GISING na ang diwa ni Julliana pero hindi niya maidilat ang kanyang mga mata. Mahapdi ang mga iyon dahil sa pag-iyak niya kaya nanatili siyang nakapikit. Hindi rin siya gumagalaw at nakikiramdam lamang siya sa paligid. Nasaan na kaya siya? Alam niyang wala na siya sa libingan ng kanyang ama dahil malambot na ang kinahihigaan niya. Ang huling naaalala niya ay patuloy siya sa pag-iyak hanggang sa nakita siya ng isang tagapaglinis ng libingan ng kanyang ama. Agad siyang nakilala nito. Marahil ay isa ito sa mga taong natulungan ng kanyang ama noon. Pilit siyang itinayo nito sa marmol na sahig bago siya nawalan ng ulirat. Patay na ba siya? Bakit parang may nararam-daman siyang nakatusok na kung ano sa isang kamay niya? Hindi ba dapat ay wala na siyang pakiramdam? Mayamaya ay may narinig siyan

