7. The Arrogant CEO

1873 Words
"Ano po? Bakit naman po ako? Marami naman pong Room Attendant dito, sila na lang po!" Pagtanggi ko kay Ms. Tina nang ipaalam niya sa akin na ako na ang bago niyang i-aassign na room attendant sa unit ni Sir Cohen matapos magresign ang room attendant na naka-assign doon. "Aba'y bakit ba mas marunong ka pa sa'kin? Ikaw ang napili ko dahil sa lahat ng room attendant dito, ikaw ang pinaka pasaway para mapilitan kang umayos. Diyan ko rin ibabase kung ie-extend ko ang contract mo." Nakapamewang niyang sabi. Seryoso at pursigido siya sa desisyon niya at alam kong mahihirapan akong bawiin yun. "Grabe ka naman! Parati lang po akong late pero hindi naman po ako pasaway. Maayos naman ako magtrabaho." Pagtanggi ko sa sinabi niya. Sobra naman kasi magsalita ang babaeng ito. "Kaya nga ikaw ang napili kong maassign doon dahil alam kong maayos ka magtrabaho, syempre kasama na din yung matuto kang pumasok ng maaga dahil doon kay Sir Cohen ang una mong assignment. Yan na ang desisyon ko kaya sundin mo na lang. Mabuti nga sa'yo ko binigay eh. Aba'y maraming room attendant ang naghahangad na mapalapit kay Sir Cohen tapos ikaw ayaw mo! Diba nga crush na crush mo rin siya!" Sabi niyang biglang nagbago ng mood. "Opo, pero iba na ngayon!" Sambit ko. Siguro kung nangyari ito bago pa kami nagtagpo bilang pekeng fiancée niya ay gustong gusto ko at excited pa ako dahil gusto ko talagang mapalapit sa kanya, kaso iba ang nangyari. Paano kung makilala niya ako? Hindi pa nga ako nakakapagdesisyon kung makikipagkita uli sa kanya tapos mangyayari pa ito. Bakit ba parang pinaglalapit kami ngayon ng tadhana? "Sige na, Sab. Simulan mo na ang trabaho sa unit niya. Tuwing umaga doon muna ang unang assignment mo bago sa ibang room, okay!" Ma-awtoridad niyang wika. Feeling ko wala na talaga akong magagawa kaya kailangan ko na lang sumunod. Dito raw ibabase ang extension ng contract ko at gusto kong maextend pa kaya kailangang pagbutihan ko na lang ang trabaho ko at pati na rin ang pagkukubli ko kay Sir Cohen. Inayos ko na ang sarili ko para simulan ang trabaho kay Sir Cohen. Pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng salamin at bigla akong naalangan dahil haharap ako sa kanya sa ganitong itsura. Hindi ako nakilala ni Ms. Tina at Julie at maging ng ibang kasamahan ko na nakakita sa akin noong gabing nakapustura ako pero naalangan ako kung maging si Sir Cohen ba ay ganoon rin. Kahit magkaiba ang estado at pagkatao namin ni Ellen baka matuklasan pa rin ni Sir Cohen na ako ito kapag nakita niya ako at ang kinatatakot kong mangyari ay maganap nga. Kailangan may gawin ako, pero anong magagawa ko? Hindi ko naman mababago ang mukha kong ito. Napatingin ako bigla sa pentel pen na nasa ibabaw ng lababo na parang sinasabi sa akin na gamitin ko siya. Bigla naman ako nakaisip ng paraan kaya kinuha ko iyon at ginuhitan ang kilay ko. Dinagdagan ko lang ng konti ang kapal ng kilay ko. Hindi pa ako nakuntento at minarkahan ko ng bilog na para maging nunal ang gawing pisngi ko. Feeling ko masyadong obvious pero nag iba ang itsura ko kaya pwede na. Napatingin ako kay Ms. Tina ng pumasok siya sa CR at matigilan sa itsura ko. "Diyos ko, Sab, ano ba yang pinaggagawa mo, muntik na kitang hindi makilala eh Para ka namang siràulo niyan!" Tumawa siya ng makita ang itsura ko at feeling ko ay effective ang ginawa ko. "Gusto ko lang maiba ang look ko, Ms. Tina!" "At bakit naman? May pinagtataguan ka ba? Siguro may pinagkakautangan ka dito noh." Tumatawa niyang sabi. "Ha, eh, ganon na nga!" Nasabi ko na lang. Napatingin ako sa suot niyang eyeglass at biglang may ideya na naman akong naisip. "Pahiram muna ako nito, Ms. Tina. Balik ko po mamaya!" Sabi ko at kinuha ang eyeglass niya. "Hey, hey ginagamit ko yan!" "Wala naman palang grado eh, ano 'to style niyo lang." "Oo, pampaganda ko yan. Ibalik mo sa akin!" "Ms. Tina, mas maganda ka po kapag walang suot na ganito. Mas mukha kayong matured kapag suot ito eh. Para po kayong matanda na kaya huwag na po kayo magganito!" Pagkumbinsi ko sa kanya. "Ha, talaga ba?" Sabi niyang naniwala sa sinabi ko. "Opo, arborin ko po muna ito!" Sambit ko. Naisipan kong burahin na lang ang drinawing ko na kilay at nunal dahil malulusaw lang rin yon at baka kumalat lang sa mukha ko. Ayos na ang eyeglass at tutal parati naman din kami nakasuot ng facemask sa tuwing naglilinis kaya siguradong hindi na ako mamumukhaan pa ni Sir Cohen. "Ingatan mo yan, Sab ha, at aayusin mo ang trabaho mo doon dahil alam mo namang may pagka strikto si boss pagdating sa ganyan. Tingin ko nga baka kaya nagresign si Marya dahil hindi niya kinaya eh. Habaan mo na lang ang pasensya mo at sumunod ka na lang sa kung ano ang iutos niya!" Seryosong bilin ni Ms. Tina at bigla naman ako nag alala. Mabait siya noong gabing magkasama kami at siguro ay istrikto lang talaga siya pagdating sa kaayusan ng pad niya. Sinuot ko na ang facemask at inayos ang suot kong eyeglass saka ako nagpaalam na kay Ms. Tina. Grabe ang kaba sa dibdib ko habang nasa elevator at paakyat sa unit ni Sir Cohen. Hindi niya naman ako makikilala kaya wala akong dapat na ipag alala. Nasa pinto na ako ng unit niya at grabe ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Naalala ko ang nangyari tatlong araw na ang nakakaraan nang magtungo ako dito at nagpang abot kaming dalawa. Sinabi kong hindi na uli pupunta rito dahil baka maulit muli 'yon pero mukhang ang tadhana ang kusang nagdadala sa akin dito. Huminga ako ng malalim at inayos ang eyeglass at facemask ko saka ko pinindot ang doorbell. May camera ang intercom sa katabi ng pinto kaya makikita niya kung sino ang nasa labas kaya inayos ko ang sarili ko. Dalawang beses akong nagdoorbell hanggang bumukas ang pinto at bumungad siya. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibók ng puso ko nang makita siyang muli. Tatlong araw na mula nang huli ko siyang makita at pakiramdam ko naman ay napakatagal na panahon na dahil bigla akong nasabik sa kanya. Siya ang lalakeng pinagbigyan ko ng sarili ko at kahit wala naman kaming relasyon ay pakiramdam ko karugtong na siya ng pagkatao ko. Nakatopless siya at nakatapis ang tuwalya sa bewang. Mukhang katatapos lang niya maligo dahil basa pa ang buhok niya. Napatitig ako sa maskulado niyang katawan at pumasok bigla sa isip ko 'yung nakaibabaw siya sa akin sa kama at biglang parang may iba akong naramdaman na kagaya ng naramdaman ko noong kasama siya. "Come in!" Sabi niya sa baritonong tinig. Saglit lang niya akong tinignan saka siya umalis na sa pinto. Hindi ko na inintindi pa ang pagiging suplado niya nang kilabutan ako nang marinig muli ang tinig niya na kay lambing noon. Ngayon ay kasinlamig iyon ng yelo. Isa akong room attendant ngayon sa paningin niya na totoo kong katauhan at hindi si Ellen na kinabaliwan niya. Biglang parang may dumagan sa puso ko at hindi na lang iyon inintindi pa. Pumasok na ako sa loob. Napatingin ako sa malapad niyang balikat at tattoo sa likod niya na napansin ko na noon habang naglalakad siya. Pumasok siya sa kwarto niya hanggang isara niya ang pinto. Napamasid ako sa paligid na kailan lang ay naging saksi sa mainit na sandali naming dalawa. Feeling ko ay naririnig ko pa ang halinghing at ungol na pinakawalan naming dalawa at biglang para kong namiss ang sandaling iyon. Hays! kumalma ka Sabrina! Bumukas ang kwarto niya kaya dali dali akong kumilos at in-on ang vacuum para simulan na ang paglilinis. Napasulyap ako sa kanya na nagpapalakad lakad pabalik sa kwarto nya. Nakasuot na siya ng pants at tshirt at mukhang pupunta na sa opisina niya na nasa ground floor. Ganito ang outfit niya sa tuwing pupunta sa opisina niya na unusual sa mga big boss. Nakikita ko lang siyang nakaformal suit kapag may business meeting siyang pupuntahan at kung wala naman ay simpleng maong na pantalon at tshirt lang dahil doon siya komportable. Lumabas uli siya sa kwarto niya. Nagseryoso ako sa paglilinis nang pansin kong papalapit siya sa akin. "Hey!" Narinig kong sabi niya kaya tumingin ako sa kanya. Hey talaga ang tawag niya sa akin imbes na tanungin niya ang pangalan ko. "I'm going to the office now... And.. pakiayos na lang ng trabaho, okay! And also... there are many CCTVs here." Sabi niyang tumingin tingin sa paligid at parang alam ko na ang gusto niyang puntuhin. "May mga hidden cameras dito kaya make sure na maaayos ang lahat at walang mawawala, okay!" Ma-awtoridad niyang sabi saka siya tumalikod na sa akin at lumabas ng pinto. Naiwan naman akong parang natulala sa sinabi niya. Alam kong may kakaiba sa attitude niya dahil marami akong naririnig sa mga empleyado at pansin ko rin ang pagiging suplado niya hindi kagaya ng magulang at mga kapatid niya pero hindi ko expect na ganito pala siya kalala. Ano namang feeling niya na nanakawan ko siya? Ganito ba kababa ang tingin niya sa mga empleyadong mababa ang estado sa buhay? Biglang kumulo ang dugo ko sa inis sa kanya. Bigla tuloy ako napaisip na kung tama bang bumigay ako sa kanya. Kinalma ko ang sarili ko. Noon pa man alam ko ng may pagka arogante siya pero ginusto ko pa rin siya hanggang ibigay ko nga ang sarili sa kanya kaya hindi dapat ako manghinayang dahil ginusto ko 'yun, pero hindi ko talaga makontrol ang mainis ngayon dahil sa inasal niya. Huminga ako ng malalim, hindi ko dapat siya husgahan agad-agad dahil baka nag iingat lang talaga siya. Hindi biro ang mga halaga ng mga kasangkapan niya mula sa mga appliances, furnitures pati na gadgets, but still napapa- overthink pa rin ako dahil ibang iba siya noong kaharap niya ako bilang si Ellen, siguro dahil bukod sa napakaganda ko noon ay napakataas pa ng estado ko kumpara sa ngayon. Hays! Pakiramdam ko tuloy ay bigla akong nanliit sa sarili at dahil iyon sa kanya. Pinilit kong alisin na ang bagay na iyon sa isip ko at nagfocus na lang sa paglilinis na kagaya ng sinabi niya ay pagbutihan ko. Ilang minuto ng tumunog ang cellphone kong nasa bulsa ng uniform ko kaya agad ko iyon kinuha. Nakita ko ang number ni Sir Cohen, siguradong ang pangungulit na naman niya sa akin na makipagkita sa kanya ang message niya. Binasa ko ang message niya. - Baby, I want to see you so bad. Please meet me. I like you so much! Napailing na lang ako ng mabasa ang message niyang baliw na baliw sa akin. Hindi ko na sana papansinin pa iyon at ide-delete na lang nang bigla akong mapaisip. Arogante siya sa mga empleyado niya pero halos magmakaawa ng atensyon sa babaeng kinababaliwan niya. Ano kaya kung baliwin ko pa ng todo ang lalakeng ito sa akin at turuan siya ng leksyon na magpahalaga ng mga taong hindi kapareho ng estado niya sa buhay? Bigla akong napa-overthink at napangiti nang maisip ang bagay na iyon. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD