Para itong may saltik sa kanyang paningin, nawala naman yung kanyang inis sa mga naging pag-uusap nila kanina. Marahil ay may ayaw lang talaga ito kay Berto, para kasing masyado itong overpowered para sa isang driver lang. Parang masyado itong mataas ang humor na kung minsan ay naiisip niyang para itong may kaya sa buhay. Part of her ay napapatanong kung driver lang ba talaga ito. Nung mag chopstick kasi si Poly ay tila mas sanay pa itong gumamit ng chopsticks kaysa kay Poly. Isang cottage ang kanilang pinuntahan para iyong maliit na bahay na may dalawang silid. Katamtaman lang ang laki niyon at malaki laki lang ng konti sa bahay nila sa probinsya. Mas moderno at mas kompleto lang ang kagamitan ng kanilang cottage dahil halatang pawang mamahalin ang mga naroon. "Saan ang magiging room ko

