GIO 23

2317 Words

Nagsabi si Trina na di muna sila mag-training dahil may pupuntahan ito. Syempre naman pabor sa kanya ang ganun lalo at pangatlong araw na siyang walang pahinga sa training. Ilang araw na niyang iniinda ang kanyang masakit na kalamnan. "Pahiga muna dito Drie ha." Sabi niya sa buntis na kaibigan. Malaki na ang tiyan nito at ilang linggo nalang yata ay manganganak na ito. "Bahala ka diyan, sa loob lang ako." Sabi nito na iniwan na siya sa duyan na nasa isang puno sa likod ng bahay. Presko ang hangin sa bahaging iyon ng bahay ni Drie, paborito niyang tambayan ang duyan dahil bukod sa presko ay malilim din ang bahaging iyon. May trapal naman para kung sakaling umulan ay di mababasa ang sasakay. Ayos lang na bumukaka siya doon dahil naka leggings naman siya at sila sila lang naman ang nandun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD