GIO 7

2343 Words
Lumabas sila ni Van sa likod ng bahay. Maliwanag ang buwan, sapat upang makita nila ang lumang puno ng mangga. Nasa ilalim nito, ang kasagutan. Kasagutan sa kanilang mga tanong tungkol sa nakaraan, at ang lihim sa likod ng mga dokumentong iyon. Although may napi picture out na naman siya sa kanyang isip sa kung ano ang laman ng mga dokumentong naroon, ay iba pa rin kung makikita niya yung mismo sa kanyang mga mata. Habang humuhukay si Van, tahimik lamang si Judith. Pero sa loob niya, ang bawat tunog ng pala ay parang hampas sa kanyang puso. Parang bawat patak ng lupa ay kapalit ng alaala—ang bawat pagkakataong sana ay kasama niya ang ama, ang mga tanong na kailanma’y hindi nasagot, at ang mga sandaling hindi na maibabalik. “Judith…” putol ni Van sa kanyang pag-iisip. “Ito na.” sabi nito makalipas ang ilang sandali na paghuhukay. Isang kahon. Lumang-luma. May kalawang ang mga sulok. Sa loob nito, naroon ang isang envelope na may markang “CONFIDENTIAL.” Kinuha ito ni Van, binuksan, at inilabas ang flash drive. “Mula rito, maaari nating mailabas ang rrlahat. May pangalan, impormasyon, at mga transaksyon… lahat ng ebidensyang kayang ilantad ang organisasyong ‘yon.” Tumingin si Judith sa drive. Para itong maliit na bagay na may bigat ng buong mundo. “Paano kung magalit sila? Paano kung mapahamak tayo?” tanong niya, ang boses ay puno ng alinlangan. Alam niyang malaki ang posibilidad na malagay sa panganib ang buhay nila lalo na ngayong hawak nila. “Mapapahamak tayo,” sagot ni Van. Direkta, walang paliguy-ligoy. “Pero kung hindi natin ito gagawin, mas maraming tao ang mawawala. Mas maraming bata ang lalaking walang magulang, gaya mo.” Natahimik si Judith. Pumikit siya at mariing huminga. Pagdilat niya, may panibagong tapang sa kanyang mga mata. Hindi pa ito buo, hindi pa matatag, pero malinaw na ito'y nagsisimula. Alam niyang hindi siya pababayaan ni Van, nakakatakot isipin na may mga batang napapariwala hangga't nasa kamay nila ang dokumentong iyon. “Anong gagawin natin sa drive?” usisa niya dito. “May contact ako sa Zamboanga. Pupunta tayo roon. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko na kayang magsiwalat nito sa ligtas na paraan.” sabi nito. “Pero paano ang papa ko?” mahina niyang tanong, tila bata. Nilapitan siya ni Van. Inilagay ang kamay sa kanyang balikat. Alam niya pinapalakas ng mito ang loob niya lalo at dama niya pa rin ang takot, ang pag-aalinlangan. “Pwede tayong bumalik. Kapag ligtas na. Kapag tapos na ang lahat at naibigay na natin ang mga dokumento sa tama nitong lugar kaya dapat tayo magmadali.” Tumango si Judith, bagaman mabigat. Tinapik nito ang dibdib, parang inaayos ang t***k ng pusong gustong mapunit. “Kung ‘di ko man siya mahawakan sa huling hininga niya… gusto kong alam niyang lumaban ako para sa kanya. Nagpaalam na din siya sa kanyang ama. Tahimik ang silid habang bumalik si Judith. Bitbit niya sa dibdib ang flash drive, pero mas mabigat ang iniwang tanong sa kanyang puso: gusto niya sana makasama ang kanyang ama pero alam niyo para dito lubhang mapanganibn Lumapit siya sa kama ng ama. Nakadilat na ito, mahina pero gising. Tinawag niya, mahina ang boses, parang ayaw guluhin ang katahimikan. “Papa…” Dahan-dahang gumalaw ang mata ng matanda. Tumingin sa kanya, tila pilit nilalabanan ang pagod at sakit ng katawan upang masilayan ang