"S-sorry po." "What are you sorry for?" nakakunot noong tanong niya. Nakahiga na pala kami sa kama. Hindi ko namalayan iyon dahil nadadala ako sa mga halik niya. Nalalasing ako at dinadala niya ako sa ibang lugar na kami lang ang nandoon. "Matutulog na po ako," babangon na sana ako para umalis pero hinila niya ako at pinabalik sa paghiga. Agad niyang pinulupot sa buong katawan ko ang mga braso niya. "You can sleep here. I promise I won't touch you," napaismid ako sa sinabi niya. Hinawakan na nga niya ako. Natawa siya at siniksik ang mukha sa leeg ko. Medyo nakikiliti ako dahil sa hininga niyang tumatama sa leeg ko. "I won't touch you without your permission or I won't enter you." Naitulak ko siya sa sinabi niya. Anong enter? Gago 'to ah. "Sinabi ko lang na gusto kita, hindi ko po sinab

