EXCITED ako habang nasa elevator paakyat sa suite ni Sir Cohen. Makaraan kasi ang isang buwan ay ngayon na lang uli ako makakapanhik doon at makakasama siya. Namiss ko siya. Isang buwan akong nanabik sa kanya kaya hindi ko mapigilan ang pagkasabik ngayon. Nawala siya ng isang buwan dahil may kinailangan siyang trabahuhin sa branch ng Montevista hotel sa Palawan at miss na miss ko na siya. Kahit nararamdaman ko ang pagkamiss sa kanya ay nararamdaman ko rin sa puso ko ang hapdi. Bago kasi siya pumaroon sa Palawan ay tinapos ko na ang pagpapanggap bilang fiancée niya. Matapos kasi ng pangyayari noon sa grocery na nagkita-kita kami nina Ellen ay nagdesisyon akong itigil na talaga ang pagpapanggap. Pinag usapan namin iyon ni Ellen at iyon rin ang naisip niyang mas mabuting gawin matapos namin m

