Nakaupo si Judith at Gio sa isang mahaba at sosyal na dining table. Mga kaibigan ni Gio, sina Jhai, Travis at Yael, ay andun din. Judith looks out of place with her companion. Nag-iisa lang naman siyang babae na kasama ng mga ito, naiilang tuloy siya lalo na at agaw pansin ang mga kasama niya sa table. "Ang boung akala ko bagong security. Pero bakit parang naging bantay sa puso ni Gio?" Parinig ni Travis. Alam naman niyang tinutukso silang dalawa ng boss niya kahit nung dati pa, noong nandoon pa sila sa bahay ni Dria. "Hay naku, if bantay sa puso, baka nasisante na ako. Walang benefits, puro asar." Naiinis niyang sabi dito. "Oy Gio, this is the first time you brought your… uhh “security” to dinner. Special occasion ba?" Puno ng pang-aasar ang mukha ni Yael. Si gio naman ay tila walang

