seventeen

1097 Words
Sobrang saya ko ngayon dahil ito ang araw na aalis kami ng mga Kuya ko, kahit di kopa alam kung saan kami pupunta. Naabutan ko si Kuya Rashma kanina pag gising ko; nag-iimpake ito, ngunit hindi naman ganoon karami. Si Kuya Riley naman ay may kausap sa cellphone, kaya kumain na rin ako dahil may nakahanda namang pagkain. "Little p, halika na," tawag sa akin ni Kuya Rashma ng matapos itong mag-impake ng mga damit. Agad rin naman akong lumapit at hinawakan ang kamay nito. "Mahal, nasaan si Love?" tanong ko ng mapansin ko na wala si Kuya Riley. Nakita ko lang iyon kanina may kausap sa cellphone, tapos biglang nawala. "Outside, little P," maikling sagot nito kaya tumango ako. Pero paglabas namin, hindi ko parin naman makita si Kuya Riley. Sabi ni Kuya Rashma, narito daw sa labas. Nagtaka rin ako dahil dumiretso kami sa likod ng bahay imbes na lumabas ng gate. Pero maya maya ay napangiti na ako nang makita ko si Kuya Riley; dala niya ang aso kong si Jenggay. Ngunit agad ring nanlaki ang aking mata ng makita ko ang katabi nitong sasakyan na may umiikot sa ibabaw. Hindi ko alam ang pangalan ,ngunit alam ko na lumilipad iyon. "Love, jan ba tayo sasakay?" tanong ko kay Kuya Riley ng makalapit na kami sa gawi nito. "Yes," malambing nitong sagot bago ako nito inalalayang sumakay. Hinanap ko pa si Kuya Rashma; nakita ko na lang ito na nakasakay narin. Pero ang pinagtataka ko ay nasa unahan ito, kung saan dapat pumipwesto ang nagpapalipad. "Mahal, ikaw ang magpapalipad nito?" namamangha kong tanong kay Kuya Rashma dahil hindi lang pala kotse ang kaya nitong imaneho, pati rin ganitong sasakyan. Tango lang at ngiti ang isinagot nito sa akin bago may inilagay si Kuya Riley sa aking tenga. Tinanong ko kung ano iyon; ear plugs raw. Nagsimula nang magpalipad si Kuya Rashma, kaya naman ramdam na ramdam ko na ang lakas ng hangin na dumadampi sa manipis kong balat. Ngunit hindi ko na pinansin kung gaano man kalakas ang hangin; basta naka-ngiti lang ako at ninanamnam ito. "Love, saan tayo pupunta?" curious kong tanong. "You will find out later," maikli nitong sagot bago ako niyakap. Kaya tumango na lang rin ako kahit na curious ako kung saan ba kami talaga pupunta. Pero tama rin naman ito; malalaman ko rin naman pagdating. Mas lalo akong napangiti—hindi pala ngiti lang kundi tawa na iyon dahil sa sobrang tuwa. Napakaganda kasi ng tanawin; halos kulay berde lahat. Pakiramdam ko'y para akong nakalaya galing sa pagkakakulong ng matagal. Pero pakiramdam nga ba? Kung totoo naman nakakulong lang talaga ako. "Our little wake up, andito na tayo," rinig kong tawag sa akin ni Kuya Rashma habang may nararamdaman akong malambot at basang bagay aking mukha. Ngayon ko lang nalaman na nakatulog pala ako dahil siguro sa haba ng biyahe. Ng imulat ko ang aking mata, bumungad kaagad sa akin ang gwapong mukha ni Kuya Rashma. Inilibot ko pa ang aking paningin upang hagilapin si Kuya Riley dahil ito naman ang katabi ko kanina. "Nasa labas siya, little P. Hinahanda ang tutuluyan natin. Halika na," paliwanag ni Kuya Rashma ng mapansin nitong hinahanap ko si Kuya Riley. Inalalayan naman agad ako ni Kuya Rashma sa pagbaba ko, ngunit bigla itong napamura ng bigla akong tumalon dahil sa pagkamangha. Sino ba naman ang hindi? Kong ang nakikita ko ngayon ay isang napaka-lawak na dagat! Hindi ko inaasahan na ganito pala ang pupuntahan namin. "Little p, please be careful," nag-aalalang aniya sa akin ni Kuya Rashma. Panay kasi takbo ko. Hindi rin naman masisisi ang aking sarili kung bakit ganito ako kasaya. Simula noong nakakulong lang ako sa bahay palagi kong hinahangad na pag bigyan nila akong maka labas at ngayon nang yari nanga. Naalala kong ika-labing walo ko na pala ngayon. Kung regalo man nila ito sa akin, masasabi kong ito ang pinaka-magandang regalo na natanggap ko kina Kuya sa aking kaarawan. Maya-maya lang naramdaman ko na ang pagsunod sa akin ni Kuya Rashma; takot talaga itong mapaano ako. Pero kahit madapa man ako rito, di naman ako masasaktan dahil sa sobrang pino ng buhangin na tinatapakan namin ngayon. "Mahal, bakit walang mga tao?" takang tanong ko. Kadalasan kasi sa nakikita ko sa TV may maraming taong naliligo sa nga mga ganitong lugar; mga naka-bikini pa sila. Kaya bakit walang taong naliligo ngayon dito? "Because this island is yours, Little P, that's why no one dared to come here." Bigla akong napatigil sa paglalakad dahil sa sinabi ni Kuya. Ano raw? Akin ang islang ito? "Ha?" Iyon lang ang nasagot ko dahil sa aking pagtataka. Paano naging akin ang islang ito? Ni piso nga wala ako, sariling isla pa kaya. "Sayo namin pinangalanan ang pribadong islang ito, little P," sagot nito sa akin bago ako nito hinalikan sa noo. Ngunit wala sa halik nito ang atensyon ko kundi sa sinabi nito. "B-bakit?" di pa rin makapaniwalang tanong ko dito. "Because what belongs to us also belongs to you." Napangiti ako dahil sa sagot nito sa akin. Napakaswerte ko talaga! Dahil kahit wala na akong mga magulang, dumating naman sila sa akin. Maya-maya lang pumasok na kami sa loob ng villa kung saan kami tutuloy. Kakain daw muna kami bago maligo. Nakita ko kaagad si Kuya Riley pagpasok namin; may kinakausap itong ginang. Napansin ko rin ang dalawang babae na nakatayo lang sa gilid. "Love!" tawag ko kay Kuya Riley sabay takbo sa gawi nito. Nagulat ata ang ginang dahil umatras ito ng konti, pero maya-maya'y ngumiti naman ito sa akin. "Sir, ito po ba siya?" tukoy sa akin ng ginang habang nakangiti pa rin ito. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng ginang; kilala ba ako nito? Nakita ko naman ang pagtango ni Kuya Riley bago may kinuha na papel. "Bakit sila narito, Twin?" nagtatakang tanong ni Kuya Rashma. Bakit masama bang narito sila? At isa pa, wala naman silang ginagawang masama. "Sila ang magiging witness sa kasal . They will leave once the marriage contract is signed," seryosong paliwanag ni Kuya Riley. Wala namang sinagot si Kuya Rashma; basta tumango lang ito. Hindi ko maintindihan ang kanilang mga sinasabi; ang tanging naintindihan ko lang ay kasal. May pagtataka naman akong nakatingin kay Kuya Riley ng ibigay nito sa akin ang hawak nitong papel kanina; may kasamang ballpen pa. "Sign this, little P," utos nito sa akin. Nagtaka man ako pero kalaunan ay sinunod korin ang sinabi nito. Pinirmahan ko ang papel na may nakalagay na marriage contract. Ito ata ang sinasabi nila kanina. "You are now officially our wife."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD