CHAPTER 57: Oh, s**t!

2719 Words

KANINA NANG IHIPAN ni Avante si Shem-shem na wala nang buhay, nagtaka si Claryvel sa ginawa ng mandirigmang diwatang kakikilala lamang nila. "Anong ginagawa mo?" tanong nito. Tiningnan ni Avante si Claryvel. Bilang si Bangis, malapit ito kay Claryvel dahil noon pa man, sa nakaraang buhay ng dalaga ay kilala na nila ang isa't isa. Ngunit hindi maaring ipaalam ni Bangis dito ang kanyang katauhan. "Sinusubukan kong ibalik ang hangin sa kanyang katawan," tugon ni Avante. Bilang atervhi ng hangin, may kakayahan itong maaring makasalba ng buhay. "Mabubuhay siya?" may pag-asang muling tanong ni Claryvel. "Sana ay hindi pa huli ang lahat," tugon lamang ni Avante. Sa tulong ng marhay, nagliwanag ang mga palad ni Claryvel at ginamot nito ang sugat ni Shem-shem kasabay ng taimtim na panalangin na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD