Kinakabahan na siya nang sabihin ng driver na malapit na sila sa resort na kinaroroonan ni Gio, kaya naman ay lalong naging masasal ang t***k ng kanyang puso. "Nandito na tayo." Sabi nito na tila lalong nanlamig ang kanyang mga paa. "Sigurado kabang di siya galit?" Tanong niya uli sa driver. Parang di kasi siya mapakali ngayon lalo na sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang sinasabi nitong parusa niya. Madami siyang mga scenario na naiisip habang nasa daan kanina. "Di ko sure haha!" Pang aasar nito sa kanya. "Kuya naman e, nininerbiyos na nga ang tao e. Nang aasar pa kayo!" Nakasimangot na sabi niya dito. "Bakit ba takot na takot ka kay Sir? e di naman yun nangangain. " Mataman itong tumingin sa kanya. "Sabi niya kasi lagot ako e." Nakangusong sabi na habang pababa ng sasakyan. Ok

