bc

Plan goes Wrong

book_age18+
42
FOLLOW
1K
READ
dark
friends to lovers
goodgirl
comedy
bxg
mystery
scary
ambitious
witty
friendship
like
intro-logo
Blurb

We all have our so called “the one”, meaning the one who can truly and madly love us uncondionally.

In this world full of what if’s and buts how can you prepare yourself to take the risks that life may brought to you?

Paano kung ang taong hindi mo ninanais na makilala ay maging paraan o susi sa problema na kinakaharap mo?

Isang taong handang tulungan ka hanggang sa abot ng makakaya niya.

Ngunit sa panahon ngayon, lahat ay may kapalit.

Tatanggapin mo ba ang nakahain na kapalit ng pagtulong niya na siyang kailangan mo talaga?

Paano kung ang kapalit ay ang pagpanggapin ka niyang Girlfriend niya sa harap ng maraming tao at pagselosin ang ex-boyfriend mo at ang ex-girlfriend niya na nagtaksil sa inyong dalawa?

Makakaya kaya ng isang Nathalie Bondoc ang ganitong kapalit kahit na alam niya sa sarili niya na hindi pa din siya nakakalimot sa nakaraan?

And what if malaman niyang isa palang President eng organisasyon ang taong tutulong sa kanya?

Isang mayaman, gwapo, matalino at kilalang imahe sa ibang tao ang mayroon siya.

Makakaya pa rin ba niyang magpanggap kung sobrang sakit na ang natatanggap niya dahil rito?

And what if she suddenly knew that she’s moving on through that kind of set-up and fall in love with the man she didn’t expect to feel love with.

If the one in the past returns into your present, do Nathalie still pretend that you still stuck in the past? Or be true to herself that she already move on and now happy in the present.

Pipigilin nalang ba niya ang totoong nararamdaman? Because she thinks that’s the right thing to do or is it because she’s afraid to forget the past and take risks that life and love may brought to her and maybe because she’s afraid to be hurt by someone again and again just like what happened before.

A leader of an organization or a President of it must serves as a role model too.

A guy named Alden Rex Libiado always fights for what he thinks right. So don’t mess with him. But, his best friend, Aiden Dylan Bolivar does which turns their friendship into a no choice company with each other.

Alden wants the love of his life gets back to him and leave his best friend Dylan for him.

Would he choose to let his ex-girlfriend to be with his best friend? Or fight for her until the end because he really loves her so much that he could give his own life for her.

What if the one he chose to pretend as his girlfriend changes all his plan because he is gradually feels something special for her.

Will he stand his real feeling for her? Or just also do what he think it is right.

Let’s explore, feel sorrow, happiness, romantic excitement and confuse and how the PLAN GOT WRONG.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1- THE BEGINNING
NATALIE'S POV I'm Natalie Bondoc. 20 years old. I am a simple girl, a college student who is taking up Bachelor in Science in Hotel and Restaurant Management. Nandito ako ngayon sa bahay ng classmate kong si Sandara. "Uyy... friend bili ka munang materials natin for our project . Then ako na gagawa ng assignment nating dalawa. Call?? "- tanong niya "Okay!!"- sagot ko then ayun nga nagpunta akong palengke . Hindi naman kasi ako mayaman . Yung si Sandy lang . Siya kasi partner ko sa school project namin . Gagawa kami ng malaking libro and sarili naming story. Malapit na sana ako sa palenke nang... *Kriiiiiiiing* *kriiiiiiiing* DARA Calling... Answer. ohhh. Bakit napa tawag ka? ( Ahmm. friend. dun kana lang bumili sa mall ng materials natin . Ako ng bahala sa gagastusin natin. ingat. Bye!!! ). Call ended... Hayyyyy... nako naman.. masyadong maarte yung kapartner ko na 'yun. Talagang sa Mall pa?? Eh pamasahe pa nga lang . Ang mahal na ehh. Ang gastos naman ng alam ni Sandara. Bahala na nga siya naman daw bahala sa gastos diba? Sa mall.... Sa wakas.. nakabili na din ng mga gamit.. Pero may isa pang kulang .. Yung pang book cover namin sa harap ng cartolina . Kailangan dun ng kahit isa lang na wallpaper. Then .... bumalik ako.. tingin... tingin... tingin... tingin... Then sa wakas!!! Nakapili na rin. Pero... " Hoy!!! Mister na agad agad nalang sumusulpot na parang kabote! Ako ang naunang kumuha sa wallpaper na 'to. "- sabi ko sabay hugot ng wallpaper sa kanya. " Anong ikaw babaeng mukhang amerikang hilaw? Ako ang nauna dito. This is mine and besides hindi mo pa naman ito nababayaran diba? So basically, it's not yours already."- sabay hila din niya sa wallpaper. " Aba at ang tigas mo talaga huh!? "- say ko sabay irap sa kanya. Kainis naman 'to. Magtatagal pa ako dito sa mall dahil sa lalaking 'to, sayang ang oras! " Akin to."- ako " It's mine."- siya " Akin nga!"- ako " THIS. IS. MINE!!! "- Sumigaw na siya. Kaya naman may napatingin sa aming isang saleslady. " Ahhhm, Sir sa nakita ko po siya po 'yung unang nakakuha ng wallpaper na 'yan."- say nung babae. Ayan ate ang galing mo sa part mo na 'yan! Oh? Ano ka ngayon ha? Hahaha! Ngumisi ako sa kanya, 'yung ngiti bang nang-aasar. "Kung gusto niyo po iba nalang po 'yung bilhin niyong wallpaper. Madami pa naman po dyan eh, madami pa pong ibang designs dito Sir. "- pagpapatuloy pa niya. Sabay turo pa ni ate sa ibang wallpapers. " I don't like those, I want that wallpaper. Kahit bilin ko pa tong mall niyo ngayon din gagawin ko! "- say ni Mr. Kabute. Ang yabang naman, parang wallpaper lang eh? Napaka-OA ha? Kung hindi ko lang kailangan 'tong nag-iisang design na ganito ibibigay ko naman. Kaso ang yabang eh. " Hoy!!!! Hoy!!! Hoy!!! Mr. Kabute, 'wag mo ngang daanin sa pagbili ng mall pwede ba?Ako nga ang nauna eh. Bakit mamamatay ka ba 'pag hindi mo nabili 'tong wallpaper na to? Hindi naman siguro diba? Para kang bata! Ang childish mo! "- say ko then nagpunta na ko sa counter then binayaran ko na din. Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Mr. Kabute sa gilid ko. Akala ko okay na siya na akin na 'yung wallpaper. "Ayyy! Kabuteng putek! Ano kaba naman ha! Wala akong sakit sa puso ngayon pero baka mamaya meron na KABUTE ka talaga ehh noh? "- sabi ko nakakagulat naman kasi tong lalaking 'to. Kung di lang siya gwapo baka naupakan ko na yan ehh. Wait. Gwapo? Sinabi ko? Pero oo gwapo nga, kaso napaka-OA masyado. " Ano ba kasing kabute pinagsasasabi mo dyan ha? You keep on saying that kabute? "- say niya. Confused? Dahil sa word na kabute hahaha! " Ano? Kabute lang hindi mo alam? Hahaha, eh engot ka pala eh. Hahaha! "- tawa lang ako ng tawa. Seryoso? Tiga bundok ba 'to? " SHUT THE f**k UP! I'M NOT STUPID OKAY? IT'S JUST, I ONLY HEARD THAT WORD JUST NOW. ITO LANG ANG TATANDAAN MO PAGSISISIHAN MONG NAKILALA AT PINAGTAWANAN MO KO. OA MAN KUNG OA. ISA KA LANG NOBODY."- Seryosong sambit niya sabay lakad palabas ng store. Para siyang mangangain ng tao. Ano ba 'yan. Nagalit ko yata. Eh paano kabute lang hindi pa alam? OA talaga 'nun. Parang lahat nalang ng bagay big deal sa kanya. Hayyy, hayaan na nga lang. Sana hindi kona ulit siya makita. Nabalik lang ako sa aking wisyo ng iabot na saakin ang sukli ko. " Salamat."- sabi ko then umalis na ko sa mall na 'yun. Bigla naman akong nasaktan sa mga sinabi niya kanina na isa lang akong nobody. Oo alam kong mahirap lang kami, pero marangal naman ang pera na ginagastos namin at pinaghirapan talaga. Lumalakad lang naman akong tulala. Ano ba kasi ibig niyang sabihin. "ITO LANG ANG TATANDAAN MO PAGSISISIHAN MONG NAKILALA AT PINAGTAWANAN MO KO. OA MAN KUNG OA. ISA KA LANG NOBODY." Paulit ulit sa utak ko 'yan. Nakakainis 'yung bwisit na lalaking yun. Akala mo kung sino. Palibhasa mayaman eh. Kaya ganun nalang kung umasta. Nakakainis! Malaking bagay ba talaga sa pagkatao ng isang indibidwal ngayon kapag mayaman o salat sa salapi? Hayyy, erase, erase, erase. Move on na nga sa nangyari. Makapunta na nga lang ng palengke. Tinawagan ko naman si mama baka mayroon siyang ipapabili sa palengke, wala pa din naman kaming ulam ngayong tanghali. Calling Mama... " Ahhm. Ma? May papabili po ba kayo sa palengke? Pupunta po kasi ako. "- tanong ko kay Mama. " Ahhh. Buti natanong mo anak. Bumili ka na nga pala ng ulam natin. Bumili ka ng isang kilong baboy. Tsaka yung sangkap na pang sinigang. "- sagot ni Mama. " Ahh. Okay po. "- sabi ko. " Sige. Mag-ingat ka ah. Umuwi ka din agad. "- sabi ni Mama. " Okay po."- sagot ko naman. Call ended. Sumakay lang ako ng tricycle papuntang palengke. Sa labas ng mall lang ako sumakay. After few minutes... Nakarating na din sa wakas. " Manong heto na po 'yung bayad."- sabi ko sabay abot ng bayad kay Manong Driver. " Salamat."- sagot naman niya. Then bumaba na ko sa tricycle. Naglakad lang ako papasok ng palengke. Pumunta muna ako sa bilihan ng baboy. Pagkatapos naman binili ko na din 'yung mga sangkap sa pagluluto ng sinigang. Pagkatapos ko icheck lahat ng mga dapat bilhin ay kaagad na din naman akong lumabas ng palengke. Pagkalabas ko may nakita akong sasakyang naka-park. Kotseng pangmayaman 'to ah. Ang ganda eh. Fortuner siya na mukhang bagong labas na model. Ang kinis pa. Walang kagasgas gasgas. Wala din ni isang pahid ng alikabok. Ang gara ahh. Pagkatapos ko namang pagmasdan yung kotse... Napatingin naman ako sa lalakeng nasa gilid nito. Nakatalikod siya mula sa akin. Kaya hindi ko makita 'yung mukha niya. Sabay sumigaw siya. " Arrrgggg!!! s**t! Walang silbi!"- sigaw niya sabay sipa sa gulong ng sasakyan niya. T-teka??? Parang pamilyar 'yung boses na yun ahh... Then... Nung lumingon siya... "IKAW???" "YOU???" Sabay na pasigaw naming sabi. Nakita ko lang naman 'yung lalaking ubod ng yabang na nakita ko sa mall nung bumibili ako ng wallpaper kanina. Tanda niyo? Sabagay ilang minuto pa lang naman ang nakalipas. Siya 'yung nagsabi sakin na pagsisisihan ko daw na nakilala ko siya. And isa lang daw akong NOBODY. Ouch! Eh talagang pagsisisihan kong nakilala ko siya. Dahil nakakilala lang naman ako ng isang demonyong tulad niya. Para lang sa wallpaper? Babastusin mo ang isang babae? Okay lang naman na sigawan niya 'ko pero yung sabihing isa lang akong NOBODY? Sakit 'nun ahh. May silbi naman ako noh. " Ohh? Titingin ka nalang ba dyan? Ang init dito oh? Can you please help me?"- sabi niya. Aba naman! Kita mo nga naman oh, parang walang nangyaring sigawan kanina ahh. " What if I dont want to?"- tanong ko na may sarkastikong emosyon. Ang arte naman kasi ng lalaking 'to. Pa-english english pa. Pati ako tuloy napapa-english. Jusme! " Ayaw mo? Babayaran naman kita eh. Just please tell me where do I find the place that can repair my car. Bilis! TELL ME! NOW!"- Sigaw pa niya. Grabe nakasigaw na naman siya! " Aba! Kung makasigaw ka naman Akala mo kung sino ka ah. Ikaw na nga 'tong nagpapatulong eh ganyan kapa kung umasta. Porket maganda lang 'yang kotse mo at gwapo ka, ganyan kana makasigaw sa isang tulad ko! Manigas ka dyan. Bahala ka, sa buhay mo!!!" sigaw ko din sa kanya. Siya na nga 'tong nanghihingi ng tulong kung saan pwede ipa-repair yung gulong ng kotse niya. Tapos kung makasigaw? Daig pa may microphone sa loob ng bunganga. Oo naiintindihan kong mainit kaya mainit din siguro ulo niya pero, kung manghihingi ka ng tulong dapat samahan mo naman ng magandang manners, diba? Para naman madali mong ma-approach ang isang tao na tulungan ka. But sa case niya? Kahit na pinakamabait siguro lalayasan siya eh. NAKAKABINGI KUNG MAKASIGAW! Pagkatapos ko din naman siyang sigawan, umalis agad ako. Ayoko nang Lumakad ako papunta sa paradahan ng motor para makauwi na. Ka-stress naman ang araw na 'to dahil sa lalaking 'yun. Nakakailang hakbang palang ako. Nakonsyensya agad ako. Kasi naman. Sayang yung kutis niya. Ang puti puti pa naman at ang gwapo pa. Sayang kung matutusta lang yung kutis niya sa araw kahit na may ilang tattoo siya sa braso. Kaya naman lumingon ako kung saan siya naroo. Tsaka lumakad ulit pabalik sa kanya. ANAK NANG!!! NAKANGITI PA ANG LALAKING 'TO. KAINIS LALO PA SIYANG GUMAGWAPO. HAHAHA! Oo na nga gwapo na siya. Pero gwapo din naman ex ko. Kaso manloloko. Naalala ko na naman tuloy siya. " Ohh? Bakit nakangiti ka ha? "- tanong ko nang makalapit na ako sa kanya. Abot tenga ang ngiti ng lalaking 'to. " You said a while ago na gwapo ako. Am I right? You said it right?"-tanong pa niya. Hayyy, bakit ngayon lang ba niya narinig sa babae na gwapo siya? Sa tingin ko naman madaming babae na nagsabi sa kanya 'nun. Oo na gwapo kana mayabang nga lang. Crush na nga yata kita ehh. Kume-kerengkeng na naman ako. Hahaha! Kaso ang yabang mo. Kulang sa manners. And nakakaminus points sa isang lalaki 'yun or kahit na sa kanino mang tao. " Ha? sInabi ko ba? Baka nagkamali ka lang."- sabi ko. Nahiya naman ako bigla. " Whatever." sagot niya. Ang taray naman ng lalakeng to. Kainis. Akala mo naman. Siya na nga itong tutulungan. " Tara na nga sasamahan na kita. Puntahan nalang natin yung shop ni Mang David para mapalitan na agad :yung gulong ng kotse mo. Nakakaawa ka naman kasi. "- sabi ko. Ngumiti naman siya. Gwapo mo naman talaga oo! 'yan, dapat mag-smile lang, ang sungit sungit kasi. " Thank you. Hatid nalang kita sa inyo mamaya."- sabi niya. " Okay, dapat lang! Tara na. "- sabi ko. " Saan tayo sasakay papunta dun sa sinasabi mong shop nung Mang David na yun?"- tanong niya. Bulag yata 'to ehh. Nasa paradahan na nga kami ng mga tricycle nyan. Malamang sa motor alangan namang mag-eroplano kami noh! " Eh? Bulag ka nga yata, nakita mo na ngang nandito tayo sa paradahan ng motor tapos magtatanong ka pa! Malamang magtritricycle tayo. Bilisan mo na nga! Gusto ko nang makauwi niyan ang init oh! Sakay na bilis!"- sigaw ko sa kanya. Ang arte naman oh! Nakatulala ba naman siya, habang nakatayo nakatitig lang sa mga motor. "Baliw! "- mahinang sambit ko. " WHAT???"- Pasigaw na tanong niya. Aba narinig ng loko! Hahaha! " SUMAKAY KANA KAKO! Ang bingi mo naman! SAKAY NA BILIS, PARA MAHATID MO NA AKO AT MALUTO NA NI MAMA 'TONG ULAM NAMING SINIGANG! "- Sigaw ko din sa kanya. Bigla naman niyang hinawakan yung kamay ko. " ANO? SINIGANG?"- pasigaw na tanong ulit niya. Nako naman! Alien ba 'tong kasama ko? Ang weird, daming tanong! " OO NGA!!! SINIGANG NGA!!! ULAM NAMIN! PINABILI NI MAMA. KAYA SAKAY NA.PWEDE?"- tanong ko sa kanya. Naiirita na talaga ko halos mag two and a half hour nako mula sa mall hanggang sa palengke eh wallpaper lang at ulam ang binili ko. Take Note: Sigawan kami niyan. " SASAKAY AKO SA MAUSOK NA SASAKYAN NA YAN SA ISANG KONDISYON."- Sabi niya. Ano na naman kayang kondisyon pinagsasasabi nito. Ang arte! Iiwan ko na talaga 'tong bwisit na 'to. Bakit kasi ang yaman yaman flat yung gulong ng kotse. " ANO NANAMANG KONDISYON YAN HA? Ang arte mo naman!"- tanong ko. " Pakainin mo ako sa inyo. Please... Bihira kasi magluto ng sinigang sa bahay. Favorite ko 'yun ehh. Please? I will pay for all of those expenses na sangkap ng sinigang. "- sincere na sabi niya. Para siyang bata. Hahaha! Akala ko naman anong kondisyon. " OO NA SIGE NA PARA MATAPOS NA. Sa bahay nalang natin pag-usapan 'yan. BILIS SAKAY NA."- Utos ko sa kanya. Then sumakay naman siya. Hayyy, may bwisita pa kami niyan nito. Ang daming pera 'di man lang makapagpaluto ng sinigang. Kaya ayun nga. Pupunta muna kami sa shop ni Mang David para ipaayos yung gulong ng kotse niya. Ipapakuha iyon sa palengke at dadalhin sa shop para doon ayusin. May papakainin pa ako niyan ne'to. At magugulat pa si mama na may kasama akong lalaki. Habang nasa tricycle kami nitong lalaking mayabang na 'to... " Arrgggg!!! It's so hot!!!"- pagrereklamo niya. Nakasarado pa naman ang pinto ng motor sa sidecar pero may hangin naman syempre kahit papaano. Bwisit naman talaga ang arte niyo eh. " 'Wag ka ngang magreklamo dyan! Ilalaglag kita niyan ehh makikita mo hinahanap mo. Arte ne'to."- sabi ko sa kanya. Akala niyo ba nagbibiro akong itutulak ko siya sa tricycle na'to? Pwes! Hindi! As in NO! A BIG BIG NO! Nakakainis na din kasi ang kaartehan ang lalaking tao. Basta ako kapag sinabi ko? Gagawin at gagawin ko talaga. May isang salita ako. " Really? You can? Hahaha! I know your WEAK. You can't do that! "- Sigaw niya sakin. Aba at talagang inemphasize pa talaga niya 'yung word na weak. Napakayabang! Tignan lang natin kung sino ang weak. Hahaha. Pa- you can? You can? ka pa dyan huh! Tignan ko lang kung makapag-english kapa sa gagawin ko. *evil grin* Masyadong mayabang talaga! " Weak pala huh?"- bulong ko sa sarili ko. Sabay umusog ako ng kaonti sa kanya. Kahit na magkatabi kami sa tricycle hindi naman kami ganun kung magkadikit noh. Then noong makausog na ako sa tabi niya. " Arrggg!! ANO BA?? IT'S SO HOT. SO PLEASE? STAY AWAY FROM ME! 'WAG KANG DUMIKIT SAKIN OKAY? Give me some space! "-Sigaw pa niya. Nagtimpi pa ako. At nagbilang ng lima. 5... 4... 3... 2... PIKON NA TALAGA AKO. 1... Then... TULAK!!! *BOOOOOOOGGGGGSSSSS* "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"- ako lang naman 'yan na tawa ako ng tawa. HAHAHA! Kung makikita niyo lang 'yung itsura niya? HAHAHAHAHAHA! 'Yung parang baboy na nalaglag sa tricycle tapos nag-gulong gulong pa. EPIC si kuyang... Hahaha!!! Ang yabang kasi ehh... Napansin yata ni Manong na tawa ako ng tawa. Tsaka narinig din niya yata 'yung pagkakalabog noong lalaking 'yun. Kaya ayun. Hininto naman niya 'yung tricycle niya. " huy! Iha! Ala ehh bakit kaba tawa ng tawa dyan ay? Ano iyong narinig kong malakas na kumalabog diyan. Ala ehh pagkalakas lakas naman nun ehh. Tsaka ala ehh nasaan na nga ba iyong kasama mo ay?"- Tanong ni Manong. Batangeno siya kaya siguro ala eh nang ala eh. HAHAHAHAHAHAHA! 'Di ako makapagsalita ng maayos. Natatawa kasi talaga ako sa reaksiyon niya. " Ahh... hahahahaha! Y-yung------hahahaha--------yung lalak-------hahaha------lalakeng------hahaha ayun po oh. Aahahahahahaha!" sabi ko sabay turo sa kinaroroonan ng lalaking 'yun. Hahaha!!! Nakakatawa talaga siya. " Anak naman talaga ito ng Nanay niya oo. Ala ehh bakit naman napunta doon iyong binatang iyon... Ala ehh ke-likot- likot naman ng lalakeng iyon ehhh. Nakapirmi na sa tricycle ko. Ang likot naman kase. Ala ehh ano ba naman yan."- sabi ni Manong sabay kamot pa sa ulo. Buti hindi nakita ni Manong kung ano ang ginawa ko hahaha! Kayabangan kasi. Tapos bumaba na ng tricycle si Manong tsaka niya pinuntahan 'yung lalakeng mabayang. Nang makita kong nandoon na si Manong sa kinaroroonan ng lalaking 'yun. Narinig ko pang sumisigaw siya. " Ala ehhh bakit naman kasi ang likot likot mo ehh?Dinaig mo pa yung mga maliliit naming sisiw sa probinsiya. Ala ehhh halika na nga dyan at tumayo kana at nang makaalis na rin tayo at tanghali na. Ala ehh paki-bilisan naman!"- sigaw pa ni Manong sa kanya. Ayan!!! Hahaha. Ano ka ngayon huh? Weak pala. Habang pabalik na sila sa tricycle ni Manong... " s**t! f**k! It hurts!"- sigaw pa niya habang paika ika pa sa paglalakad. Tinitigan ko naman siya.. Hala. Ano ba 'yung nagawa ko. Napilayan pa yata siya. Nakonsensya naman ako. Then noong makabalik na sila sa tricycle. " Sorry..."-sincere na sabi ko. Hindi naman siya sumasagot. Kinalbit ko naman siya. " Huyy! Sorry naman na kasi."- sabi ko ulit. " JUST SHUT UP YOUR f*****g MOUTH!!!"- sigaw niya. Ouch! Lakas noon ahh. Basag na yata eardrum ko dun. Makasigaw naman kasi ehh. Grabe sa lakas. Kaya ako? Eto nanahimik nalang. Hanggang sa makarating na kami sa shop ni Mang David. " Ohh? Ano pang hinihintay mo dyan? Bumaba ka naman para makita mo 'yung shop ni Mang David. Tsaka para makita mo din kung sino magpapalit sa gulong ng sasakyan mo."- utos ko sa kanya. "DAMN YOU! ITS SO HOT."- pagrereklamo niya pero bumaba din naman siya ng tricycle. Aba at minumura pa ako ng gagong 'to ah... Tama lang yata na nilaglag kita sa motor. Bwisit. Pasalamat pa nga siya at tinutulungan ko pa siya ehh. Hinayaan ko nalang siya. Mabuti nalang at mahaba talaga ang pasensya ko lalo na sa may topak na kagaya nito. Tsaka ako lumapit kay Mang David. Close ko 'tong si Mang David. Actually Ninong ko pa nga siya ehh. Madalas akong tinatakasan niyan tuwing pasko. Hahaha! Palagi niyang sinasabi sa kasal ko nalang daw. Hello? Wala pa sa isip ko ang kasal kasal na 'yan. Niloko nga ako ng ex ko. 2nd year college na ako pero ayoko pa din mag-boyfriend ulit. Tama na nga sa boyfriend boyfriend na 'yan. Nang malapitan ko na si Mang David. " Hey! Hey! Hey! My handsome Ninong. May papapalitan po sana kaming gulong ng kotse. Nandoon lang po sa may  tapat ng palengke. Tawagan niyo nalang po ako kapag tapos na."- pagpapaliwanag ko kay Ninong David. " Ahh, ohh sige maganda kong inaanak. Ipapahatak ko nalang mamaya kay Ariel. Mga hapon na siguro mapapalitan 'yun. Kita mo naman ohhh. Ang daming nagpapagawa sakin ng sasakyan ehh."- sagot ni Ninong David. Sabay turo sa mga sasakyang nasa shop niya. Ang dami nga naman talaga. Lokohin ko nga si Ninong. " Ohh, Ninong . Ehh di mabibigay mo na mga utang mong aguinaldo sakin niyan."- pang-aasar ko kay Ninong. " Ahh. Haha. Ikaw talaga. Sabi ko nga diba kapag kinasal ka nalang hahaha. Ohh. Okay lang bang mamaya ko pa mapalitan :yung gulong ng kotse niyang gwapong kasama mo?"- tanong ni Ninong sakin. Gwapo? Hahaha! Oo! Gwapo nga talaga. " Ahh. Oo naman po Ninong. Okay na okay lang po 'yun sa kasama ko. Makakapaghintay pa naman po 'yan ehh. Diba???"- sabi ko sabay linakihan ko ng mata itong Mr. Mayabang na 'to. "No choice."- diretso lang niyang sagot. " Napakasunget! Hmmp."- sabi ko sabay irap sa kanya. Gwapo ka nga, masungit ka naman. " Sige po Ninong, una na po kami."- pagpapaalam ko. " Sige Iha. Ingat kayo. Tatawagan nalang kita kapag napalitan ko na 'yung gulong ng kotse niyang kasama mo."- sabi ni Ninong. '' Sige po. "- sabi ko sabay wave ng kamay ko kay Ninong. Tsaka lumalad na kami pabalik sa tricycle. Nagulat naman ako nang biglang sumigaw ang kasama kong nasa likuran ko lang. " f**k!!!"- sigaw niya. " s**t this! f**k! Arrggggg! Yuck! "- sigaw ulit niya.   Abat mura ng mura naman tong lalaking ito? Problema nito? Liningon ko naman siya. " Anu ba----------------- Uh-Oh. Naka-JACKPOT ka dyan boy!!! Hahahahahahaha! Ang baho niyan!!!"- sigaw ko sa kanya. Gets niyo naman na siguro noh? Nakatapak lang naman siya ng tae. Ehh. Bakit hindi ba naman kasi tumitingin sa dinadaanan ehh. " Ano ba naman yan! Ayun 'yung gripo ohh. Sa gilid ng shop ni Ninong David. Hugasan mo 'yang sapatos mo. Ang baho. BILIS!"- Sabi ko sa kanya then tinuro ko 'yung gripo tsaka ko siya tinulak. Ehh paanong hindi ko itutulak ehh nakatitig lang naman siya sa gripo. Ang weird ng taong 'to. Kaya ayun.  Pinuntahan din niya yung gripo. Nang makapunta na siya sa tapat ng gripo... Hinubad niya yung... Dalawang magkapares na sapatos niya. Akala niyo kung ano na noh? Ako rin eh, charrr hahaha! Pagkatapos niyang hinubad yung sapatos niya. Iniwanan lang niya dun. Anak ng tokwa nga naman OO!!! Nang makabalik na siya sa kinaroroonan ko. "Bakit mo hinubad yung sapatos mo? "-pasigaw na tanong ko sa kanya. " Ang baho eh. I can't breath if I will still wear it. Bibili nalang ako ng bago sa mall kapag pauwi na ako."- sagot naman niya. Hayaan na nga lang. Mayaman ehhh. Hahayaan din kitang matusta talampakan mo. Hahaha! " Oh sige na. Pumasok ka na sa tricycle at nagtext na sa akin si Mama. Hinahanap na itong sinigang." pagpapaliwanag ko. Then sumakay naman siya sa tricycle. Kaya naman sumakay na rin ako. Hayyyy!!!!  For the first time in my life. Ngayon palang ako magkaka-bisita ng lalaki sa bahay. Pwera lang sa mga pinsan at mga kaklase ko at sa ex ko. Ehhh. Iba 'to. Hindi ko naman kilala 'tong mayabang na'to ehhh. Hindi ko nga alam kung ano ang pangalan niya. Mr. Kabute nalang itatawag ko sa kanya. 'Yun naman na 'yung tawag ko sa kanya noong nasa mall palang kami. Hayyy nako naman talaga!!! Bahala na nga kung anong mangyayari sa BWISITA kong 'to pag dating sa bahay. Pati sila mama nyan magugulat at may kasama akong lalaki. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
483.1K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.6K
bc

My Stranger Husband

read
7.3M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.9K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.7K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook