Maaga pa siyang gumayak dahil maaga ding umalis ang kanyang Mama at si Kade papunta sa kapatid ng Mama niya sa kabilang bayan. Birthday ng Tita niya kaya imbitado ang Mama niya, pero wala siyang balak na sumama sa pagpunta doon. Alam niyang gagawing pulutan lang ng mga perfect niyang mga kamag anak ang kanyang buhay. At alam niyang nahihiya ang kanyang Mama kung sasama siya, tiyak kasing ipapaalala na naman ng mga ito ang mga masasakit na nangyari nung nakaraan. "Ang aga natin a." Nakangising salubong sa kanya ni Yaya Rosing. "Training ngayon namin e." Sagot niya dito. Kahapon kasi ay sinabihan siya ni trina na maaga silang mag-uumpisa ngayon ng training dahil aalis ito ng tanghali. At ito nga hindi niya alam kung nasaan na ito, at mukhang tahimik ang kabahayan ngayon. "Pasok kana

