NAGPASYA si Julliana na magtungo sa Aklan para bisitahin ang puntod ng kanyang ama. Ipinatong niya sa puntod ang isang malaking bungkos ng bulaklak na binili niya para dito. Maganda at malinis ang libingan ng kanyang ama. Hindi ang kanyang ina ang nagpagawa niyon kundi ang mga taong natulungan ng kanyang ama. Nag-ambag-ambag ang mga ito para doon. It touched their hearts then because she knew that those people were not rich. Karamihan sa mga natulungan ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito ay walang-wala sa buhay, ngunit nagawa ng mga ito na pagandahin ang puntod ng kanyang ama. Lagi ring malinis doon at maraming bulaklak. Sa mga nakalipas na taon, hindi nakalimot ang mga tao sa kabutihan ng kanyang ama. Umupo siya sa marmol na sahig. Inihilig niya ang kanyang ulo malapit sa lapida at hin