anak. Lumuhod si Judith sa tabi ng kama. Hinawakan niya ang kamay ng ama. Mainit ang luha sa kanyang pisngi, pero hindi na niya pinunasan. “Papa… aalis muna ako.” Hindi kumibo si Ernesto, ngunit kumapit ito sa kamay ng anak—mahina ngunit mariin, parang sinasabing ‘wag. “Hindi ko po kayo iiwan. Pero may kailangan akong tapusin. May iniwan po kayong tungkulin na kailangang dalhin… at gusto kong ako ang gumawa.” sabi niya na mananatili na muna siya sa tabi ng kanyang ama pagkatapos nilang maihatid ang mga dokumento. Kumurap si Ernesto, saka dahan-dahang tumulo ang luha nito. “Ang totoo po… galit ako noon. Akala ko pinabayaan n’yo kami. Pero ngayon… naiintindihan ko na. Hindi kayo nawala dahil iniwan n’yo kami. Nawala kayo dahil sinakripisyo n’yo ang lahat para sa amin.” Tumingin si Judith sa ama, damang-dama ang pighati. “Ngayon ako naman ang gagawa ng tama. Para sa inyo. Para sa lahat.” Pilit na ngumiti si Ernesto, ngunit isang liham ang iniabot ng matandang babae—ang tagapag-alaga ni Ernesto. “Inilagay niya ito sa drawer. Para raw sa’yo.” sabi ni tita. Uutal-utal na ang kanyang ama at alam niyang hindi na magiging malinaw kung anong gusto nitong sabihin oras na magtanong siya ng mga bagay-bagay tungkol sa mga dokumento. Kaya hinayaan na lang niya na ang pupuntahan nila ang magpaliwanag sa kanila at sa kanilang mga katanungan. Kinuha ni Judith ang liham. Lumang sobre, may punit sa gilid, at may pangalan niyang sulat-kamay. Hindi niya alam kung kailan iyon sinulat ng kanyang ama ngunit mukhang matagal na matagal na, naninilaw na rin ang sobre at may mga ilang punit na din. Binasa niya ito nang tahimik habang si Van ay nasa may pinto, hindi nagsasalita. Alam niyang nararamdaman nito ang kanilang pangungulila sa isa't isa ng kanyang ama. “Anak, Kung binabasa mo ito, ibig sabihin ay dumating ka. Alam kong maraming taon ang nawala. At baka hindi ko na maibalik ang panahong iyon. Pero kung may hiling akong huli, ‘yon ay ang mapatawad mo ako. Ginawa ko ang lahat para sa kaligtasan n’yo ng nanay mo. At ngayon, ang hiling ko ay sana… kung may tapang ka pa ring taglay, ituloy mo ang laban na sinimulan ko—pero sa mas tamang paraan. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kong makakagawa nito. Mahal na mahal kita, kahit pa hindi ko iyon naipakita.” Napaluhod si Judith sa tabi ng kama, niyakap ang ama habang humahagulhol. “Papa… ipapangako ko po. Hindi masasayang ang sakripisyo n’yo.” Mahina, halos pabulong, pero malinaw… isang salitang binitiwan ng matanda, bago pumikit: “Salamat…” At kasabay ng pagdilim ng gabi, lumamig ang katawan ng kanyang ama. Natigilan siya nang hindi na gumagalaw ang kanyang ama, agad niya itong pinulsuhan. Wala na ang kanyang ama, para bang hinintay lang siya nito na makapunta doon at makahingi ito ng tawad bago namatay. Madaling-araw. Sa katahimikan ng baryo, tanging huni ng ibon at kaluskos ng mga dahon ang maririnig. Nakatayo si Judith sa tapat ng maliit na puntod sa likod ng bahay. Doon nila pansamantalang inilibing ang kanyang ama. Payak, walang lapida, isang krus na yari sa kahoy. Kinakailangan nilang ilibing agad ang kanyang ama dahil sa relihiyon nito. Tahimik lang siya. Walang luha sa mga mata ngayon—hindi dahil nawala ang sakit, kundi dahil natuyo na ito sa paulit-ulit na iyak. Alam niyang nasaan man ito ngayon at least wala na itong nararamdamang sakit. Di na ito magtitiis pa sa mga sakit. Hindi na nga niya na itanong kung ano bang sakit ng kanyang ama kanina. “Hindi pa ito ang katapusan, Papa,” bulong niya. “Ito ang simula.” Lumapit si Van, dala ang backpack at ilang gamit. “Handa ka na ba?” Tumingin si Judith sa kanya, may bahid ng pag-aalinlangan sa mata—pero nananaig ang determinasyon. “Hindi,” sagot niya. “Pero kailangan kong kumilos kahit hindi ako handa.” pag-amin niya dito. Kahit kailan yata hindi siya magiging handa sa mga ganun pagkakataon. Tumango si Van. “May dalawang oras tayo bago makarating sa checkpoint. May contact ako sa San Isidro. Doon tayo unang pupunta.” Bago sila tuluyang umalis, lumingon si Judith sa bahay. Sa bawat sulok nito ay may alaala—ng pagkawala, ng pagtatanong, at ngayon… ng katotohanan. Saksi ang bahay na iyon. Magaan ng kahit papaano ang kanyang loob, nagawa niyang patawarin ang kanyang ama pagkatapos ng mahabang panahon. Tahimik silang lumakad sa makitid na daan, may dala-dalang panganib. Habang naglalakad, ramdam ni Judith ang malamig na simoy ng hangin at ang bigat ng lupa sa bawat hakbang. Parang bawat yapak ay pagtapak sa isang daang hindi na niya mababalikan. Halos hindi nila makita ang daan, ngunit kailangan nilang makarating doon sa bayan bago pa man magbukang liwayway. Napansin ni Van ang pananahimik niya. “Anong nasa isip mo?” tanong nito. "Naiisip ko lang na sana magkaroon tayo ng super powers." Biro niya sa lalaki. “Wala namang sinabing kailangan kang maging bayani para lumaban,” sagot ni Van. “Minsan, sapat na ang may puso ka. At naniniwala ako—mas matapang ka kaysa sa akala mo.” Napatigil si Judith. Napatingin siya kay Van. Sa loob ng lahat ng gulo—may isang bagay siyang natagpuan sa lalaki: hindi lang lakas, kundi katiyakan. At sa panahong lahat ay gumuguho, mahalaga iyon. Tahimik silang nagpatuloy sa daan. Ngunit ilang minuto pa lang ang nakalipas, napahinto si Van. Nagsimula silang tumakbo, mabilis, kahit madulas ang lupa at madamo ang paligid. Ang hininga ni Judith ay parang apoy sa kanyang dibdib. Hindi siya sanay sa ganitong bilis, sa ganitong panganib. “Van, saan tayo dadaan?” hingal niya. “May lambak sa gilid ng bangin. Doon tayo liliko. May trail na halos di ginagalaw—mas ligtas tayo ro’n kahit madulas.” Sa kabila ng kaba at hingal, napansin ni Judith ang katiyakan sa boses ni Van. Parang sanay ito sa giyera, sa pagtakas, sa kamatayan. At sa gitna ng lahat ng iyon, siya—isang anak lamang na dating naghahanap ng ama. Habang tumatakbo, narinig nila ang putok ng baril. Sunod-sunod. Napadapa sila sa lupa. Kumalabog ang puso ni Judith sa takot. “Tinatarget tayo,” bulong ni Van. “Pero hindi nila kita ang eksaktong kinaroroonan natin.” Dahan-dahan silang gumapang sa ilalim ng mga palumpong. Nanginginig ang kamay ni Judith habang humahawak sa mga ugat at damo. Hindi niya alam kung pawis ba o luha ang bumababa sa kanyang pisngi. “Bakit ganito?” bulong niya, halos pabulong sa hangin. “Akala ko simpleng pagbisita lang ‘to. Akala ko closure lang ang hanap ko.” Tumingin si Van sa kanya habang pareho silang nakadapa. “Wala nang simpleng bagay kapag may katotohanan kang bitbit.” Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ilang saglit ng katahimikan—pero puno ng pang-unawa. “Pero Judith,” dagdag ni Van, “nandito ako. Hindi kita iiwan.” Bahagyang tumulo ang luha ni Judith, pero tumango siya. “Sige. Lalaban ako. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa kanya. At para sa lahat ng gaya niya na piniling manahimik.” Muling dumaan ang putok ng baril, pero ngayon ay mas malayo na. “Bilis,” utos ni Van. “Kailangan nating makalayo bago nila malaman kung saan tayo pumasok.” Mabilis silang bumaba sa lambak. Maputik, madulas, at puno ng mga ugat at batong nakausli. Minsan nadudulas si Judith, pero agad siyang inaabot ni Van. “Hinay-hinay,” sabi nito habang inaalalayan siya. “Kung mabubuhay pa tayo pagkatapos nito,” hingal ni Judith, “magpapainom talaga ako sa’yo.” biro niya sa lalaki, hingal na hingal siya at naghahabol ng hininga. Ngunit sa kabila ng lahat ay buo ang tiwala niya na hindi siya nito pababayaan. Napangiti si Van kahit sa gitna ng pagod. “Basta’t ikaw ang magbabayad, kahit isang bar pa lilibutin natin.” sagot naman nito. Maya-maya, lumabas sila sa isang mas mababang daan na tila di na ginagamit. Doon muna sila nagtago sa likod ng isang lumang kubo na halos sirâ na. Doon sila huminto, naupo, humihingal. Tahimik. Puno ng pagod.Tumingin si Judith sa langit. Mabigat pa rin ang dibdib niya, pero parang mas malinaw na ang isip niya ngayon. “Van…” bulong niya. “Natatakot pa rin ako.” “Okay lang matakot,” sagot ni Van. “Kahit ang mga sundalo, natatakot. Pero ang mahalaga—lumalaban ka kahit takot ka.” Tumingin si Judith sa kanya, punô ng damdamin. “Bakit mo ginagawa ‘to? Bakit mo ko tinutulungan?” Hindi agad sumagot si Van. Tumingin ito sa lupa, saka marahang nagsalita. “Dahil nakita ko sa’yo ang tapang na hindi mo alam na meron ka. At dahil sa totoo lang… ayokong masaktan ka. Wala kang kasalanan sa gulong ‘to. Pero andito ka. At ayokong mag-isa kang humarap sa lahat ng ‘to.” Unti-unting lumambot ang mata ni Judith. Lumapit siya kay Van, dahan-dahan, at sandaling isinandal ang ulo sa balikat nito. “Salamat,” bulong niya. “Kung wala ka, baka sumuko na ako.” Napatigil si Van. Tila natigilan sa damdaming nararamdaman. “Hindi kita pababayaan, Judith. Anuman ang mangyari.” Gabi na. Tila ba ang dilim ay mas itim kaysa dati. Sa kalagitnaan ng kagubatan, sa isang maliit na kubong halos natabunan na ng mga baging at talahib, naroon sina Judith at Van—nagtatago, nagkukubli, at nagsisimula nang tanungin ang sarili kung paano sila napunta rito. Humihingal pa rin si Judith. Namumula ang tuhod niya—may galos mula sa pagbagsak kanina. Pawis na pawis siya, damit ay may bahid ng putik at damo, at ang buhok ay dikit-dikit na sa pawis. Si Van ay nakatanaw sa labas ng kubo. Tila bantay. Hawak pa rin ang baril, subalit nakaluwag na ang hawak. Hindi siya nagsasalita.Tahimik silang dalawa. Tanging huni ng kuliglig at ihip ng hangin sa pagitan ng kawayan ang maririnig. Pagkatapos ng ilang minuto, bumulong si Judith. “Hindi ko pa rin alam kung totoo ba lahat ng ‘to o panaginip lang.” Tumingin si Van sa kanya. Dahan-dahang lumapit, saka naupo sa tabi niya. “Hindi ka nag-iisa sa iniisip na ‘yan,” sagot niya. “Kahit ako, halos hindi makapaniwala na ang simpleng biyahe ko ay hahantong sa ganito, ang buong akala ko bukas pa ako sa sabak sa misyon.” naiiling na sabi nito. Huminga nang malalim si Judith. “Pakiramdam ko, ang bigat ng katawan ko. Hindi lang dahil sa pagtakbo… kundi sa lahat ng natuklasan ko.” pag-amin niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD