fifteen

918 Words
Malinaw kong nakikita ngayon ang madilim na mukha ng dalawa kong Kuya. Naka-harang sila sa kotseng sinasakyan ko ngayon. Kaya pala pansin ko ang biglang pag-hinto namin kanina dahil pala sa dalawa kong Kuya. Subrang galit ang Kanilang expression , ngunit hindi sa akin naka-tingin kundi sa katabi kong lalaki. Nakakapagtaka rin dahil pano nila nalaman na andito ako at kong papano rin nila ako nahanap di ko alam, pero ang alam ko lang ngayon ay siguradong papagalitan nila ako dahil sa aking paglabas. Hindi na ako nagdalawang-isip na lumabas sa sasakyan at agad tumakbo sa kanila, kahit may takot akong nararamdaman. "Love, Mahal," tawag ko sa dalawa kong Kuya bago ako pumunta kay Kuya Rashma na hanggang ngayon nanlilisik pa rin ang mata na nakatingin sa lalaking nasa loob ng sasakyan. Hindi ako tinapunan ng tingin ni Kuya Rashma, ngunit kinarga ako nito na parang bata. "Subukan mong ulitin ito, little P," dinig kong saad ni Kuya Riley. Tunog malambing ang pagkakasabi noon, ngunit may halong pagbabanta. Tiningnan ko naman ito pakiramdam ko'y nakahinga ako ng mabuti dahil hindi na nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa akin. "Sorry, nawala kasi si Jenggay kaya lumabas ako," paliwanag ko pa sa kanila. Napatingin rin ako sa paligid dahil bigla nanaman nawala ang aso ko, pero agad ko ring ibinalik ang aking tingin sa mga Kuya ko dahil nakita ko namang buhat si Jenggay ng di ko naman kilalang lalaki. Naka-suot ito ng kulay itim na damit at matuwid na nakatayo. Walang sumagot sa kanila, ngunit ramdam ko ang pag-halik ni Kuya Rashma sa noo ko bago ito nag lakad. Seguro hindi na sila galit sa akin, o baka si Kuya Rashma lang. "Разве вы не поблагодарите меня?" (Diba kayo magpapasalamat sa akin?) Ramdam ko ang pag-hinto ni Kuya Rashma sa paglalakad dahil sa salitang iyon na hindi ko maintindihan kung anong klaseng lengwahe. Napalingon rin ako sa aking likuran , lumabas na pala ang lalaki sa kanyang sasakyan na alam ko ring siya ang nagsalita ng kakaibang lengwahe. "Я переведу деньги на твой банковский счёт." (Isesend ko sa bank account mo ang pera.) Napa-"O" bigla ang bibig ko dahil sa pagsagot ni Kuya Riley. Hindi ko akalain marunong pala si Kuya Riley ng ibang lengwahe kaya pakiramdam ko'y parang mas lalong naging iba ang aura nito,ang galing parabang sanay na sanay. Walang isinagot ang lalaki seryoso lang din itong nakatingin, ngunit nasa akin na. Ang ganda talaga ng berde nitong mga mata nakakaakit tignan. Nakalimutan ko palang magpasalamat rito dahil kahit nakakaabala ako ay nagawa parin ako nitong ihatid kahit pa hindi natuloy dahil sa pag dating nila kuya, Pero hindi na ako nagsalita bagkus ay nginitian ko na lang ito, para bang iyon na rin ang aking pasasalamat. Ngunit hindi ngiti ang isinukli nito sa akin kundi ngisi na hindi mo alam kung anong ibig sabihin; welcome ba o ano? O baka iyon lang talaga ang paraan ng pagngiti nito. Kung ganoon nga, siguradong maaakit kung sino man ang ngingitian nito. Wala rin akong narinig na sagot sa dalawa kong Kuya, pero ramdam na ramdam ko ang paunti-unting paghigpit ng pagkakahawak ni Kuya Rashma sa akin, ngunit hindi naman ako nasasaktan dahil pakiramdam ko'y kahit hinigpitan nito ay may halo pa ring pag-iingat. Tiningnan ko lang ang lalaki na hanggang ngayon nakangisi pa ring nakatingin sa akin habang papaalis na kami patungo sa sasakyan. Maya-maya ay di ko na makita ang lalaki dahil tuluyan na kaming nakasakay sa sasakyan habang ako ay kandong ni Kuya Rashma na nakaharap sa kanya. Pagkatapos noon ay narinig ko na lang ang pag-andar ng sasakyan. Gusto ko ring sanang tanungin kung sino ang lalaki kanina, ngunit wala na akong pagkakataon. Kung magsalita kasi ito ay matipid kaya alam kong di nito sasabihin ang kanyang pangalan. Di ko rin magagawang magtanong pa sa susunod dahil bukod sa hindi na kami magkikita, nakakulong lang ako sa bahay kaya wala talagang tsansa. "Love, Mahal?" mahina kong tawag. "Hmm," malambing na sagot ni Kuya Rashma habang dahan-dahan hinahaplos ang ulo ko. Kanina pa talaga hindi sumasagot si Kuya Riley; talagang nagalit ata ito kaya di ko mapigilang malungkot. Pero napansin ko naman ang tingin nito sa akin, ngunit sandali lang. "G-galit kayo sa akin?" Kahit alam kong halata naman, tinatanong ko pa rin dahil gusto kong marinig galing sa kanila kung galit ba talaga. "Si Jenggay kasi lumabas kaya napilitan po akong lumabas. Di ko na po uulitin," Tiningnan ko sila isa-isa, pero si Kuya Riley di talaga magawang tumingin sa akin ng matagal. Si Kuya Rashma lang dahil naka-kandong naman ako rito, naka-harap pa. Walang sumagot sa kanila; basta nakita ko na lang si Kuya Riley may kinuha sa bulsa nito—cellphone iyon. "Pick up the dog tomorrow," seryosong saad ni Kuya Riley habang may kausap ito sa cellphone kaya napatingin rin ako dito. Tayka, anong ibig nitong sabihin? Kukunin ang aso bukas? Si Jenggay ba? Wag naman sana Iyon lang ang kaibigan ko sa bahay tapos kukunin pa ganon ba ito kagalit sa akin? "L-Love, i-ipapakuha mo ba si Jenggay?" May lungkot na sa aking boses habang nagsasalita. Naging importante na sa akin si Jenggay bukod sa kasama ko na ito araw-araw napamahal na rin ito sa akin. Wala akong narinig na sagot kay Kuya Riley hanggang maka-rating na kami sa bahay. Tiningnan ko pa si Kuya Rashma habang buhat pa rin ako nito para sana humingi ng tulong, ngunit wala rin itong sinabi kundi isang patak lang ng halik sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD