Nadagdagan na naman ang kanyang duda na iisang tao lang si Van at Gio, una dahil magkamukha ang mga ito ikalawa ay ang belt ng katawan maging ang pananalita nito ay halos kaparehas. At ngayon naman kapareho ito ng allergy na meron ng anak niya. Pero mas pinili niyang iwaglit lang muna sa isipan ang ganung bagay dahil parang impossible talaga. Maaring kamukha o kamag anak ni Van ang lalaki, baka kapatid o kakambal. Ewan ba niya nung mga panahong magkasama sila ay bihira nilang pag usapan ang pamilya nito. Kaunti lang ang impormasyong alam niya tungkol dito ang alam niya lang ay nasa ibang bansa ang mga magulang nito habang ito naman ay nagtatrabaho dito sa bansa bilang agent ng mga panahong iyon. Nabanggit din dito na may dalawa itong kapatid pero hindi nabanggit kung nasaan ang mga ito.

