Matapos ng ilang oras na biyahe ay nakarating sina Kali sa Catalonia kung saan nila makikita ang makapangyarihan na witch na makakatulong sa kanila.
Maagang-maaga pa lang ay umalis na sila ng Basileio kaninang umaga.
“Dito na ba ‘yon, Marcus?” tanong ni Gaios habang nakatingin sila sa isang maliit na bahay sa gitna ng kakahuyan.
Tumango si Marcus at lumapit sa pinto para kumatok ngunit walang sumagot kaya’t sinilip nito ang loob ng bintana.
“I was right, it was the presence of werewolves.”
Sabay-sabay silang napalingon nang marinig ang mababang boses na iyon. Isang napakagandang babaeng may mahabang itim na buhok ang nakatayo hindi kalayuan sa kanila, nakasuot ng itim na balabal. Sa likod nito ay isang batang babae na nakakunot ang noo na nakatingin sa kanila.
“Anong maitutulong ko sa inyo?” tanong pa nito.
Tumikhim si Marcus bago nagsalita, “Natatandaan n’yo ba ang magulang ko na sina Nelia at Danilo?”
The witch smiled warmly, and opened the door of the small house. “I see, you are from Basileio. Come inside.”
Nagkatinginan silang tatlo at sumunod sa babae, sobrang maliit lang ang bahay. Sapat na para sa isang babae at isang bata na manirahan, kung hindi lang nila alam na witch ito ay hindi malalaman.
Wala kasing kahit anong nakakalat na mga gamit para sa mga ritual, parang normal na bahay lang. Sa lamesa ay may mga nakapatong na libro para sa pag-aaral.
“Hindi na po kami magpapaligoy-ligoy,” ani Marcus. “Patay na ang mga magulang ko.”
Napatigil sa ginagawa ang babae at mabagal na tumango. “Ano ang dahilan?”
“A powerful werewolf killed them,” sagot ni Gaios. “We’ve been almost wiped out and he’s now our current alpha.”
“Give me a name.”
“Alasdair Seberinus. .”
Gulat na napalingon ito at pinagmasdan silang tatlo, biglang binalot ng kaba ang dibdib ni Kali dahil sa naging reaksyon ng babae.
“A Seberinus,” saad nito na parang hindi makapaniwala. “I thought they had been wiped out a long time ago.”
“Ano ang ibig ninyong sabihin?” Si Kali naman ang nagtanong.
“They were the most powerful clan in the past, nothing could beat them.” Sinundan nila ito ng tingin habang umuupo ito sa harapan nila. “How could one end up in Basileio?”
“Kung gano’n sila kalakas, bakit sila naubos?” tanong pa ni Kali.
“Kali,” ani Gaios. “Hindi iyan ang pinunta natin dito.”
The witch nodded. “Anong maitutulong ko?”
“We are planning to kill him.”
“You cannot kill him, they are immortal,” saad nito.
Napasinghap si Kali. “Are you saying that there is no other way?”
Ilang sandaling hindi sumagot ang babae, parang nag-iisip.
“Do you have a weapon with you?”
Agad na inilabas ni Marcus ang isang dagger na nakabalot sa tela, kinuha iyon ng babae at pinagmasdan.
“This one could only kill a common werewolf,” sabi nito. “But, I could put a spell on it.”
“Spell?”
“A spell that could kill a primordial werewolf.”
Nabuhayan ng loob sina Kali dahil doon, nagkatinginan sila ni Gaios at ngumiti sa isa’t-isa.
“Ibibigay namin ang lahat ng gusto ninyo bilang kapalit,” sabi ni Gaios.
Ngumiti ang babae. “I am helping you to avenge my old friend’s death, I don’t want anything.”
Matipid na ngumiti si Marcus at nagpasalamat.
Nang oras din na iyon ay hinanda ng babae ang lahat ng kakailanganin. Pinalabas silang lahat nito habang ginagawa ang ritwal, halos tatlong oras din silang naghintay.
Nang lumabas ito ay medyo namumutla ito, hawak ang dagger na nilagyan ng spell. Pinagmasdan iyon ni Kali nang iabot nito ito sa kanya.
“This could really kill him?” tanong niya.
Huminga muna ito ng malalim at pinagmasdan siya. “Yes, but there is one condition.”
“What is it?”
“It could only take effect if he had been pierced by that by someone dear to him.”
Nanlaki ang mata ni Kali. “Hindi mo naiintindihan. He is a heartless beast, we can’t kill him at this point!”
“That is the only way,” the witch calmly answered. “And if someone that he is not fond of pierced that on him, he is not the one that will die, but the one that used it.”
Hindi na nakasagot si Kali, nagkatinginan lang silang tatlo dahil nawalan sila ng pag-asa. Paano nila magagawa iyon?
“Thank you for your help,” ani Gaios.
Bumaling sa kanya si Kali. “Pero—”
“We will just think of a plan later.”
Nagbuntong-hininga si Kali at sumusukong ngumiti sa babae. “Thank you, and sorry for the disturbance.”
“Wait,” sabi pa nito at inabot sa kanila ang isang bote na may laman na parang puting asukal. “This powder could reduce his power slowly, put a pinch of this on his drink or food.”
Kinuha iyon ni Kali at ngumiti. “Thank you again.”
Habang naglalakad ay lumingon muli si Kali nang may maalala siya. “Can I know your name?”
The witch smiled wickedly. “Alice Ilse. .”
Gumanti siya ng ngiti. “I am Kalista Lupus.”
“Good luck,” anito. “Send me news on what will happen.”
Tumango lang siya at tumalikod.
Tahimik sila habang pabalik sa Basileio. Dahil sa kondisyon ng dagger na iyon ay nawalan sila ng pag-asa.
The dagger should be pierced by someone he loves. How could that feral beast be fond of someone? Doon pa lang ay palpak na ang plano nila.
“Gaios!”
Nang dumating sila ay humahangos na tumakbo palapit sa kanila si Adolph.
“Anong problema?”
“Pumunta na lang kayo sa training—”
Hindi pa tapos magsalita si Adolph ay nawala na si Gaios, agad na sumunod si Kali at naabutan nila ang lahat na nakaikot doon.
Sa gitna ay may dalawang babaeng naglalaban na hindi niya makilala dahil sa nakaharang nitong mga buhok, parehong hingal na hingal na at puro tulo na ng dugo ang sahig at mga damit.
Napatakip siya ng bibig at agad na binaling ang tingin sa mataas na bato na laging pinupwestuhan ni Alasdair.
There he is with his usual sitting position, he is watching the two fighting like there is no tomorrow. Gusto niya sanang isipin na pinaglalaban lang nito ang dalawa para sa sariling kasiyahan, ngunit walang emosyon ito.
It’s as if he is not enjoying it, as well.
“Enough.”
Napatingin ang lahat nang magsalita si Gaios, nilapitan nito ang dalawang naglalaban sa gitna at pinaglayo.
Nanlaki ang mata ni Kali nang makita niya na si Winona iyon at Sonia, ang isa sa mga laging kasama ni Winona.
Anong nangyayari? Bakit sila naglalaban? Ang pareho ay parehong duguan at hinang-hina, ang mga damit ay punit na. Mukhang kanina pa sila naglalaban.
“G-gaios!” Naiiyak na lumapit si Sonia kay Gaios, iika-ika ang lakad.
Gaios clenched his fist then looked up to meet Alasdair’s displeased expression.
“Anong ibig sabihin nito?” tanong ni Gaios. “Bakit mo sila pinaglalaban?”
“He said that the one that will lose will be killed,” pagsusumbong pa ni Sonia.
“Did you know that they are close friends?” asked Gaios, his voice was calm but not kind either.
Alasdair’s expression was blank when he spoke, “I very much know.”
“And you made them hurt each other!” Tumaas ang boses ni Gaios kaya’t napaigtad si Kali. “What is your reason for doing this?”
Alasdair stared at Gaios for a second, eyes like firelight. Everyone could see that he is infuriated.
“Who are you to defy my decisions?” His voice was harsh but not loud.
Napaigtad sina Sonia at Winona nang gumalaw si Alasdair ngunit hindi ito umalis sa pagkakaupo, agad na lumayo ang dalawa at ang mga nakapalibot kanina ay nagtayuan din at lumayo. Ngunit si Gaios ay hindi gumalaw sa pagkakatayo at nanatiling nakaangat ang tingin kay Alasdair, nakita ni Kali na kumuyom ang kamao nito dahil sa galit.
“Motherfuçker,” Gaios muttered under his breath but almost everyone heard it.
Alasdair’s eyes glittered with a different kind of intensity, his jaw flexed, and his knuckles turned white as he grasped the armchair. A chilly wind passed by, and there was silence for a second.
Kali could feel her heart beating heavily.
Napaatras ang lahat nang bigla na lang lumitaw si Alasdair sa harapan ni Gaios.
Gaios smiled coldly. “I am not afraid of you, Alasdair.”
Halos mapatili si Kali nang bigla na lang tumalsik si Gaios nang suntukin ito ni Alasdair sa panga, ngunit hindi tumama ng tuluyan sa puno si Gaios dahil napigilan nito iyon gamit ang mga paa.
Tumulo ang dugo mula sa bibig ni Gaios, napapikit ng mariin si Kali dahil ayaw niyang makita iyon.
He had never seen Gaios spit blood just because of a single punch, she can’t imagine how strong Alasdair is.
Gaios was very fast, too. Nagawa niyang makasuntok ngunit nasalo ni Alasdair ang kamao niya gamit ang kaliwa nitong palad, lalayo na sana siya ngunit hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanang kamao niya at hinawakan ang kaliwa niyang braso para pigilan siya na makalayo.
Alasdair stared at him coldly with his murderous eyes. Gaios tried his best to get away but his grip was too strong. He couldn’t help but groan when Alasdair twisted his whole arm.
Halos napatigil sa paghinga si Kali at nanginginig na napatakip sa bibig nang hilahin ni Alasdair ang buong braso ni Gaios, humiwalay iyon sa katawan nito at ang mga dugo ay nagtalsikan.
Napaluhod si Gaios habang hawak ang balikat, hinahabol ang paghinga. Bumagsak sa sahig ang nakahiwalay na braso nito nang bitawan iyon ni Alasdair.
“Gaios Albana,” Alasdair said. “You defied me. And for that, I will take your life.”
Hindi nakasagot si Gaios dahil sa panghihina, sobra na rin itong namumutla. Napaiwas ng tingin ang lahat nang iangat ni Alasdair ang kanang kamay niya, ang iba sa kanila ay umiiyak.
Si Kali ay nagmamadaling tumakbo sa gawi nina Gaios, mabilis siyang pumagitna sa dalawa bago pa man tumama ang atake nito. Nakatalikod siya kay Gaios at nakaharap siya kay Alasdair.
Pumikit siya ng mariin dahil sa takot. Hinihintay niya ang kung ano man na atake ang gagawin ni Alasdair pero walang dumating.
“K-kali, why did you. .”
Mabagal siyang napadilat ng mata nang maramdaman niya ang mainit na kamay ni Gaios sa likod ng binti niya at ang nanghihinang boses nito.
She flinched when she met Alasdair’s gaze when she opened her eyes. She gasped and recoiled quickly, heart beating hard in her chest.
She cannot move a finger, and with her trembling voice, she said, “P-please, have mercy on him.”
The one corner of his mouth twitched and his eyes darkened but he didn’t do and say anything.
She gasped again after a while. Then, she quickly turned her back on him to help Gaios. Inalalayan niya itong tumayo at nilingon si Nuqui na lumalapit sa kanila para tumulong.
“I will carry him on my back,” ani Nuqui kaya tumango siya at sinundan iyon ng tingin.
And when she returned her gaze to Alasdair, he was no longer standing there. Kaya pala lumapit na sina Nuqui dahil umalis na ito.
Naramdaman niya ang paghawak ni Petra sa likod niya. “Ayos ka lang, Kali?”
Tumango siya, hindi pa rin nawawala ang panginginig ng mga tuhod. Napahawak siya sa dibdib niya dahil hindi tumitigil ang pagkalabog niyon.
She had never felt such fear her whole life.