34

2329 Words

“YOU CUT your hair?” Nginitian ni Julliana si Cristine pagpasok niya sa opisina nila sa gallery. Tatlo silang nag-oopisina roon. Mayroon din silang working area doon na ginagamit nila tuwing nais nilang gumawa habang naroon sila. “Si Mama kasi,” sabi niya. Hinaplos niya ang kanyang bukok na dati ay mahaba. Ngayon ay hanggang sa baba na lang niya ang haba niyon. “Bagay sa `yo, lalo kang gumanda. Pero sayang naman `yong ganda ng hair mo. Dapat ay ipinagawa mong wig.” Tiningnan na rin siya ni Jason. “Mas bagay nga sa `yo ang bago mong gupit,” sabi nito habang nakatingin sa mukha niya. “Ngayon ka lang nag-iba ng hairstyle mula nang makilala kita.” “Ganoon siguro talaga kapag nabibigo ang babae, buhok ang pinagdidiskitahan,” sabi niya at saka siya napabuntong-hininga. Noon kasi, laging sina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD