ARCADE

1540 Words
Kunot noo na tinignan ni Athena si Paolo, alam niyang ito ang nag a-update sa mga nangyayari sa loob ng bahay pero di niya alam pati pala ang schedule niya. "Don't look at him like that, trabaho niya yan." saad ni Nathan Bumuntong hininga naman si Athena saka tumi gin sa labas ng bintana at biglang nakita ang mall at sa unang beses, doon lamang siya nagandahan dito. Kahit na noon ay araw araw niya lang itong dinadaanan. "What are you looking at?" tanong ni Nathan ng mapansin na naiba ang atensyon ng kausap. Ngumiti naman si Athena at ni-rotate ang camera para makita nito ang tinitignan niya. "Ngayon lang ako nagandahan sa mall" mahinang saad niya, kahit si Paolo ay napatingin. "Puntahan niyo, you deseve that. After your hardwork for the exam, you need to relax. Sabihin mo kay Pablo para samahan ka, muhkang maaga pa naman jan." llong lumaki ang ngiti ni Athena at tinignan si Paolo na napa-what? Si Athena naman ay tinuro ang mall, na tinanguan nalang ng lalake at mabilis lumihis ng daan. Tumingin naman ito kay Nathan na nahuli niyang naghihikab, saka niya lang napansin na madilim sa likod nito. Gabi na pala sa kanila. "Kuya, magpahinga ka na kaya? Anong oras na ba jan?" alalang tanong nito. "It's just seven pm" tingin nito sa wrist watch saka sumandal sa swivel chair at tumingin sa likod. "May meeting ako mamayang 8pm kaya dito pa ako. Sige na, off mo na yan. Enjoy." di na hinintay ni Nathan ang sagot ni Athena at agad pinatay ang tawag. Napabuntong hininga nalang si Athena saka binalik ang phone at earphones sa katabi, "Tara na?" aya niya nang makapag ppark ito sa basement. Di na niya hinitay na pagbuksan pa siya at mabilis siyang bumaba. Ngumiti naman si Paolo at binulsa ang phone at susi ng kotse. Kung saan saan pa sila nag ikot, mula sa departmentstore, book shop, foodcourt hanggang sa nakaabot sila sa GameZone. Unconsciously, hinawakan ni Athena ang kamay ni Paolo at excited n hinila ito papasok. "Tara laro tayo basketball!" "Saglit kukuha ako ng token" mula sa counter ay bumili ito ng isang daang piraso. "Ang dami naman!" sita ni Athena "Lika na" ito naman ang naunang naglakad para makalakad si Athena ng maayos dahil medyo maraming tao sa loob at siksikan, swerte nila at may isang bakante. "Ikaw din!" inabot ni Athena ang bola kay Paolo nang mapansin na pinapanood lang siya nito. "No, I don't. I mean, I shouldn't." sumimangot namn si Athena at tinignan ang bola, "Why?" "I am your butler, and I'm here to serve you. Not play with you." Nainis naman doon si Athena at umirap, humarap siya sa ring at inis na binato ang mga bola. "Ohhh, may girlfriend na nagagalit." saad ng isang lalake sa katabing ring, taas kilay naman na tumingin ng dalawa dito. "What?" saka ito ngumisi at shinoot ang bola sa ring ni Athena. Kumindat naman ito sa babae saka umalis. Narinig ni Athena ang pag 'tsk' ni Paolo kaya agad niya itong hinarap ngunit nakita niya itong pasunod na sa lalake kaya agad niyang binitawan ang bola at hinabol para pigilan. "Wait! Wait! Wait!" pigil niya, una niyang nahawakan ay ang laylayan ng coat nito na agad nagpatigil sakanya. Inis na tumingin sakanya si Paolo saka inalisang kamay ni Athena sa damit niya, "Hinahayaan mo yung ganon sayo?" Di agad nakasagot si Athena at ngumiti nalang, "Hayaan mo na, kindat lang yun. Wala sakin yun." Buntong huminga nalang si Paolo at masamang tinitigan ang lalake na nakalayo na. "Next time, I won't let yo stop me." "Then let's play" Mulibg hinawakan naman ni Athena ang kamay ng lalake at hinila siya pabalik sa pwesto kanina. Di nila pansin ang atensyon na naagaw nila, muhka nga naman silang magjowa lalo nang halos sinugod ni Paolo ang lalake na kumindat kay Athena. Bilang pagsuko ay sinunod nalang ni Nathan ang mga gusto ni Athena, buong hapon din silang naglaro doon at halos nakaipon ng sangkaterbang ticket. Nng maubos ng token ay ipinabilang nalang nila ang ticket para sa premyo, "Sana makuha natin yung blue na bear!" bulong ni Athena habang pi apanood ang machine na tagabilang ng ticket. Ngunit agad ding nawala ang pag asa niya dahil kinulang pa sila ng ilang daan na ticket. Nakalikom sila ng 4,600 na ticket at 5,000 naman ang bear. Ngumuso nalang si Athena nang pinapili siya sa sa medium sized bear na nakasabit sa itaas ng pader. "We want the large blue bear" saad ni Paolo, na ikinalaki ng mata ni Athena. 'Nakakahiya ka talaga!' saad niya "H-hoy wag na! Okay na yun!" pigil niya dito pero di siya pinansin. Nagpapalit palit naman ang tingin ng babae sakanilng dalawa, "Uh sir, kulang po kasi ticket niyo, kung gusto niyo. Maglaro pa po kayo." Nawala naman ang emisyon sa muhka ni Paolo, usually di siya madaling mapagod pero dito palang ay parang gusto nalang niyang humilata sa sariling kama pero hindi pa tapos ang trabaho niya. "Then I'll buy it." "No! Ate kunin ko nalang yung medium sized na blue bear. Thank you." parang naisalba naman ang babae at napangiti at agad kinuha ang bear, habang si Paolo ay umiwas ng tingin at namulsa. "Ito naman! Rule yon dito, di pwedeng bilhin mga yan." sita nito saka inabot ng bear mula sa babae, "Tignan mo ng cute!" itinaas pa nito ang bear sa muhka ni Paolo, "Parehas kayo, muhkang bugnutin kaya~ Pablo ipapangalan ko sakanya!" Lalo namang nangunot ng noo nito, at binaba ang bear na nas tapat ng muhka. "Tss, bahala ka" pilit nitong pinakalma ang boses. Hindi siya sanay sa pagiging mabait dahil mula sa huling trabaho ay puro sila tutok sa action. Siya ng dating private investigator at agent ng FBI na kinuha ng pamilya ni Nathan para sakanila lang magtrabaho, kaya ngayon di siya sanay sa pagiging mabait lalo na sa batang ito. "Ma'am, sir, ito po." Napatingin ng dalawa sa babae nang may inabot na maliit na kahon, "Binibigay lang po namin ang mga ito sa sweetest couples na makikita namin dito sa arcade." "But wer're-" "Hala ang cute!" bago pa matapos ni Paolo ang sasabihin ay nabuksan na ni Athena ang kahon na naglalaman ng couple bracelet. "Alam mong papatayin ako ni Nathan pag nalaman yan." "Thank you ate!" di niya pinansin ang lalake, at tinigtignan lang ang bracelet. "Ma'am isa pa po, pwede po namin kayo kuhanan ng picture hawak yan? Para lang po sa bulletin namin doon." saka nito tinuro ang light pink and red na bulletin kung saan may mga nakadikit nang polaroid pictures at napakadamin heart... Kulang nalang valentines day. "Sige po" kinabig ni Athena ang braso ni Paolo at bahagyang tinaas ang hawak na bear hanggang kalahati ng muhka upang matakpan dahil di niya din gusto na nakakalat ang muhka niya, baka maalala pa siya ng napagnakawan. "Smile!" ... Alas sais na nang makauwi sila at taas kilay silang sinalubong ng katulong, "Hanggang tanghali lang paalam niyo, san kayo galing?" "Ateeeee~" Yumakap naman si Athena dito at humalik sa pisngi. "Nag arcade lang po kami, kasama ko naman po si kuya Pao kaya okay lang, tignan mo po may nakuha pa akong blue na bear." Parang pagod na pagod naman si Paolo na pumasok matapos i-park ang kotse. "Nako ikaw bata ka, sige maligo ka na at maghapunan na tayo." saad nito Mabilis naman na sumunod si Athena at tumakbo papasok na parang walang kapaguran, humarap naman ito kay Paolo na papunta sa kusina bagsak ang mga balikat. "Wala naman kayong naging problema?" naabutan niya na kumukuha ito ng tubig muka sa ref. "Wala naman, bukod sa lalaking kumindat kay Athena, pinagkamalan kaming couple at picture taking. Wala naman." sarcasm fill his words, Napatawa naman si Tina at hinanda na ang hapunan, "Muhkang nag enjoy naman siya, okay na din yun para di siya masyadong malungkot dito." Sumandal sa kitchen counter si Paolo at lumagok ng tubig, "Pero kanina may nagbabantay kay Athena. Di ako makakuha ng chance dahil sa dami ng tao at baka mawala si Athena sa paningin ko. Kahit nang makasakay kami sa kotse pauwi nakasunod siya." "Hala, nakita mo ba yung plate number? Ako na bahala i-trace." seryosong saad ni Tina "Wala ngang plate number eh, pero isang toyota montero yun, may kalumaan din." "Hindi kaya trip niya lang si Athena?" "We never know what's in that persons mind, simula university nakasunod na siya. Buti nalang at online class ang napili ni Athena." "Di naman nakasunod dito yung kotse?" "Nailigaw ko siya, buti di napansin ni Athena na inikot inikot ko yung kalsada" "Kailangan ka talaga niya basta lalabas. Nako naman ang batang yun, ano ba kasi mga pinaggagagawa niya?" alalang saad ni Tina Inalis naman ni Paolo ang coat saka sinabit sa isa sa mga upuan, at tinupi ang manggas ng inner niya saka naupo. "It's not her fault, kailangan niyang mabuhay sa lugar na to." Tumahimik nalang si Tina dahil tama din siya, hindi isang normal na syudad ang tinitirahan nila. Isa itong lugar kung saan napabayaan ng gobyerno at maraming tulisan ng doon nakatira, hinihiling nila na sana hindi nadali ni Athena ang mga ito dahil sa mga kalokohan niya noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD