Dampi dampi lang ang halik na ginawa niya dito, dahil hindi naman siya marunong. Hinalikan niya ito sa noo. Narinig niya ang pagtawa nito sa kanyang ginawa. "Seriously Judith? Sa noo? Ano mo ako apo? Haha!" Sabi pa nito. "Ang demanding mo, mabuti nga hinalikan kapa!" Inis na kinakawag niya ang mga paa niya para ibaba na siya nito. Malapad naman ang railings, pero nalulula kasi siya sa taas ng kinaroroonan niya. Pakiramdam niya ay mahuhulog siya anytime. "Ganito dapat ang halik." Sabi nito. Di niya napaghandaan ang pagsapo nito sa kanyang batok at isang marubdob at madiin na halik ang sumalubong sa kanya. Nakakaliyo ang halik na iyon, pero nandun ang pamilyar na kiliti. Parang may init na lumukob sa kanya, ang akala niyang dampi lang na halik ng lalaki ay naging mas mapangahas pa. Nama

