Dahil di naman siya komportable sa kanyang suot ay di niya magawang lumabas ng kanyang silid. Sa isip niya kasi ay baka isipin ni Gio na nagpapaganda siya para dito. Parang masyadong over dressed naman siya sa suot niyang dress, muli niyang binuksan ang closet at inisa isa ang mga naroon, hindi niya alam kung pwede ba ang crop top nalang at paresan niya ng skinny jeans. Dali dali siyang nagpalit ng damit, mas nakakailang yata ang mag dress lalo at di naman ganun ang nakasanayan niyang get up palagi. Ayaw naman niyang maging agaw pansin sa kahit saan siya mapunta. Ayaw niya ng conflict sa buhay niya, lalo na ngayong may anak na siya ay mas lalo siyang naging pribado. Narinig niya ang mahinang katok mula sa pinto, mukhang di na nakatiis sa tagal niya ang boss niya. Masyado yata siyang pa

