“ANO ANG sinabi ko sa `yo, Julliana?” sita sa kanya ni Pablo. She rolled her eyes. “Pabs, please shut up. Kanina ka pa. Babatuhin na kita,” sabi niya. Nasa pribadong silid niya ito sa ospital. Pinauwi na niya ang kanyang mama at si Tito Albert para makapagpahinga ang mga ito. Si Pablo ay maagang-maagang nagtungo roon. Ito tuloy ang naging bantay niya kahit kaya naman niyang mag-isa. For pity’s sake, she was still a nurse. Hindi niya kailangan ng bantay, lalo na kung si Pablo iyon. Kanina pa siya pinapagalitan at pinagsasabihan nito. Daig pa niya ang batang paslit na naaksidente dahil sa kakulitan niya. Kasalanan ba niya na nadaganan siya ng kahoy na iyon? Hindi naman niya iyon ginusto. “Sinabi ko naman sa `yo dati pa na huwag kang masyadong nagpapagabi sa gallery. Ang tigas-tigas ng ul

