Tiningnan siya ni Van, at sa unang pagkakataon, nakita ni Judith na pagod din ito. Hindi lang sa pisikal, kundi sa emosyon. May bahid ng lungkot sa kanyang mga mata na hindi niya nakita noong una silang nagkita. “Judith,” mahinang sabi ni Van. “Gusto kong malaman mo… hindi kita tinutulungan dahil sa utos o dahil sa misyon ko. Ginagawa ko ‘to dahil… pinili kong lumaban sa tabi mo.” sabi nito. Napatitig si Judith. Ang mga mata niya ay punô ng luha, pero hindi pa tumutulo. Pinipigil. “Bakit?” tanong niya. “Bakit ako? Marami ka namang puwedeng iligtas. Maraming mas mahalaga. 5"ikaw yung kasama ko eh kaya syempre ika ang tutulungan ko.” sagot pa nito “Hindi ka lang mahalaga, Judith,” mahinang sabi ni Van. “Ikaw ang dahilan kung bakit hindi pa ako sumusuko sa mundong ‘to. Kasi sa gitna ng ka

