NAGING abala si Julliana sa mga sumunod na linggo. Dahil bagong bukas ang art gallery nilang magkakaibigan, kailangan pa iyon ng masusing pagbabantay. Marami-rami pa siyang mga inayos doon. Naghanap din siya ng ibang promising artist bukod sa mga nakuha na nila. Punong-puno ng enerhiya ang kanyang katawan. Paggising niya sa umaga ay ramdam na ramdam niya ang nag-uumapaw na pag-asa sa kanyang puso. Alam niya na kaya nilang paunlarin ang art gallery. Hindi na niya gaanong nakikita si Benjamin dahil sa sobrang kaabalahan niya. Alam niyang nagtatampo na ito sa kanya dahil madalas niyang tinatanggihan ang mga paanyaya nito. Hindi na sila gaanong lumalabas o nagkakasama nang matagal. Kung nagkakasama naman sila ay saglit lang. Kapag wala itong ginagawa ay siya naman ang abala. Kapag maluwag-lu

