fourteen

1603 Words
Isang buwan na rin noong nakabalik kami rito sa Maynila. Masaya akong nakabalik na ako sa kung saan talaga ako nagmula, ngunit may kaunting pagkadismaya rin akong nararamdaman dahil akala ko talaga pag-uwi namin rito ay makakalabas na ako. Ngunit ganoon pa rin pala ,para pa rin akong nakakulong ang kaibahan lang ay nasa Maynila na at hindi sa Compostela. Iba na rin ang nakikita kong mga gamit, pero bukod doon, wala na. Gusto ko talagang lumabas, gusto kong mamasyal. Nais kong sabihin kina Kuya ngunit hindi ko ginawa. Pakiramdam ko'y kalabisan na kung sasabihin ko pa iyon dahil inalagaan na nila ako. Hindi lang pag-aalaga, sila rin ang dahilan kung bakit ako nakakapag-salita ngayon. Pagdating namin dito sa Maynila, akala ko ay papakasalan ko agad sila tulad ng sabi nila, ngunit hindi pala. Dahil hihintayin na lang daw muna na mag-labing walo ako. Malapit naman daw iyon. Naka-upo ako rito ngayon sa sofa habang nanonood ng cartoon movie. Wala sila Kuya rito may pupuntahan daw sila saglit. Ang totoo, ayaw pa sana akong iwan dito mag-isa sa bahay ng dalawa, pero pinilit ko na lang silang umalis dahil alam kong importante naman ang kanilang pupuntahan. Pinagluto na ako ni Kuya Riley ng pagkain. Natawa pa nga ako dahil sa sobrang dami ng niluto nito; tinalo pa ang nagpa-fiesta! Ayaw lang daw nitong magutom ako. Si Kuya Rashma naman, panay bilin sa akin ng kung ano-ano, tulad ng wag daw akong makikipag-usap kung kanino. Eh wala naman akong kasama ditong iba maliban na lang sa asong nasa katabi ko ngayon na si Jenggay. Bigay ito ni Kuya Rashma noong kaarawan ko. I-lock ko raw ang pinto. Kala mo naman di na uuwi at isa pa, sandali lang naman sila. "Baby Jenggay, gutom ka na ba?" malambing kong tanong sa aso ko. Lumilikot na kasi ito paminsan-minsan ay tumatahol. Seguro gutom na nga talaga ito. Hindi ko na hinintay ang sagot nito dahil baliw na ako kung hihintayin ko pa. Kahapon nga tinatanong ko si Kuya Riley kung pwede ba niyang magawa pagsalitain ang aso ko tulad ng ginawa nito sa akin, ngunit tawa lang ang sinagot nito at halik , pwede naman seguro iyon diba?, tumayo ako sa pagkakaupo sa couch sumunod rin sa akin si Jenggay. Kumuha ako ng dog food at agad nilagay sa pagkainan nito. Wala namang pag-aalinlangan, kinain ni Jenggay. Iniwan ko muna si Jenggay at pumunta sa pinto dahil parang bukas ito. Di nga ako nagkamali bukas nga! Di ko napansin kanina dahil akala ko isasara na nila Kuya. Seguro nakalimutan lang. Ng akma ko sanang isasara ang pinto, natigilan ako dahil di ko mapigilang tignan ang paligid. Gusto ko na talagang lumabas, kahit sa bakuran lang. Ang ganda kasi ng mga bulaklak sa labas; ang iba di ko pa nakikita sa tinitirhan namin noon sa Compostela. Pero alam kong magagalit sila Kuya pag lumabas ako. bumontong-hininga muna ako bago ko sana isasara ng tuluyan, ngunit napahinto nanaman ako ng makita ko si Jenggay, yong aso ko, nasa labas! Tiningnan ko pa saglit sa sala kung saan ito kumakain, ngunit totoo talagang wala ito doon. "Baby Jenggay, halika rito!" Pagtawag ko sa aso ko, ngunit tila hindi ito nakikinig dahil gumigiwang lang ang buntot nito na nakatingin sa akin na para bang inaanyayahan akong lumabas na hindi ko naman magagawa. Pero paano ko ba ito makukuha kung di ako lalabas? "Jenggay, papagalitan ka talaga ni Mahal at Love!" panakot ko pa rito, ngunit ganoon na lang ang panlaki ng mata ko ng maglakad na ito patungo sa malaking gate. Hindi na ako mapakali dahil kung hindi ako lalabas, maaaring mawala ito. Kaya nanginginig kong tinapak ang paa ko sa malaking tsinelas na alam kong kina Kuya iyon . Kinakabahan man ako na baka magalit sila Kuya sa paglabas ko, ngunit mas lamang ang kaba na baka mawala si Jenggay. Wala naman sina Kuya dito kaya di na malalaman na lumabas ako. Hindi rin naman ako magtatagal pag nakuha ko na si Jenggay, babalik agad ako. Dali-dali na akong tumakbo, ngunit hindi masyadong mabilis dahil medyo may kabigatan ang tsinelas na suot ko. Hindi naman nakakapagtaka dahil malalaki ang mga Kuya ko. Tinawag ko si Jenggay dahil hindi ko na ito makita. Kaya di ko rin mapigilang kabahan dahil baka kung saan na ito napunta. Tinawag ko ulit ang aso ko, ngunit wala talagang Jenggay na nagpakita. Nasaan na ba kasi ito. Inikot ko pa ang aking mata sa paligid, ngunit bigo rin akong makita si Jenggay. Ang mas kinakabahala ko ay baka maabutan ako nila Kuya. Alam ko namang mabait sila Kuya, pero may karapatan naman sigurong magalit, lalo na pag naging pasaway. Ngayon ko lang napag-tanto na sa paghahanap ko kay Jenggay, napunta na ako sa kalsada na kung saan napakaraming sasakyan. Hindi ko rin alam kung paano ba ako napunta rito