"Love, please wag mong ipakuha si Jenggay," nagmamakaawang saad ko kay Kuya Riley. Galit talaga ito sa akin kahapon dahil hindi man lang ako kinakausap. Nang umuwi kami kahapon dito sa bahay, pinakain lang ako ni Kuya Rashma pagkatapos pinilit ako nitong matulog kaya wala akong nagawa.
Ngayon naman ay panay pagmamakawa ko kay Kuya Riley na wag nitong ilayo sa akin si Jenggay. Ang totoo nga ay kanina pa talaga ako nagmamakaawa pag gising ko pa lang, ngunit wala itong naging sagot hanggang sa may lalaki na talagang pumunta rito at pilit kinukuha si Jenggay na nasa tabi ko pakiramdam ko'y ayaw rin ata nitong lumayo sa akin.
"Sorry na Kuya, di ko na uulitin. Wag mo lang ipakuha si Jenggay," maiiyak na ako, ngunit malamig pa rin ang tingin sa akin ni Kuya Riley. Si Kuya Rashma naman ay wala ring nagawa nakatayo lang ito sa likod ko na parang inalalayan lang ako.
"That dog is the reason why you went out" seryosong aniya ni Kuya Riley. Kaya pala nais nitong alisin si Jenggay dahil ito ang dahilan kung bakit ako nakalabas at nagawa silang suwayin. Pero aso naman ito, eh! Nakabukas rin ang pintuan kaya ito nakalabas.
Di ko na mapigilang maiyak ng makita ko na ang aso ko. May tali na ang leeg nito; mukhang tuloyan na ngang nakuha ng lalaki. Sinubukan kopang kausapin kanina ang lalaki na wag sana nitong kunin si Jenggay, pero para atang bingi dahil hindi man lang nakinig sa akin pakiramdam korin takot ito sa dalawa kong kuya.
"Little P," naalarma ata si Kuya Rashma dahil sa pag-iyak ko. Paano di ako iiyak kung kukunin nila ang nag-iisang kaibigan ko? Ito na lang ang nakakasama ko pag wala sila, kaya paano nila nagagawang ilayo sa akin si Jenggay.
Hindi ko na mapigilang humagolhol ng makita ko na si Jenggay na dahan-dahan hinihila ng lalaki palabas ng bahay. Wala na atang pag-asa para makinig sa akin si kuya Riley, kaya mas lalo pang lumakas ang iyak ko. Rinig na rinig ko ang pagpapatahan sa akin ni Kuya Rashma, pero hindi ko rin magawang tumahan.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa sofa at walang pasabi na nagpakandong kay Kuya Riley. Tiningnan ko ito ng may luha sa mata; mabuti naman at hindi ako nito pinaalis sa kanyang kandungan. Sa halip ay hinawakan nito ang maliit kong bewang para di ako mahulog seryoso pa rin itong nakatingin sa akin, ngunit wala na akong makitang galit sa mga mata nito.
"L-Love, wag m-mo naman i-ipakuha si J-Jenggay," hindi ko na maayos ang pagsasalita ko dahil sinamahan na iyon ng hikbi. Sana naman ay maawa na talaga ito sa akin. Bahagya ko pang hinahalikan ang labi nito; pagkatapos ay tiningnan ko naman ito ng may halong pagmamakaawa.
Napansin ko kaagad ang pagsenyas ng kamay nito bago ko nakitang naglakad paalis ang lalaki. Ang pinagtataka ko ay hindi nito isinama si Jenggay. Tayka, ang ibig bang sabihin nito, hindi na ipapakuha ni Kuya Riley si Jenggay? Kung ganoon man, di ko mapigilang hindi matuwa. Hindi rin makatakas sa mata ko ang biglang pagngisi ni Kuya Rashma na nakatingin sa amin bago ito tumayo at umalis papunta sa kusina.
"Love, di mo na ipapakukuha si Jenggay?" May kaunting paghikbi pa rin ako, ngunit hindi na iyon sa lungkot kundi sa saya.
"Shh, tahan. Sorry my little p I made you cry. I'm just really worried about you," malambing nitong paliwanag sa akin. Ito pa talaga ang nag-sorry; ako naman ang gumawa ng kasalanan.
"Love, di ka na galit sa akin?" Tuluyan na akong tumahan dahil bumalik na ito sa dati; naging malambing na. Hindi ito sumagot at hinalikan lang ako sa noo at sa labi pagkatapos ay tumayo ito habang karga ako; bahagya pa nitong hinihimas ang pisngi ko dahil siguro namumula iyon dahil sa pag-iyak ko.
Naabutan namin si Kuya Rashma na may nilulutong pagkain. Wala itong pang-itaas na damit at tanging apron lang ang suot. Kahit apron lang ay napakabagay sa malapad nitong katawan. Tumingin ito saglit sa akin at ngumiti, kaya ganoon rin ang aking ginawa; sinuklian ko rin ito ng ngiti.
Hindi pa rin ako binitawan ni Kuya Riley hanggang sa maka-upo na ito sa upuan, pero naka-harap na ako ngayon sa lamesa habang kandong pa rin ako nito.
Nang matapos si Kuya Rashma sa kanyang niluluto ay agad nitong inilapag ang kanyang niluto: flattened rice at omelette. Pinagtimpla rin ako ni Kuya ng gatas kaya agad ko itong ininom; tinanggap ko rin ang isinubo sa aking pagkain ni kuya Riley.
Ganito naman talaga sila; lagi akong sinosuboan kahit malaki na ako, na para bang tingin nila sa akin lumpo. Pero hinahayaan ko rin naman kasi bukod sa wala akong magagawa, nagugustuhan ko rin naman kung paano ako nila pinaglilingkuran; parang naging normal na sa akin iyon.
Pagkatapos naming kumain ay agad rin kaming bumalik sa sala. Tinanong ko pa sila Kuya kung wala ba silang pupuntahan ngayon. Dito na lang daw nila gagawin sa bahay ang trabaho nila dahil ayaw daw nilang maulit ang nangyari kahapon. Hindi na rin ako nagsalita dahil iyon naman ang kagustuhan nila.
"We will leave tomorrow," bigla aniya ni Kuya Rashma. Hindi ko alam kung ako ba ang kina-kausap nito dahil sa akin kasi ito nakatingin habang sinasabi iyon, kaya may pagtataka ako. Pero impossible naman kasi ayaw nga nilang lumabas ako.
"K-kasama ba ako?" nag-aalangan kong tanong.
Tumango si Kuya Rashma habang nakangiti sa akin. Parang hindi ako makapaniwala na isasama nila ako bukas, ngunit saan naman kami pupunta?
"Talaga? Pero bakit?" nagtataka kong tanong masaya naman ako dahil aalis kami bukas, pero nakakapagtaka dahil sila itong may ayaw na lumabas ako.
"You will be turning 18 tomorrow." Bigla nanlaki ang mata ko dahil sa sagot ni Kuya Riley. Hindi ko alam na kaarawan ko pala bukas! Ngayon lang naman kasi nila sinabi.
"You will be married to us tomorrow."