Wala parin ang Mama niya at ang ibang kasama nila dahil di pa nakabalik simula ng makauwe kagabi. Namaga ang tuhod ng Mama niya at di halos makalakad. Kaya literal na magsosolo siya sa pag assekaso sa kanyang anak, yun ang akala niya dahil may nagpaiwan palang isa. Akala niya ay umuwe na ang lahat nang magpaalam sa kanya kaninang madaling araw sila Warren at Trina. Nagpaiwan pala si Gio. "Ahm Gio pwede bang makisuyo sayo?" Nahihiya na tanong niya sa lalaki. Kinakailangan pa niyang mag-withdraw ng pera pambayad sa bills na hospital ng anak. Ayaw naman niyang ipagkatiwala sa mga nurses ang pagwi-withdraw. Mahirap na sa panahon ngayon na maraming mapagsamantala. Nasa three hundred thousand ang pera na naiwan ni Van sa kanya noon. Malaking pera na yun kung tutuosin pero nilagay niya sa bang

