"Ikaw!" Walang kagatol-gatol niyang sabi habang namumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "Po? A-ako po?" Hindi ko gets ang sinasabi niya. "Ah, what I mean is, gagawin mo lahat ng gusto ko, Sab. Susunod ka sa'kin, ikaw ang magiging kabayaran ng atraso mo sa'kin." Seryoso siyang tumingin saka bumaling na sa pagkain niya. "Yun naman po talaga ang nasa isip ko, Sir, gagawin ko po lahat ng sasabihin niyo. Pagsisilbihan ko po kayo. Sabihin niyo lang po sa'kin kung anong gusto niyo. Gagawin ko po agad agad!" Napangiti siya sa sinabi ko. Natuwa akong madalas siyang ngumingiti ngayon at sana ay ganito na lang siya parati. "Ang gusto ko ngayon huwag ka ng bumalik sa bar. Baka may ipagawa pa sayo ang manager doon mapahamak ka pa. Iba ang kalakaran sa bar na yun kaya huwag na huwag ka

