THIRD PERSON MAHIGPIT na nakahawak sa kamay ni Sab si Cohen na para bang ayaw na siya nitong pakawalan pa at nagtataka siya kung bakit ganito ito. Feeling niya tuloy ay isa siyang takas sa bilangguan na nahuli nito at ngayon ay wala na siyang kawala pa. Sumusunod siya sa bawat hakbang ni Cohen. Nakasuot siya ng heels na hindi siya gaanong sanay at feeling niya ay madadapa siya kaya mahigpit rin siyang kumapit dito, hanggang sa makarating sila sa parking at sumakay sa kotse. "Damn it!" Napahampas sa manibela niya si Cohen na ikinagulat niya. Nagtataka siya kung bakit ganoon na lang ang galit ni Cohen. Tingin niya ay mas galit pa ito ngayon kaysa noong huli silang nagkita. "So-sorry po!" Kinakabahan niyang sabi kahit hindi niya alam kung bakit ba siya humihingi ng tawad. Inisip na lang n

