PAGDATING sa hotel ay agad akong dumiretso sa kusina para lutuin ang kare-kare na request ni Sir Cohen. Siya naman ay dumiretso sa opisina niya. Habang nagluluto ay yung nangyari kanina sa grocery ang nasa isip ko. Kung bakit kasi nagtagpo pa kami roon ni Ellen at nataong kasama ko pa si Sir Cohen. Gumulo pa ang lahat dahil kasama ni Ellen si Ryan na boyfriend niya. Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Sir Cohen sa pangyayaring iyon pero tingin ko naman ay wala lang sa kanya dahil kung big deal sa kanya ay dapat nagtatanong na siya sa akin. Hindi ko na lang inisip pa ang bagay na iyon at nagfocus na lang sa pagluluto. Ilang minuto nang makarinig ako ng doorbell. Agad akong pumunta sa pinto para hindi na maistorbo pa si Sir Cohen na busy sa office niya. Isang lalake na hindi ko kilala an

