her. “A thing such as you dares to order me around?” Hindi makapaniwala na napanganga si Winona at kitang-kita ang panginginig nito dahil sa sobrang takot. Alasdair sat down to level himself from her, Winona shivered uncontrollably. He tilted his head, his eyes in rage. “The next time you put your filthy hand on me, I will rip you to shreds.” Ang lahat ay hindi magawang gumalaw dahil sa sobrang takot. Kali wanted to move, she wanted to save Winona from him but so much fear engulfed her. Saka lang yata nakahinga ang lahat nang tumalikod ito. Agad na lumapit si Kali kay Winona para alalayan itong tumayo ngunit agad nitong tinabig ang kamay niya na ikinagulat niya. Ni hindi siya nito nilingon. “Kaya kong tumayo mag-isa.” Napabuntong-hininga na lang siya at binaling ang tingin kay Nuqui na tahimik na nakayuko at hawak ng mahigpit ang kutsilyo na binigay ni Alasdair. “Gabi na, Nuqui. Ipagpabukas mo na ang gusto mong mangyari,” bulong niya kaya’t tumayo ito at tahimik na tinalikuran siya. Kinabukasan ay naging usap-usapan ang nangyari, lahat ay pinagtatawanan ang ginawa ni Winona. Halos hindi nga napag-usapan ang muntik nang pagputol ni Nuqui sa sariling daliri. “He’s there,” salubong ni Gaios nang masalubong niya ito habang patungo siya sa training grounds para mag-ensayo. Napatigil siya sa paglalakad dahil doon. “Is he hurting someone again?” “No, just watching.” Kumunot ang noo niya at binilisan ang paglalakad patungo ro’n, nang makarating siya ay nagulat siya na pati sina Winona at ang iba na hindi sumasali sa ensayo dati ay nandoon din. Agad na dumapo ang tingin niya sa mataas na bato na may upuan, doon ay nakaupo si Alasdair. His fist on his right jaw, his elbow on the armchair. His usual sitting position. He’s just there, looking down on everyone. She couldn’t place his expression. And when a strong wind passed by, his dark hair fell in waves well past his shoulders. She couldn’t help but stare, there is something about him. Something about him that will always make you want to stare. It wasn’t just his looks, it was his overwhelming presence. “He declared that every single one of werewolves in Basileio must train.” Napaiwas siya bigla ng tingin nang marinig niya ang boses ni Gaios, kinagat niya ang kanyang labi at nilibot ang tingin sa paligid. Petra has trained a lot of times, but not always. Ngunit si Winona ay hindi um-attend kahit isang beses, halatang-halata iyon ngayon sa galaw nito habang sumusuntok sa hangin. Napailing siya. “It’s not that bad, right? Training everyone could help us defeat him. .” “You think so?” Napatingin siya sa mga kamay nila nang hinawakan ng binata ang kamay niya, ngumiti siya ng tipid at pinisil din ang kamay nito. “Yes, we will. .” Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang makita niya sa gilid ng mata niya ang pagbaling ng tingin sa kanya ni Alasdair. She looked up at him and their eyes met. Staring back at those endless eyes, she felt like he could see her insides, and it made her shiver. Hindi niya namalayan na humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Gaios kaya’t sinundan nito ang tinitingnan niya. His jaw clenched but he did not say a word. “Kali!” Agad niyang binitawan ang kamay ni Gaios nang marinig niya ang boses ni Petra, hindi ito sumigaw pero sapat na ang boses para marinig niya. Pasimple siya nitong sinenyasan kaya’t lumingon muna siya kay Gaios. “I will tell you something later,” saad nito kaya’t tumango siya at nilapitan