basta ang alam ko lang kanina ay hinahanap ko si Jenggay, ang aso ko. Gusto kong maiyak dahil sa kaba. Paano na ako uuwi nito? Di ko alam kung nasaan ang daan pauwi sa bahay. Hindi naman kasi ako tumitingin kanina sa dinadaanan ko basta naglakad lang ako para mahanap si Jenggay, at ngayon ako na ata ang nawawala. May nakita akong lalaki; hindi magkalayo ang katawan nila ng Kuya ko. Nakatalikod ito at naka-sandal sa sasakyang kulay pula. May kausap ata ito sa cellphone. Hindi narin ako nagdalawang-isip na puntahan yong lalaki baka ito na ang makakatulong sa akin kasi di ko talaga alam kung saan hahanapin si Jenggay at kung paano uuwi. Alam ko namang nasa Maynila ako, ngunit di ko alam kung saan sa Maynila, at kahit alam ko, di ko pa rin alam kung saan uuwi. Sabagay, ano bang malalaman ko kung ilang dekada akong di lumalabas? Naka-kulong lang sa bahay. "Psst, K-kuya," bahagya kong hinawakan ang manggas ng damit ng lalaki. Bigla naman akong napaatras ng lumingon na ito sa akin. Naka-kunot kasi ang noo at magkasalubong pa ang kilay; parang mga Kuya ko lang pag galit kaya natakot ako ng konti. Wala itong sinagot, ngunit ibinaba nito ang kanyang cellphone at naka-taas ang isang kilay na tumingin sa akin. "K-kuya, p-pwede po bang iuwi mo a-ako?" Kagat-labi kong aniya dito dahil sa takot. Baka kasi magalit ito o baka sigawan ako dahil sa abala. Hindi ito sumagot tila ba pinagmamasdan lang ang aking anyo. "N-nawala po k-kasi ako," mahina kong saad, ngunit sapat naman iyon para marinig nito. Sana naman sumagot ito at ihatid na ako. Baka naka-uwi na sila Kuya siguradong mag-aalala sila pag di nila ako nadatnan sa bahay. "Nakita niyo po ba si Jenggay?" dugtong ko pa. "Jenggay?" Naka-kunot nitong tanong. Ay oo nga pala, hindi nito kilala ang aso ko. "O-opo, nawawala po kasi ang aso ko," sagot ko dito. Ito naman ngayon ang napaatras nagulat ata ito dahil sa bigla kong paghawak sa malaki nitong kamay. Eh kasi naman, sobrang tagal akong iuwi nito, para din sana mahanap ko na si Jenggay. Baka naka-uwi na talaga sila Kuya. Hindi naman nito kinuha ang kamay ko nakahawak dito pero nakatingin ito doon na para bang ito ang kauna-unahang may humawak na ibang tao sa kamay nito. "Hop in," tukoy nito sa kanyang sasakyan bago ako pinagbuksan. Tayka, ang ibig bang sabihin ihahatid na ako nito? Salamat naman! Ng makasakay na ako ay agad rin itong sumakay. "Where do you live?" Walang kabuhay-buhay nitong tanong. Ang dalawa naman nitong kilay ay magkasalubong pa rin tulad kanina. Para talaga itong dalawang Kuya ko palaging salubong ang kilay kala mo galit lagi di rin magkakaila na gwapo ito. Pakiramdam ko nga parang magkakahawig sila ng dalawa kong Kuya , simula sa tangos ng ilong, hugis ng mukha, pero magkaiba lang sila ng kulay ng mata; berde kasi sa kanya. Napaisip rin ako dahil sa tanong nito. Iyon nga ang problema ko dahil di ko alam pabalik sa bahay, ngayon ay kagat-labi akong nakatingin dito. "s**t! Stop that, just answer me!" Seryosong aniya nito na kina-tingin ko ng deretso. Hindi naman malakas ang pagkasabi nito pero diko mapigilang magulat dahil pakiramdam ko'y galit ito sa akin. Di ko rin alam kung anong ibig sabihin na tigilan ko raw. "hindi mo alam?"nabasa ata seguro nito iniisip ko kaya nito natanong,dahan-dahan naman akong tumango kahit di ko alam kung nakikita ba nito ang pagtango ko. Naka-tingin lang kasi ito sa dadaanan na para bang natatakot tumingin sa akin. "K-kuya, galit ka po?" Mahina kong tanong. ngunit wala akong natanggap na sagot sa tanong ko basta narinig ko lang ang pag-andar ng sasakyan. Baka talaga galit ito sa akin dahil siguro nakakaistorbo ako, pero wala naman akong choice. Nakita ko rin na parang may tinawagan ito sa cellphone siguro kausap nito kanina. Pagkatapos non ay tuluyan na itong nag-drive. Napatingin ako dito ng huminto nanaman ang sasakyan, ngunit agad rin dumapo ang aking paningin sa pinto ng sasakyan ng bumukas ito iniluwa roon ang aso kong si Jenggay na dala ng isang lalaking diko kilala , dahilan rin para manlaki ang aking mata sa gulat papano nito nakita si jenggay , hindi naman nag tagal yong lalaki at agad rin umalis pag katapos ibigay sakin yong aso ko . "K-Kuya, kakilala mo iyon?" tanong ko dahil pano nalaman ng lalaki na akin yong aso kaya napaisip ako, baka kakilala niya ang lalaki. "Hindi," maikling sagot nito ,tumango lang ako at hindi na nag tanong pa ngunit bigla akong napalingon dahil sa sinabi nito "Can you accept me too?" Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito dahil narin sa nakikita ko ngayon saaming harapan,kitang kita ko ang madilim na mukha ng dalawa kong kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD