Parang may humigpit na tali sa kanyang dibdib. Ang kanyang mga paa, mabigat. Ang kanyang hininga ay tila nakabitin sa ire ng mga sandali iyon, hindi niya tiyak kung handa na ba siya na harapin ang kanyang ama. Pagkatapos kasi ng mga nalaman niya ay tila nagbago ang kanyang damdamin. Hindi niya tiyak kung magagalit ba siya maaawa dito, matagal na panahon na din noong huli niya itong makita.
"Ito na yata!" Sabi ni Van sa kanya. Kung titingnan mo sila sa malayo ay iisipin mong isa silang magkasintahan o mag-asawa.
“Ito na yata ‘yon…” mahina niyang bulong.
“Gusto mong ako na lang ang mauna?” tanong ni Van, may pag-aalala sa boses.
Umiling si Judith. “Kailangan kong harapin ‘to.”
Lumapit siya sa gate, ang kamay ay bahagyang nanginginig. Kumatok siya—isa, dalawa, tatlong beses. Tok… tok… tok…
Nang bumukas ang pinto, isang matandang babae ang sumilip. Nakasuot ng lumang duster, hawak ang rosaryo. May takot sa mga mata nito, pero agad ding napalitan ng pagtataka.
“Po?” tanong ng matanda.
Huminga nang malalim si Judith bago nagsalita. “Ako po si Judith. Anak po ako ni Ernesto Villareal. Siya po ba ay nakatira rito?”
Napatda ang matanda. Tila tumigil ang oras.
“A… anak? Anak ni Erning? Yung ka chat ko kahapon? Natuloy ka?” tanong nito.
Tumango si Judith. Halos mabingi siya sa t***k ng kanyang puso.
“Nandito po ba siya?” tanong niya dito.
Ilang sandali ng katahimikan. Parang tinimbang ng matanda ang bawat salita bago ito muling nagsalita.
“Pasok ka, hija… may dapat kang malaman.”
Tahimik ang bahay, ngunit ramdam ni Judith ang bigat ng enerhiya. Parang ang bawat sulok ay may kuwentong hindi pa nasasabi. May oxygen tank sa isang tabi, mga gamot sa mesa, at larawan ng isang batang babae sa lumang frame.
“Narito siya,” sabi ng matanda. “Pero mahina na siya. Halos hindi na makapagsalita.”
Dinala sila sa silid. Sa kama, naroon ang isang matandang lalaking payat, maputla. Sa unang tingin, hindi mo aakalaing siya ang lalaking bumuo ng maraming alaala ni Judith—dahil halos wala nang natira sa kanyang anyo.
Humigpit ang hawak ni Judith sa pinto. Parang ayaw lumapit ng kanyang mga paa. Pero sa loob niya, may tinig na tumatawag.
Lumapit siya. Isa, dalawang hakbang. Nang nanginginig na ang kanyang mga daliri, hinawakan niya ang kamay ng matanda.
“Papa…”
Dumilat ang matanda. Mahina, basag ang boses, ngunit malinaw ang pagkakabanggit sa kanyang pangalan:
“Judith…”
Para siyang binagsakan ng langit at lupa. Sa sandaling iyon, parang bumalik ang lahat ng alaala—ang init ng kamay ng kanyang ama, ang tinig nitong inaawitan siya sa gabi, ang mga halakhak na matagal nang naputol.
Umiyak siya. Hindi dahil sa sakit lamang, kundi dahil sa wakas, narinig niya ang pangalan niya mula sa ama niya. At totoo ito. Buhay ito.
Habang sila’y nag-uusap, pilit ng kanyang ama ang bawat salita. Ngunit sa likod ng hiningal at pagod, lumabas ang katotohanan—ang kanyang paglayo, ang pag-iwas sa panganib, ang dokumentong pilit niyang itinago.
“Banta ako sa inyo noon… kaya naman ay mas pinili kong mawala kaysa madamay ka,” bulong ng kanyang ama.
"Pero papa, bakit po ngayon niyo lang ako ginustong makita?" Tanong niya dito.
"Alam ko na itatanong mo iyan, kaya naman sasagutin ko ang tanong mo. Gusto kong bago man lang ako mawala sa mundo ay makita kita at mahawakan ang iyong kamay. Gusto kong maramdaman ang init ng yakap mo anak, gusto kong malaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin, kung gaano ako nangulila sayo anak." Madamdaming sabi nito sa kabila ng pautal-utal na nitong pagsasalita.
"Pwede pa naman nating sulitin ang bawat sandali diba papa? Gagaling pa kayo, ang mabuti pa ay sumama na kayo sa akin, hinihintay po kayo ni mama." Sabi niya dito.
Ngumiti ito ng mapait sa kanya mga nakita siyang bakas ng luha sa gilid ng mga mata nito, dama niya ang pag-aalinlangan nito. Sa kanyang nakikita ay alam niya na ang magiging pasya nito. Alam niyang bigo siya sa kanyang pakay,
Sa labas ng silid, si Van ay tahimik lamang na nakatayo. Ngunit sa loob-loob niya, ramdam niya ang mabigat na tension na bumabalot sa paligid niya. Pinikit niya ang mga mata at pilit tinataboy ang sariling emosyon—hindi pa oras para hanapin ang dokumento, alam niyang magmamatigas ang matanda bago ibigay sa kanya ang mga nasabing dokumento.
Van pov
Nang lumabas si Judith, lumapit ito sa kanya. Namumugto ang mga mata ng babae, ngunit matatag ang boses nito. Inakay siya nito sa isang silid na nilagyan nila ng mga gamit nila kanina pagdating. Sa iyong silid na maayos naman, mukha namang matibay ang bahaging iyon ng bahay.
“Ngayon ko lang siya muling nakita. Pero… parang kulang. Parang hindi sapat ang sandali para sa lahat ng taon na nawala.” garalgal ang tinig nito. Alam niya kung gaano kasakit para dito ang lahat.
Hinawakan niya ito sa balikat at matamang tinitigan, damang dama niya ang sakit na nararamdaman nito. Alam niyang hindi lang ang sakit ang nararamdaman nito, damang dama din niya ang tila maraming katanungan na nakapaloob doon.
“Hindi na natin mababawi ang nakaraan. Pero puwede tayong gumawa ng panibagong simula.” pagpapalakas niya ng loob nito. Parehas silang tahimik at tila nagpapakaramdaman lamang sa isa't isa. Huminga nang malalim si Judith, saka muling tumingin sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin nung sinabi mong may lihim ang ama ko kanina?” tanong nito sa kanya.
Dahan-dahan, inilabas ni Van ang maliit na pakete mula sa kanyang backpack. Sa loob nito, isang flash drive. Ang flash drive na iyon ay naglalaman ng mga impormasyon na may kinalaman sa kaso ng ama ng babae. Alam niyang pwedeng maging denial ang babae pag sinabi lang niya kaya mas minabuti niyang ipakita nalang ang kanyang pruweba. Di naman pwedeng puro aligasyon, kailangan niyang mapaniwala kaagad ang babae. Umiiksi ang kanilang panahon at kinakailangan na nilang kumilos sa lalong madaling panahon.
“Ito ang dahilan kung bakit ako nandito. Judith… kailangan mong malaman ang lahat. Ang ama mo ay dating impormante." Sabi niya, hinihintay niya ang reaction nito.
"Kung impormante siya, paano kayo nakakasigurado na nasa kanya ang nga dokumento na sinasabi mo?" Tanong nito sa kanya.
"Yun ang ibinigay na impormasyon sa amin ng aming source." Sagot niya dito. At maraming ulit na nilang pinag aralan ang mga detalye, iisa lang ang itinuro nhßwlll
At iniwan niya ang dokumentong ito—may datos na maaaring magbunyag ng operasyon ng isang armadong grupo. Isang grupo na handang pumatay para matakpan ang katotohanan.” paliwanag niya dito.
Napatingin si Judith sa flash drive na hawak niya, at saka sa kanya.
“Papatayin nila siya para lang makuha ‘yan?” tanong nito sa kanya. More or less ay may idea na naman ito sa maaaring mangyari di lang dito at sa pamilya nito kundi maging ang magiging epekto sa bansa kung saka sakaling mapasakamay na ng mga bandidong grupo ang nasabing mga dokumento.
