Chapter 2

2256 Words
Ibinagsak ni Kio ang sarili sa mahabang sofa sa loob ng bahay ni Euro. Nakatingin sa kaniya sina Euro Hellios, Sky Ulm Chester, and Xero Vyriel. Nagtatanong ang mga hitsura ng mga ito. He closed his eyes and mumbled. Naguguluhan siya at halos sumabog ang kaniyang ulo sa pagproseso ng iba’t-ibang isipin na naglalaro sa kaniyang utak. He thought of the text messages he received. Text messages na mula sa lokong walang magawa sa buhay, at kung ano ang intensiyon ng taong ‘yon ay gusto niyang malaman. Buhay si Kai ayon sa text message na natanggap niya. Imposible, kitang-kita niya ang walang buhay na katawan ni Kai. Kitang-kita ng dalawang mata niya ang durog na dibdib at sugatang katawan ni Kai. Paanong buhay ito? Gusto niyang paimbestigahin ang natanggap niyang messages. But he thought of Kai’s case at wala pa ring solusyon. Nawalan na siya ng tiwala sa investigation team at sa Police officer na humawak ng kaso sa pagkamatay ni Kai. He thought of investigating and tracking the one behind the message. Sigurado siya na ang nagpadala ng mensahe ay ang kumuha ng cellphone ni Kai. He opened his eyelids. Kung hindi isang tunggak ang nag-mensahe gamit ang number ni Kai ay gusto niyang isipin na mismong salarin ang nag-send niyon sa kaniya. And if that was the perpetrator paanong alam nito ang pangalan niya? Paanong alam nito ang usual na ginagawa nila ng mga kaibigan niya sa tuwing Halloween? His whole body shakes in fear and dread. “Tell me, where’s Stell?” mabagsik na tanong niya. “He was not feeling well, Dude,” Euro grinned and stared into Kio’s eyes. “Mind telling me what’s wrong? I told you we will go there this evening. Let’s celebrate there,” Euro added. “But you can’t go there this evening. If Stell is seriously sick, then it wasn’t him.” Nag-iisip siya. “Wasn’t him? What about him?” tanong ni Sky. “You mean the white rose and its petal scattered in Kai’s graveyard?” Xero confirmed. Kio nodded. In-open ni Euro ang messenger at dumiretso sa group chat nila. Sinipat nito ang bawat larawang ni-send ni Kio. “So? ano’ng problema rito? Malay ko may miyembro ng pamilya ni Kai ang unang bumisita at nagdala ng white rose.” Tumawa si Euro kasabay ng pagbaba nito ng cellphone. “Your face seems serious, natakot ka ba? Halloween ngayon, Kio. Pagplanuhin natin kung paano manakot ng bata, sayang nga lang wala na si Kai.” Dagdag nito sa malungkot na tono. “Pero nasa province ang parents ni Kai,” sabi niya at tumingin sa mga kaibigan. Oo, sa probinsiya ng Miranda nakatira ang parents ni Kai. Gusto ng mommy ni Sky na sa Miranda na lang ililibing ang anak subalit sinang-ayon ni, Mr. Seviller ang awtoridad na sa Black Town na lang ililibing si Kai. Hindi niya alam kung bakit involved pa rin ang awtoridad pati sa paglibing kay Kai. “Wala ba kayong napansing kakaiba sa puting rosas?” tanong niya. Nagkatinginan ang mag-kaibigan. “Kakaiba?” saad ni Xero at muling sinipat ang larawan. “A blood?” “That’s what I meant. Euro, ikaw ang unang nakarating sa apartment ni Kai. Now, can you tell me kung ano pa ang ibang nakita mo?” “Nakitang ano? Trail of blood to the bathroom, and Kai’s body, his fingers, teeth, eyeballs, razor wire,—” “Bouquet?” mabilis na sambit ni Kio. “Yes, and the petals scattered the floor and in his body.” “Iniisip mong mismong killer ang nagdala ng rosas sa apartment ni Kai. How romantic,” Sky said, laughing. “Just tell me the f**k that killer was a faggot!” “No jokes!” Kio contradict. “Possible,” said Xero. “May kutob akong ang salarin ang nagdala ng puting rosas sa libingan ni Kai. May koneksiyon ang rosas na nagkalat sa loob ng silid ni Kai at ang rosas sa libingan ni Kai. Can you tell me that the killer is badly obsessed? Ano ba ang koneksiyon ng rosas sa krimen?” Tumatangu-tango si Kio. “I don’t know if a rose is a way for the killer to lure the victim.” Tumayo si Euro at naghahakbang patungo sa fridge para kumuha ng apat na beer. Bumalik ito sa sala at inilapag ‘yon sa center table at bukas na ang mga beer. “Inom muna kayo, and why the hell we are talking about Kai’s case? I thought the Police and the investigation team worked on it?” He smirked. “Yes, pero it has been six months at wala pa ring itinuro ang mga Police. Parang pagong umaksiyon, ‘eh.” Kontra ni Sky na pailing-iling. Kio gulped his beer. “And if I tell you that I received text messages from Kai this early in the morning, would you believe me?” Halos maibuga ni Xero ang beer na nasa loob ng bibig nito. “What on earth are you saying, Kio?” “That’s impossible, alam naman nating lahat na nawala ang cellphone ni Kai. Nawala sa crime scene.” sambot ni Euro. “Hindi ‘yan totoo.” “Buhay si Kai,” malakas na sambit niya. “Eff.” Euro, Sky, and Xero gasped in unison. “Buhay si Kai, ayon sa text messages. He wants us to visit him and he wants to visit us. Kai wants to play with us tonight.” “What on earth?” Nanginginig ang boses ni Sky sa takot. “Please, hindi ‘yan magandang biro.” Dagdag ni Sky at hindi na ipinagtuloy ang pag-iinom sa beer na hawak nito, inilapag nito ‘yon sa mesa. Kio handed his cellphone to Euro. “Go check it. Hindi ako katulad n’yo na hunghang at minsan gawa-gawa n’yo lang ang mga sinasabi n’yo.” Kaagad binuksan ni Euro ang message and Kai’s name exposed to him. He immediately clicked it and checked his message. Euro’s eyes widened. Ako na lang kaya ang bibisita sa inyo. Happy Halloween, manakot tayo ng mga bata mamaya. Ang puting rosas, Kio, ang ganda, may bakas ng dugo, ang ganda, ang sarap sa paningin. Sat 2:30 AM “What the hell?” Euro cursed. “Pabasa nga,” sambot ni Xero. Nanlaki ang mga mata ng mga ito sa gulat. Bakas din ang takot sa kanilang mga mata. Habang si Kio ay pinoproseso ang maari niyang gawin. “I think ay dapat nating hahanapin ang nag-send ng message,” said Xero. “Kidding me, Xer? What if siya ang killer?” takot na sambit ni Sky. Tumingin ito sa malayo at biglang parang nababagot na ewan ang mukha nito. “Not a good idea.” “Paano natin malaman kung hindi tayo uma-aksiyon? Tutularan lang ba natin ang mga Police officers na nag-imbestiga sa pagkamatay ni Kai? Irresponsible,” ani Xero sa mataas na boses. “I don’t want to play detective around and find the one who sent those messages. I agree with Sky,” said Euro. “What if the one who sent those messages was the killer? Paano kung hindi lang si Kai ang gusto nitong patayin kundi tayo rin? May nagawa nga ba tayong mali? Hindi ko alam sa dami ng kalokohang nagawa natin ay saan sa mga iyon ang dahilan para tayo’y sundan ng taong iyon.” He shook his head. “If you scared then let me work for it alone,” sabi niya at sinabayan ng buntong hininga. “Ayaw kong masaktan kayo. Gusto ko man manahimik, but every time I tried to forget Kai, nagparamdam ito, nagpakita sa aking panaginip.” Napailing siya. “I was plagued with the nightmare of his mysterious death. I need to take action. I’ll unravel the truth and what was behind his death.” Tumayo si Xero. “I’m going with you, let’s find that asshole who sent a such message at alamin natin ang intensiyon nito. Kung mismong taong pumatay kay Kai man ‘yan ay opportunity natin ‘yon para ihiganti si Kai.” “Me too, I’m going,” said Euro. MAKAPAL ang ambon sa labas. Kanina pa kumukulog na nagbabantang sa ilang sandali ay bumuhos ang malakas na ulan. Alas siyete na ng gabi. Nagtitipon sila sa sala, nag-iinuman. Noon lang sila hindi lumabas para manakot ng mga bata sa daan. It was a freezing night, lonely and scary. The thunder roared and the light blazed like a fireball playing in the darkness. Niyakap ni Sky ang sarili at nanginginig sa takot samantalang sina Euro at Xero ay nagbabaraha at patuloy na umiinom. Nakatingin si Kio sa labas. Through the glass window, he could see how the thunderlight contacted the leaf of plants. Sumasayaw sa ere ang kurtina dahil sa ihip ng hangin. Masyadong madilim ang buong paligid dahil nag-brown-out kanina, at tanging liwanag lang ng limang kandila ang sumusuporta sa kanila laban sa dilim. Isang libong kilabot ang dulot at dala ng pagkulog at dilim kay Sky. Bakit kasi biglang galit na galit ang panahon. Hindi naman gano’n sa mga nakaraang All Saint’s Night. Euro opened his messenger and checked their group message. Stell Guys where are you? Xero You mentioned that you aren’t feeling well. Nasaan ka ba, Stell? Pero wala na silang natanggap na reply galing kay Stell. Kio leaned his back against the couch. “Baka okay na ang loko!” “Siguro nga. Nag-chat tapos hindi nag-reply. Aba, walang respeto.” Kunot-noong sambit ni Euro. Pero nagbibiro lang ito. “Hindi ka ba iinom, Sky?” tanong ni Xero kay Sky. “Bahala ka nga, lasing kaming lahat mamaya, tapos ikaw lang hindi. Gusto mo nang gising buong magdamag tapos babantayin mo kami?” biro ni Xero sabay lagok sa hawak nitong beer. Kumuha si Sky ng isang bote ng beer. “I hope this works and makes me feel better.” Sky gulped the beer and grimaced. Xero and Euro clapped their hands and gave each other a high five. “That’s our boy,” Euro said in a loud voice. Biglang namatay ang isang kandila sa ibabaw ng mesa kung saan nakalapag ang baraha na nilalaro nina Xero at Euro. Sumunod na namatay ang kandila sa kusina, sumunod ang malapit kay Kio. Because of fear the beer in Sky’s hands fell and shattered on the floor. He smiled lightly. But later he trembled in fear. He switched on the flashlight of his cellphone and bends earnestly to clean the mess. Tumigil si Sky at umupo nang tuwid. He raised his hand, tumulo ang maraming preskong dugo muli sa sugat nito. “Heck Sky,” mahinang mura ni Euro pagkita sa duguang hintuturo nito. Hinawakan nito ang duguang hintuturo nito at kontrolin ang dugong tumulo mula roon. Concern flooded Kio’s face. Kaagad siyang lumapit kay Sky at hinahaplos niya ang likod nito. “Are you okay? Masakit ba?” nag-alalang tanong niya. Tumango ito. “Wait here hahanapin ko ang first aid kit sa room ko,” ani Euro at tumayo ito at tinalikuran sila. The thunder roared and it made an earsplitting noise. Gumuhit sa dilim ang kulog at tila nagsasayaw ‘yon sa kadiliman. Naglalakad si Kio at nagmamasid sa labas. Parang may nakikita siyang human figure at paroo’t parito ang paglalakad nito. Tila nagmamasid din tulad niya, o naghahanap ng posibleng daan para makapasok sa loob ng bahay. Munti na siyang napasigaw nang biglang may dumakma sa kaniyang balikat. Lumingon siya at si Xero lang pala ang nasa kaniyang likuran. Sinenyasan niya itong ‘wag maingay. “Linisin mo raw ang sugat ni, Sky,” malakas na sambit nito sa slang na tono. “Damn,” mahinang mura niya. “Sabing ‘wag maingay.” Napailing siya at humakbang sa kinauupuan ni Sky. Binuksan niya ang first aid kit at nilinis ang sugat ni Sky, pagkatapos ay nilagyan niya ‘yon ng band-aid. Umupo siya sa tabi ni Sky at nang tumingin sila kay Euro ay nagsenyas itong ‘wag silang maingay. Nakarinig sila ng yabag at huminto ‘yon sa harap ng pinto. Maya maya ay biglang may kumatok. Kio could hear Sky breathing. “Aaaahhhhhhh!!” biglang napasigaw si Sky. Natapakan naman nito ang matalim na basag na bote. “f**k! silent.” “Holy crap! Ahhhhh...” Sigaw nito. “Nasugatan ako.” Kio covered Sky’s mouth. He covered it with his palm. Sky protest pero masyadong malakas si Kio. He whispered in Sky’s na huwag itong maingay dahil may tao sa labas. Kaya kumalma ito, at dahan-dahan niyang inalis ang palad sa bibig nito. Then, they heard the knock on the door in blaring synchronization. Malakas at maya maya ay huminto, tumagal nang halos benteng segundo ang katahimikan, and suddenly they heard a slammed on the door, parang may biglang ihinampas doon. “Sino ‘yan?” malakas na tanong ni Euro at humakbang sa may pinto. Sumunod si Xero. Nang buksan ni Euro ang pinto ay wala naman silang nakitang tao sa labas. Napakamot sa ulo si Euro. Then he noticed the blood stained the door at may nakadikit pang putik sa pinto. He called Kio to check it. Their eyes widened in shock as they saw petals of white rose, a trail of rose petals. Gustong sundan ‘yon ni Xero pero pinigilan nila ito at pumasok na lamang sila sa loob. Kasabay nang muling malakas na pagkulog. Nagkatinginan sila at walang salitang lumabas sa kanilang mga bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD