"Anong nangyari? Nag-level up na ba?" hindi ako tinantanan ni Ate Tess ng tanong hanggang sa makapasok kami sa kwarto ko. Napalingon ako sa kaniya ng bigla itong tumahimik bigla. "Mamahalin 'to ah, iba talaga ang ganda mo." "Isasauli ko po iyan, Ate Tess." Hindi ko kayang tanggapin ang mga bigay niya dahil ang mamahal ng mga ito. Hindi ko kayang bayaran. "Huh? Binigay na nga sa'yo. Itago mo na lang. Malay mo masusuot mo 'to sa kasal niyo." Muntik ko ng ibato kay Ate Tess ang cellphone na hawak ko. Kaya lang ay hindi ko na tinuloy. Bigay pa naman ito ni Jenny kasi naghihingalo na raw ang phone ko. "Tahimik si Kuya Gardo kanina Ate. Puntahan mo na, ibabalik ko pa 'yan." Inayos niya ang pagkalagay ng mga alahas sa kahon. Akala ko ay aalis na siya pero umupo ito sa kama at tumingin sa akin

