PARANG wala ako sa sarili habang naglilinis sa isang room sa hotel. Iniisip ko kasi si Sir Cohen at ang mangyayari mamayang gabi. Sa totoo lang ay gusto ko. Gusto ko siyang makasama kaso hindi ko naman alam kung anong nasa isip niya. Ayoko namang umasa na kagaya pa rin ito ng dati, noong si Ellen pa ang alam ni Sir Cohen sa akin, dahil noon ay may feelings na involve. Gustong gusto ni Sir Cohen si Ellen at gusto ko rin siya kaya ko nagawang ibigay ang sarili ko. Ngayon, paano kung gagamitin lang niya ako na kapag sawa na ay itatapon na lang na parang basura. Alam kong may pagka OA itong iniisip ko pero parang ang tingin niya kasi ay may atraso ako sa kanya na dapat kong pagbayaran at isa ang bagay na ito sa kabayaran. Although sinabi rin naman niya bago ako umalis sa suite niya na hindi ni

