Chapter 21: Take Me To Your Heart

1998 Words

Nang lumalim na ang gabi ay iniwan ko muna sila para patulugin si Jenny gan’un din si Ate Tess kaya sina Myca at ang mga lalaki na lang ang naiwan. Mabilis namang nakatulog si Jenny kaya mabilis lang din akong nakabalik. Wala pa si Ate Tess. Uupo na sana ako kung saan ako kanina pero biglang tumayo si Hariot at umupo roon. Tinaasan ko siya ng kilay ng tumingin siya sa akin at inginuso ang upuan kung saan siya nakaupo kanina. Katabi niya si Mr. Jaenn kanina kaya hindi ko siya sinunod at umupo na lang sa bakanteng upuan na nasa tabi niya kasi wala pa naman si Ate Tess. “Ano?” tanong ko sa kaniya ng kinalabit niya ako. Kita ko ang malalim na titig ni Mr. Jaenn sa akin kaya pinili ko na lang na lingunin si Hariot para hindi magtama ang tingin namin ni Mr. Jaenn. “Isog ka nga ro’n,” sabi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD