MULA nang mabasa ni Julliana ang text message ni Leigh kay Benjamin ay naging tuliro na siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ramdam na ramdam niya ang paglayo sa kanya ni Benjamin. Kahit madalas na niyang pinupuntahan ito para masiguro niya na naroon pa rin ito ay nararamdaman pa rin niya na may mataas at makapal na pader na nakapagitan sa kanila. Sa gabi ay hindi siya makatulog dahil iniisip niya kung bakit nagkaganoon ang napakagandang relasyon nila. Bakit bigla itong nagbago at nanlamig sa kanya? Kapag nasa harap siya nito ay parang hindi siya nakikita nito. She missed the warm Benjamin so badly. Kailangan niyang maayos ang lahat sa pagitan nila kung hindi ay mababaliw siya. All her life, wala siyang ibang minahal kundi si Benjamin. She couldn’t even stand the thought of losing