ang tumawag sa kanya. “Bakit?” tanong niya. Ngumiti ito habang sumusuntok pa rin sa hangin, kaya’t nakigaya siya. “Bakit pati kami ay kailangan sumali?” tanong nito. “Hayaan mo na, makakatulong din ito para maprotektahan mo ang sarili mo.” “Porket marunong ka na?” Napalingon siya kay Winona na kanina pa nakasimangot. “Alam mo naman na hindi kami sanay sa ganito.” “Well, we are werewolves so we need to know something about basic—” “Oo na, oo na,” pagputol sa kanya ng dalaga at umismid. Nagkatinginan sila ni Petra dahil doon, pakiramdam niya ay may galit na rin sa kanya si Winona at hindi niya maintindihan kung bakit. Natapos ang training nang napansin na lang nila na wala na si Alasdair sa kinauupuan nito, si Nuqui lang ang unang nakapansin na wala na ito roon. “Mabuti na lang talaga ay hindi natuloy ang pagputol sa daliri mo!” Masayang sabi ni Lolita habang sabay-sabay silang kumakain pagkatapos ng limang oras na training. Hindi sumagot si Nuqui, alam ni Kali na ayaw nito ang nangyari. Kapag may sinabi kasi ito na gagawin niya ay gusto nito na magawa niya, kaya’t halatang hindi rin nito nagustuhan na hindi natuloy iyon. “Syempre, dahil iyon sa ginawa ko,” sambit ni Winona. “I stopped him, see?” Tumawa si Lolita. “Nagpapatawa ka ba? Sabihin na natin na hindi iyon natuloy dahil sayo, pero hindi para sayo. .” “Anong sinasabi mo? Gano’n lang ang inakto ni Alasdair ngunit alam kong ako ang nakapigil sa kanya.” Ngumiwi si Lolita. “Hindi mo ba natatandaan ang sinabi niya sayo? Mukhang gusto ka na nga niyang patayin.” “Sinasabi ko sa’yo, gano’n lang talaga—” “Akala mo yata ay espesyal ka. .” Humalakhak si Lolita, kasama ang iba pa nila na kasama. Napalitan ng galit ang mukha ni Winona dahil sa pagkapahiya, nang hawakan ito ni Kali ay galit itong tumayo at umalis. “Hindi ko alam bakit ganyan ang nasa isip niya,” dagdag pa ni Lolita habang sinusundan ng tingin ang dalaga palayo. “Did she really think she could tame a beast like him? Even Lionel died from him, so, who does she think she is?” “Tama na,” awat ni Petra kaya’t ngumuso si Lolita at nagpatuloy sa pagkain. Pagtapos kumain ay niyaya ni Gaios si Kali sa bahay nina Adolph, akala niya ay sila-sila lang ang nandoon ngunit marami rin pala sila. Sa tingin niya ay nasa halos kinse sila, nagulat din siya na nandoon si Winona. Pagkarating niya pa lang ay nakasimangot na ito. Lumingon siya kay Gaios. “Anong mayroon?” Hindi sumagot ang binata at sinenyasan lang siya na makinig sa sinasabi ni Elena, ang isa sa mga matatandang werewolf sa Basileio. “Nakadiskubre kami ng paraan upang matalo natin si Alasdair. .” panimula nito at tinuro si Marcus, ito naman ay matanda lang ng konti sa kay Kali. “May kilalang makapangyarihan na witch ang magulang ni Marcus, at sa tingin niya ay makakatulong iyon sa’tin.” “Sigurado ka?” tanong ng isa. Tumango si Marcus. “Narinig ko noong bata ako ang usapan nila ni Inay, natatandaan ko na kaya niyang lagyan ng spell ang isang bagay na makakapatay sa kahit sino. Kahit gaano pa ito kalakas.” “Saan natin siya matatagpuan?” tanong ni Gaios. “Sa Catalonia.” Nagkatinginan silang lahat, sobrang layo ng lugar na iyon sa Basileio. Pero kung ito naman ang magiging paraan para mapatay nila si Alasdair ay gagawin nila iyon. “Sasama ako sa’yo, Marcus,” ani Gaios. Nagtaas din si Kali ng kamay. “I will go too.” Tumango si Marcus at nilibot ang tingin sa paligid. “Aalis tayo bukas ng umaga.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD