MATAPOS kong linisan ang isang room ay bumaba na ako para pumunta sa staff room. Sumakay ako sa elevator. May ilang tao ang naroon pagsakay ko. Tumigil ang elevator sa 20th floor at napangiti na lang ako nang makita si Sir Cohen. Agad niya rin akong nakita na nasa gawing likod. Binati siya ng mga naroon saka siya pumasok at dumiretso sa akin na nasa likuran. "Good afternoon, Sir!" Napangiti kong sabi pagtabi niya sa akin. Ngumiti rin siya. Nasa office siya simula kaninang umaga kaya hindi kami nagkita at pakiramdam ko ngayon ay bigla ko siyang namiss. "Are you alright?" Tanong niya. Napatingin ako bigla sa isang staff ng hotel nang mapatingin sa amin. Kinalma ko na lang ang sarili ko at umaktong normal lang ang lahat. "Okay lang po!" Mahina kong sagot. Bumaba na ang staff sa sumunod na

