“POLYCYSTIC ovary syndrome?” gilalas na sabi ni Julliana. Hindi niya alam kung paano niya tatanggapin ang sinabi ni Dra. Elizabeth na sakit niya. Hindi pa nga niya natatapos ang suliranin nila ni Benjamin, hayun na naman ang isa pa. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. “Yes,” sabi ni Dra. Elizabeth. Ipinakita nito sa kanya ang resulta ng ultrasound niya. May itinuro ito sa kanya sa pamamagitan ng ball pen pero parang hindi niya iyon nakikita. “See that? Ang tamad mo kasing magpa-ultrasound kaya ngayon lang natin nakita.” “I’m sterile,” sambit niya nang sa wakas ay tumimo na sa kanya ang sinabi nito. “Paano po nangyari iyon, Doc? I don’t have any symptoms. I’m not overweight. I-I...” Bilang nurse, alam niya ang mga sintomas ng sinabi nitong mali sa reproductive system niya. Hindi siya m

