Chapter 20: Crazy Love

1900 Words

“Bonding mamaya,” sigaw ni Hariot bago siya lumabas ng kwarto ni Jenny. Sabi ay aalis na siya, hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o ano kasi tawa ng tawa lang naman siya kanina. Nagpaalam na lang din ako kay Jenny na babalik lang ako. Naiilang ako sa mga ngiti ni Mr. Jaenn. Kahit na tapos ng ipakita ni Jenny ang larawang kuha nila ay nakangiti pa rin ito. Hindi ko alam bakit gan’un ang ginawa ko. Nakakahiya. Si Jenny ay nakiki-asar din dahil sa ang lakas maka-asar ng Tito niya at okay lang din kay Mr. Jaenn parang ako lang ang hindi. Pumasok lang ako ng kwarto para tingnan ang sarili ko sa salamin. Hindi ko alam bakit ko ginawa ‘yun basta feel ko lang tingnan ang sarili ko. Ang buhok kong maalon ay mataas na pala. Medyo nabibiyayaan din naman ako ng hinaharap at proud ako roon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD