Di niya alam kung hihintayin paba niyang matapos sa ginagawa nitong pakikipag usap bago siya umupo o uupo nalang siya agad. Makalipas ang ilang minuto ay di parin tapos ang pakikipag usap nito. Kaya nagpasya na siyang umupo sa lamesa. Sinabi naman nito nang nagdaang gabi na sabay sila palaging kakain. Lumingon ito sa kanyang kinaroroonan nang di niya sinasadyang maubo. Alangan pigilan niya ang sarili niya sa pag ubo, baka mautot pa siya. "O sige, I'll call you later." Sabi pa nito sa kung sinumang kausap nito. "Okay." Sabi nito sa kausap bago tuloyan na patayin ang tawag. Hindi niya ito magawang tingnan sa mata nito, lalo na ng maalala niya ang namagitan sa kanila ng nagdaang gabi sa terrace. Hindi niya ito magawang sulyapan man lang lalo na at alam niya na nakatitig ito sa kanya.