Tumango si Van. “Kaya kailangan mong magpasya ngayon. Panahon na para kumbensihin mo ang iyong ama na i turn over na sa pamahalaan ang mga dokumento na hawak niya ngayon. Kailangan nating kumilos agad, they are also here now in Mindanao for this.” sabi niya dito.
Ilang linggo na nilang na monitor ang mga kakaibang aktibidad ng mga bandidong grupo, di lang isa, di lang dalawa ang grupo na nagnanais na makakuha ng nasabing dokumento. Dahil maging ang china ay tila nagkaroon na din ng interes sa bagay na iyon. Wala siyang ideya kung ano ang meron sa nasabing mga dokumento para maging ganun nalang ka masigasig ang mga ito na makuha.
"Di ko alam, pwede mo ba akong bigyan ng panahon?" Tanong niya dito.
"Sige bibigyan kita ng panahon, bukas sana may pasya kana." Sabi pa nito sa kanya.
Judith pov
Tahimik ang gabi. Tanging tunog ng mga kuliglig at malayong tahol ng aso ang maririnig. Sa loob ng maliit na bahay, nakaupo si Judith sa tabi ng kama ng kanyang ama. Nakahawak siya sa kamay nito—marupok, malamig, parang bawat sandali’y maaaring ito na ang huli.
Sa kanyang puso ay may pangamba, sa mga ipinapakita nitong kilos ngayon ay tila hinang hina na ito, tila ba anumang sandali mula ngayon ay mamamatay na ito.
Gustong-gusto niyang manatili. Gusto niyang hawakan ang bawat segundo, parang kayang pigilan ang oras kung tatagan lang niya ang kapit. Pero sa kabilang panig ng kanyang isip ay may tinig na paulit-ulit na bumubulong:
“Kung totoo ang sinabi ni Van, kung totoo ang dokumento… may buhay na nakasalalay sa aking pasya."
Pumasok si Van sa silid. Dahan-dahan ang hakbang nito, ayaw gambalain ang katahimikan.
“Judith…” mahina ang boses niya. “Alam kong mahirap. Pero kailangan natin magdesisyon ngayong gabi may mga taong nakita sa radar malapit dito, mukhang pakay nila dito ay ang iyong ama.” mahinang sabi nito sa kanya.
Tumingala si Judith. Basa pa rin ng luha ang kanyang mga mata. Ngunit matatag na ang tingin niya ngayon, kung talagang totoo ang sinasabi ng lalaki ay tiyak niyang nasa panganib ang mga buhay nila.
“Nasaan ang dokumento?” tanong nito sa kanya.
“Inilagay ng ama mo sa isang lumang kahon. Nakalibing sa likod ng bahay, sa ilalim ng punong mangga. Sinabi niya sa akin bago ka pumasok kanina.” sagot niya.
Sa kabila ng pagiging mahina na nito ay nagawa parin nitong sabihin sa kanya ang mahalagang bagay na iyon. Itinanong nito sa kanya kung sino si Van at kung bakit sila magkasama na dumating sa bahay nito, doon niya nasabi ang tungkol sa mahalagang mga dokumento na kanilang pakay. Bakas ang pag aalinlangan nito nang malamang alagad ng batas ang kasama niya. Inakala pa nga nito at ni Tita niya na asawa niya.
"Sige salamat." Sabi nito.
Tumango si Judith. Nilingon niya muli ang ama, na ngayo’y mahimbing na natutulog. May mga luha pa rin sa gilid ng mga mata nito, tila panatag sa pagdating niya.
Bumuntong-hininga siya. “Gusto kong manatili. Pero kung totoo ang lahat ng ‘to… ayokong wala akong gagawin para sa kapwa ko.” sabi niya sa lalaki.
"Okay let's go." Sabi nito, tahimik siyang umalis sa tabi ng kanyang ama alam niyang nagpapahinga na ito. Mahinang mahina pa daw ito nung bago sila dumating, kinakala pa nga ng tita niya na mamamatay na ito. Na hindi na sila makikita pang mag-ama masakit na katotohanan na di niya alam kung paano tatanggapin.