Napilit siya ng mga ito na tanggapin ang mga perang binibigay ng mga ito sa kanya. Magaling talagang mang blackmail ang mga damuhong kaibigan ng lalaki, sakay na siya sa sasakyan ng lalaki at kapwa sila tahimik sa biyahe. "Mga ilang araw ka doon?" Napalingon siya sa lalaking katabi. Inalam niya kung siya ba ang kinakausap nito, nang mapunang siya nga ang kinakausap nito ay biglang nag turn around click ang utak niya. Napatanong siya sa sarili niya kung ano ang ibig sabihin nito na kung ilang araw siya doon. "Ha?" Naguguluhan niyang tanong dito. "Sabi ko ilang araw ka doon?" ulit na tanong nito. "Bakit saan ba ako pupunta? " Balik tanong niya dito, nagugulohan kasi siya. "Syempre susunduin kitang uuwi ka na, kaya nga tinatanong kung ilang araw ka doon. " Sabi nito na hawak hawak a

