“Nilalanggam na kami!” sigaw ni Ate Tess na nagpatigil sa pagtitigan namin. Umayos kami ng upo at nagpatuloy na. Kung kani-kanino na natigil ang bote. Lasing na kami, umiikot na rin ang paningin ko kaya pumirme lang ako sa kinauupuan ko. Sila ay sumasayaw na dahil tinatamad na pumasok sa loob ay ang gitara ni Hariot ang naging tugtog at si Hariot lang din ang kumakanta, paminsan-minsan ay sumasabay din naman sila sa kanta. Kami lang yatang tatlo ang hindi tumayo at nakaupo lang habang nakatingin sa kanila. Hindi naman maririnig ang ingay namin sa loob kasi malawak naman dito. Nakangiti ako habang nakatingin kay Hariot, ang galing ng mga kamay niya. Parang kabisado na niya lahat ng key kasi kahit nakapikit siya ay tumatama pa rin. “Bakit?” tanong ko kay Mr. Jaenn ng hindi siya tinatap

