BUMALIKWAS ako ng bangon nang marinig na tumunog ang cellphone ko. Nang tignan ko ay ang landlady namin na naniningil na ng renta ng bahay namin ang nabasa ko. Due date na nga pala ng pagbabayad ko ng renta ngayong araw at siguradong magbubunganga iyon kapag na-late ako ng pagbabayad. Bumangon na ako sa kama at nagligpit. Akala ko ay ang inapplyan kong hotel noong isang araw ang message na matatanggap ko. Ayoko rin naman masyadong umasa doon at baka madisappoint lang ako. Ilang hotel na ang inapplyan ko simula nang magresign ako sa Montevista Hotel last week. Desperada akong magkaroon agad ng trabaho. May binubuhay akong pamilya kaya hindi ako pwedeng mapirmi ng matagal sa bahay. Isang linggo pa lang naman ako wala sa Montevista pero feeling ko ay isang taon na. Feeling ko ay napakatagal n

