“PUWEDE kang magpahinga, Julliana.” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Cristine sa kanya. Bagkus ay nagpatuloy lamang siya sa pagpipinta sa malaking canvas. Dahil sa pagkapanalo niya sa Paris, mas maraming nagkainteres sa mga obra niya. Nauubusan na rin siya ng display sa gallery kaya nagsisipag siya sa pagpipinta. Kahit napansin ng lahat na tila malulungkot ang tema ng obra niya, marami pa rin ang bumibili sa mga iyon. Tuwing may nagtatanong sa kanya kung ano ang pinagdaanan niya habang iginuguhit ang mga larawan, ngiti lang ang isinasagot niya. Ang lahat ng lungkot at pighati niya ay ibinu-buhos niya sa pagpipinta. Iyon ang naging outlet niya. Iyon ang naging paraan niya upang mapalaya ang lungkot at sakit bukod sa pag-iyak sa gabi. “Maghinay-hinay ka naman, friend,” sabi uli sa kanya

