30

1682 Words

PILIT na isinisiksik ni Julliana sa kanyang isip na hindi totoong naghalikan sina Leigh at Benjamin. Na hindi totoo ang narinig niyang sinabi ni Benjamin kay Leigh na mahal nito ang babae at may balak na itong makipaghiwalay sa kanya. Isang masamang panaginip lamang iyon at gigising na siya anumang sandali. Paggising niya ay mahal pa rin siya ni Benjamin. Pero kung panaginip lamang ang lahat, bakit ramdam na ramdam niya ang sakit? Pakiramdam niya ay mamamatay siya sa sobrang sakit. Parang mas nais na nga lang niyang mamatay kaysa danasin ang sakit na dinaranas niya nang mga sandaling iyon. Tila may kutsilyo na pilit na pinipiraso ang kanyang puso—ang kanyang pagkatao. Nilapitan siya ni Benjamin. Tiningnan niya ang mga mata nito. He looked guilty. May nabasa rin siyang awa sa mga mata nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD