NATHALIE'S POV
"Bye po!"- pagpapaalam ni Alden kila mama at sa dalawa kong kapatid.
" Sige, Iho. Mag-ingat ka. Salamat din."- sagot naman ni mama.
Pagkatapos kasi namin kumain nila mama ay kasunod din naman ng pagtawag ni Ninong David dahil napalitan na daw ang gulong ng kotse ni Alden kaya ayun agad na din naman hinatid dito sa tapat ng bahay namin at umuwi na din siya pagkagapos mananghalian.
Naalala ko naman 'yung sabi niya kanina. Member din pala siya ng Fight for Right Organization meaning kilala niya kung sino ang leader or I mean 'yung President ng organization na 'yun sa University nila Dylan na kung saan ang girlfriend 'nun ay siyang kasama ngayon ni Dylan o sa madaling salita 'yun ang pinalit sa akin ni Dylan.
Ano na nga ba kasi ang pangalan nun? Shane? Shantal? Shan? Shanlee?
Hayyy! Kung sino man siya. Magsama sila ni Dylan. Mahal ko pa rin si Dylan, kasi siya ang una kong minahal, as in minahal ng totoo.
Pero hindi ko naman deserve na masaktan diba?
Hayyy! Pero...
Mahal ko pa talaga eh! One month pa lang simula noong maghiwalay kami. Araw-araw minu-minuto ko siyang naiisip. Lalo na kapag naiisip ko 'yung mga ala-ala na masaya kaming magkasama, 'yung tipong akala mo hanggang dulo na.
Kaya kung may chance man na babalik siya? Tanga na kung tanga, pero wala naman sigurong masama kung piliin mo kung saan ka sasaya diba?
Kaya mali man sa paningin o opinyon ng iba na tanggapin ang taong nanakit sa 'yo, para sa akin mayroon namang chance na magbago sila.
Ay! Ang drama na naman Nathalie.
Pagpasok namin sa loob agad naman ako nagpahinga dahil maya maya lang ay pupunta na ako sa bahay ng kaklase kong si Sandara, gagawin na namin 'yung project namin sa Arts Appreciation, isang malaking book, nagtulungan kami ni Sandara gumawa ng sarili naming story about love, ako ang nagsimula at siya na ang nagtuloy hanggang sa ending, then na-print na din namin kaya ang gagawin na lang namin is 'yung pinaka-book na, ilalagay na namin 'yung printed story with book cover na design para maipasa na bukas.
Kailangan ko din magpahinga dahil bukas may duty na naman ako sa coffee shop sa gabi. Ang schedule ko kasi doon sa pagtatrabaho is from 3:00 pm until 11:00 pm, 8 hours ang working hours ko then ang swerte ko dahil ang schedule ko sa school ay nasa half day lang from 7:00 am to 2:00 pm kaya kahit papaano may time pa ako umuwi sa bahay para gumayak papuntang trabaho.
Now? Matutulog muna ako saglit para may lakas sa paggawa ng project mamaya.
Mag-aalarm nalang ako para may time pa magready mamaya ng mga gagamitin at dadalhin na materials.
ALDEN'S POV
Ang bait naman ng pamilya ni Nathalie.
Ang tanga mo talaga Dylan.
Oh nagtataka siguro kayo kung bakit sinungitan ko si Nathalie sa mall at sinigawan no?
Sorry ha? Noong makita ko kasi siya nag-flashback lahat ng ginawa ni Dylan sa akin.
And oo, minsan bipolar akong tao. Minsan masungit, minsan mabait, I don't know, but it's me.
When I got home. I just realize na nakalimutan kong kuhanin ang number ni Nathalie. But, oo nga pala at may f*******: na ngayon or any social media platforms para mahanap o ma-contact ang isang tao. So before I take a rest, I added her on f*******: and followed her on i********:.
Then, natulog na muna ako. Ang init at nakakapagod.
NATALIE'S POV
" Okay! We're so, so, so done! Ang ganda ng gawa natin partner! It's kinda book talaga no?"- sabi ni Sandara.
Natapos na din kasi namin sa wakas ang project namin.
Nakakatuwa at ang ganda nang kinalabasan.
"Yhup! Ang ganda!"- sabi ko sabay smile din sa kanya.
Nag-merienda muna kami ni Sandara ng ilang minuto habang nanonood ng movie sa netflix.
After din naman noon ay nagpaalam na din ako sa kanya dahil kailangan ko din magpahinga at papasok pa ako sa trabaho mamaya before 3 pm.
1:00 pm nang makauwi ako sa bahay then nakatulog naman ako ng one and a half hour kaya 2:30 gising na ako.
Then gumayak naman na ako para makapasok na sa trabaho.
Saturday ngayon and expected na madami din ang tao sa coffee shop ni Sir George.
Mabait naman ang boss ko, pero ang kaisa-isa niyang paalala sa aming mga empleyado niya is, kapag nakagawa kami ng hindi maganda o may nilabag kami sa mga rules as employee niya, tanggal na kami. Strict kasi siya sa mga rules, at para sa kanya, hindi nageexist ang second chance.
"Ma. Alis na po ako."- pagpaalam ko kay mama. Si Papa mamaya pang 5:00 pm ang uwi noon dahil nag-extra siya doon sa welding shop ng kumpare niya. Sana nga palagi may trabaho si Papa, hindi kasi siya nakagraduate ng High School kaya alam niyo naman mahirap makahanap ng trabaho o permanenteng trabaho. Pero proud ako kay Papa dahil marangal na trabaho ang pinapasok niya, at napalaki niya kami ng maayos sa pagtutulungan na din nila ni mama. Kaya ako? Gagawin ko ang lahat lahat para makatulong sa kanila at maiahon sila sa kahirapan at magkaroon ng maginhawang buhay.
"Sige anak, sabihin ko nalang sa mga kapatid mo na nakaalis kana, nasa kwarto sila naglalaro yata. Ingat ka."- Sabi ni mama.
"Okay, po." sabi ko sabay yumakap ako kay mama at umalis na din.
Sumasakay ako ng tricycle kapag pumapasok sa trabaho, at sa paguwi ay ganoon din naman mayroon naman namamasada kahit gabi na dahil alma nila na may pasahero pa naman ng mga ganoong oras. Sayang din ang kita nila syempre.
Nakarating naman na ako sa Coffee Shop.
Nakita ko na naman ang mukha ni Allyza. Siya ang katrabaho kong bwisit na bwisit sa akin, as in kapag nakikita niya ako ay iniirapan niya ako. Bakit? Hindi ko alam. Ang init ng dugo niya sa akin, wala naman akong nagawang mali sa kanya. Ang alam ko lang ay ex-boyfriend ng mama ko ang papa niya, eh ano naman ngayon? Ang tagal tagal na 'nun, ex na nga diba?
"Oh, nandyan kana pala. Hinahanap ka ni Sir."- bungad niya sa akin.
"Okay."- sabi ko sabay smile sa kanya.
"Psshh"- singhal naman niya sabay irap na naman. Pasalamat ka at hindi ako maldita.
Ako ang best employee ni Sir George dahil productive naman ako, hindi ako nalalate at madalas nag-oovertime din ako kaya ang saya ko na mabait ang boss ko sa akin.
"Sir, good afternoon po."- pagbati ko sa kanya.
"Good Afternoon din, Nathalie. Marami tayong customer mamaya dahil dito magcecelebrate ang partner ko sa ibang branch nitong coffee shop and gusto ko na maging comfortable sila sa venue kaya alam mo na ang gagawin ahh, serve the food just like the cakes and other sweets na meron tayo sa kanila at wala sanang papalpak mamaya, are we clear on that?"- utos ni Sir George.
Nakakatuwa naman at maraming customer mamaya.
"Okay, Sir. Copy po."- Sagot ko naman sabay smile pa.
"Okay, that's great."- sabi ni Sir sabay smile din.
Nagpunas-punas muna ako ng nga table habang hinihintay ang mga guest ni Sir George.
After naman ng dalawang oras ay okay naman na ang coffee shop at nakaprepare na din naman ang mga pagkain na ipapatikim sa kanila at ang menu kung saan pwede silang mamili ng gusto pa nilang ipaserve sa amin na pagkain.
"Good evening, Sir. Geo."- bati ni Sir George sa soon to be partner niya sa bagong branch ng coffee shop sabay nagbeso beso pa sila.
"Good evening. This is my wife, Tessa."- sabi ni Sir Geo sabay pakilala pa sa asawa nito. Ang ganda naman ni Ma'am Tessa.
Then, umupo na sila at nagserve na din kami ng pagkain, habang kumakain sila ay naguusap-usap din naman sila about siguro sa business nila. Napansin ko naman na parang may nakasilip sa labas ng coffee shop na lalaki. Hindi ko naman siya mamukhaan dahil medyo malayo at madaming tao sa loob. Kaya hinayaan ko nalang, baka nakikisilip lang dahil madaming customer.
Kami namang mga employee ay nasa gilid lang, in case na tawagin kami ay lalapit naman kami sa mga guest.
Hanggang sa lumipas ang ilang oras at 10:00 pm na din, nakita kong nagkamayan na sila Sir George at Sir Geo kaya siguro settle na ang deal nila. Bigla namang sumigaw si Ma'am Tessa.
"Oh my God, Dear!"- sabi niya. Sabay may hinahanap siya sa bag niya.
"Why? What happened?"- tarantang tanong ni Sir Geo sa asawa nito.
"My wallet, it's missing, dear."- sabi nito sabay hanap pa din ng hanap sa bag niya.
"Baka naman na misplace mo lang, Miss Tessa. Wait, we will look for it."- sabi naman ni Sir George sabay senyas samin na lumapit at tulungan sila na maghanap.
"Kindly look for it, nandoon ang pinakamahal kong earings, I'm wearing those earings a while back and I removed those and put it on my wallet and now, nawawala!"- Galit na sabi ni Ma'am Tessa.
Saan naman kaya napunta iyon?
Hinanap naman namin hanggang sa wala kaming nakita.
Halos isang oras din kaming naghanap at buong coffee shop na din ang nasuyod namin.
"I have an idea, Sir."- Sabi naman ni Allyza.
"Okay, what's that?"- sabi ni Sir George.
"What if, tignan natin ang mga gamit ng mga employees dito, hindi natin alam, mamahalin ang gamit na nawawala ni Ma'am Tessa at for sure mayroong mga cash at cards doon. Wala naman masama kung ichecheck natin diba? Diba guys?"- sabi ni Allyza, sabay tingin sakin at ngiti na parang may balak na masama.
"Okay, get all your things now."- utos ni Sir George.
Hay, paano na niyan yung partnership nila Sir George at Sir Geo, nagkaganito pa.
Sunod-sunod naman na chineck ni Sir George, Sir Geo at Ma'am Tessa ang mga gamit namin at...
"What's the meaning of this, Nathalie?"- gulat na tanong ni Sir George sa akin.
Nagulat kaming lahat.
Nakita nilang nasa bag ko ang wallet ni Ma'am Tessa.
Bakit nandoon? Paano napunta sa gamit ko 'yun?
Tulala lang ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Halos lahat ng mga guest sa coffee shop at mga katrabaho ko ay nakatingin sa akin.
"NATHALIE!!!"- Sigaw ni Sir George, kaya naman nawala ako sa pagkatulala.
"Sir... S-Sir... Hindi ko po alam kung paano napunta iyan sa gamit ko."- sabi ko habang nagsimula na ding tumulo ang mga luha ko.
" Sir... Maniwala po kayo sa akin. Wala po akong alam dyan. Sir... Hindi ko po k-kinuha yung g-gamit ni Ma'am Tessa."- Dagdag kopa habang patuloy pa din ang pagtulo ng mga luha ko.
"Okay, let's check the CCTV. "- Seryosong sabi ni Sir George.
" Ahm. Sir, sira po 'yung CCTV natin, sabi niyo po kasi is bukas nalang ipaayos kaya hindi po naayos kaninang umaga."- sabi ni Gerald, ang ktrabaho ko.
"Nathalie, I know hindi mo kayang gawin iyon."- sabi ni Sir George.
"But, Sir, hindi niyo pa po kami lahat lubos na kilala, malay ba natin at baka lumabas na ang tunay na kulay o ugali ni Nathalie, masyado niyo kasi siyang kinabibiliban, Sir. "- sabi ni Allyza.
Ano ba Allyza!
Alam kong hindi mo ako gustong katrabaho pero sana 'wag mo naman akong siraan.
Umiiyak lang ako.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko nalang kainin ako ng lupa.
"Allyza, hindi ko naman magagawang magnakaw o manguha ng mga gamit ng hindi sa akin. Sir maniwala po kayo."- sabi ko napaluhod na ako kay Sir George na bigla namang nagsalita si Ma'am Tessa.
"I'm sorry George, but for me, dear? Hindi ko kayang makipagpartnership sa ganitong klase ng business, hindi secure ang mga guest or customers."- sabi ni Ma'am Tessa.
"But..."- iyan na lamang ang nasabi ni Sir George.
"I'm sorry, George, but my wife already decided and sa kanya shares ang dapat na mapupunta sa partnership natin. I'm sorry, we have to leave."- sabi ni Sir Geo sabay lumabas na sila ng Coffee Shop at umalis na din ang ibang mga tao.
Kami kami na lamang ang naiwan sa Coffe Shop.
"I'm sorry Nathalie, but may usapan tayo na once na magkamali ang isa sa inyo, or nakagawa ng hindi maganda sa trabaho, ay tanggal. At ang laki ng nawala sa akin. Na-cancel ang deal namin ni Sir Geo at Ma'am Tessa at nagkaroon ng bad image ang coffee shop ko."- seryosong sabi ni Sir George.
"Sir... Kailangan ko po ng trabaho. Hindi ko po talaga kayang gawin iyon, Sir. Maniwala naman po kayo sa akin."- pagmamakaawa ko pa.
"Wala naman pong sapat na ebidensiya, Sir na ako talaga ang kumuha sa gamit ni Ma'am Tessa."- dagdag ko pa.
Hindi kumikibo si Sir George.
"Sir... 'wag niyo po akong tanggalin sa trabaho, Sir. Ako lang po ang inaasahan ng pamilya ko."- pagmamakaawa ko ulit.
"I'm sorry, Nathalie. But, my decision is final. Ayoko nang maulit ang insidenteng ganito. I'm sorry but you're fired. You may leave now."- sabi ni Sir George.
"Ligpitin niyo na ang mga 'yan. Mauna na ako."- dagdag pa niya sabay lumabas na siya ng coffee shop at umalis na.
Kinuha ko naman ang gamit ko sabay tingin sa mga katrabaho ko.
At huminto ako kay Allyza.
"Sana masaya kana, alam mong hindi ko magagawa iyon."- sabi ko sabay labas na ng coffee shop.
Naglalakad lang naman ako habang umiiyak.
Paano na sila Jenica, Daryl, Mama at Papa.
Pati ang pag-aaral ko, oo, scholar ako sa school namin pero hindi naman kayang suportahan nila Mama at Papa ang iba pang gastusin ko sa pag-aaral at tanging sweldo ko lang ang nakakatulong sa akin.
Nagulat naman ako ng bilang may humila sa akin sa kung saan.
"Ano ba?!"
"Sino ka ba?!"
"Hoy!"
Sabi ko habang hinihila niya ako papunta sa kotse niya?
"Hoy! Saan mo ba ako dadalhin!"- sigaw ko.
"Kapag hindi ka nagsalita at nagpakita dyan sisigaw na ako ng r**e!"- sabi ko sabay nagpakita siya.
T-teka?
S-siya???
"M-Mr. Kabute?!"- gulat na tanong ko.
"Oo, ako nga. 'Wag kana ngang maingay dyan, sumakay kana. May pupuntahan lang tayo, I know what happened to you."- sabi niya.
" P-pero."- pag-angal ko.
" Just go inside the car."- seryosong sabi niya.
Kaya sumakay naman ako.
Habang nagdadrive siya, tulala lang naman ako.
Feeling ko nananaginip lang ako.
Binabangungot kumbaga.
Hindi ko naisip o hindi sumagi minsan sa isip ko na mangyayari ito.
"We're here."- sabi niya.
Nasa isang park kami.
"I know, natanggal ka sa trabaho."- bungad niya.
"P-paano mo nalaman?"- nagtatakang tanong ko.
"I've been watching you outside the coffee shop, magkakape lang sana ako at hindi ko alam na doon ka nagtatrabaho."- sabi naman niya.
Ang galing naman at nagkataon pang nandoon siya.
Ahh, siya 'yung nakita kong lalaki na nakasilip sa labas ng coffee shop, tama.
"H-hindi ko naman kayang gawin ang binibintang nila sa 'kin."- sabi ko sabay tumulo na naman ang mga luha ko.
"H-hindi ko m-magagawang magnakaw o kimuha ng hindi s-sa 'kin. Alam ko mahirap lang kami p-per hindi ako ganoon ka desperada para lang magkaroon ng p-pera."- sabi ko pa.
Nakatingin lang naman siya sa akin.
"I know."- seryosong sabi niya.
"Paano nalang ang pamilya ko, lalo na ang pag-aaral ko. Alam mo ba? Ako lang ang talagang inaasahan nila, panganay ako at kailangan kong tulungan sila mama at papa lalo na sa mga gamot ni Jenica."- sabi ko pa.
"I have an idea."- sabi niya.
" Ano naman 'yun?"- nagtatakang tanong ko.
"Be my fake girlfriend, pagseselosin natin ang ex girlfriend ko at ang ipinalit na sa akin. Su-swelduhan kita."- Sabi niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
Seryoso?
Anong kalokohan na naman ang naisip nitong taong 'to.
"Ano???"- gulat na tanong ko sa kanya.
"Magpapanggap akong girlfriend mo?"- dagdag ko pa.
"Yes."- tipid na sagot niya sabay ngiti pa.
Aba, lokong 'to ahh.
"B-bakit naman? At bakit a-ako?"- nagtatakang tanong ko pa.
Syempre ang yaman yaman nito, dapat ka-level niya ang girlfriend niya or kahit fake na girlfriend pa.
"Why you? Because you're Dylan's ex."- sagot naman niya na talagang ikinagulat ko.
B-bakit napasok si Dylan sa usapan.
At...
Anong kinalaman ni Dylan sa ex-girlfriend niya?
Hindi kaya...
ITUTULOY...