Sa gabi ng paglalakad nila palabas ng gubat, pinasok sila ng grupo ng kalalakihang armado. Nagka-barilan. Natamaan si Van sa braso. Hawak ni Judith ang baril, nanginginig ngunit determinado. “Judith… tumakbo ka.”mariing sabi ni Van sa babae. “Hindi. Hindi kita iiwan.” sabi nito. Dumating si Rigo kasama ang ilang kasamahan. Tinulungan silang makatakas. Ngunit alam nilang hindi pa tapos ang lahat. Habang nasa isang sasakyang patungong Zamboanga, magkatabi silang tahimik sa likod. Nasa pagitan nila ang pananakit, pangamba, at pag-ibig. “Pagkatapos ng lahat ng ‘to… handa ka bang magsimula?” tanong nito sa kanya. “Oo. Basta ikaw ang simula.” sabi niya bago pumikit. Makirot ang bahagi ng kanyang balikat na may sugat. Isang linggo ang matuling lumipas, tahimik ang gabi, pero sa loob ng lum

