FLASHBACK

1581 Words
Maagang nagising si Athena kinabukasan, ngunit di agad siya lumabas nanatili pa siya ng ilang minuto sa silid nang maalala ang nangyari sakanila ni Nathan kagabi. Bigla lumakas ang kabog nito sa pag kaalala ng halikan nila, iyon ang una niyang halik. Napadapo sa labi niya ang kanyang mga daliri, 'Athena malakas ka, bakit mo hinayaan yon?' saad niya sa sarili. Mula sa silid ay sumilip muna siya at saka mabilis na lumabas papuntang likod bahay. Habang naglalakad ay laging napaailing si Athena sa tuwing makikita sa isipan ang nangyari. Sa paglalakad ay pumulot siya ng isang patpat at pinaghahampas sa mga talahib upang makaubo ng daanan. Ilang minuto pa siyang naglakad hanggang sa mangalay siya sa kakahampas ng hawak na stick. Mula sa kinatatayuan ay lumingon siya sa likod kung nasaan ang mansyon, dahil may kalayuan siya ay talagang nanliit ang mansyon. Inikot naman niya ang tingin sa paligid at tanging nagtataasang puno at talahib lang ang nakikita niya, kahit ang pader na pumapalibot sa lupain na iyon ay di niya kita. Sa tagal niya doon ay di niya pa sinubok puntahan ang kakahuyan, takot na walang makarinig o makahanap sakanya kung may mangyaring masama. Umiling iling at ulit niyang hinahampas ang mga talahib hanggang sa isang pinong damuhan ang tumambad sakanya, malamig ang hangin sa lugar na iyon at nakakaenganyong tignan. Sa ibang banda pinukaw ng isang kubo ang atensyon niya, luma na ito at napalibutan na ng lumot at may sanga pa ang nakapatong dito na muhkang nalaglag mula sa katabing puno dahil may iilang bitak ito sa lugar. Hawak hawak ang pinto ay dahan dahan niya tong hinila, napangiti nalang siya nang madali niya itong nabuksan. Pagtapak sa loob ay agad niyang naamoy ang lumang kahoy kung saan ito gawa. Wari niya ay kasya ang sampung tao sa loob kung hindi lang sa tambak na crates na walang laman at mga garden tools. Habang pinapakialaman ay nakita niya ang isang itak na nakasabit sa likod ng pinto. Maayos pa ang lagay nito maliban sa iilang kalawang na namumuo. "Ayos to" saad niya saka lumabas hawak hawak ang itak at nagsimula nang linisan ang mga talahib. Muki siyang napatingin sa mansyon na nanliliit sa paningin niya, mas pipiliin nalang niya na doon manatili kasya sa makasama ang lalake na iyon. Puno ng panggigigil niyang winasiwas ang itak sa mga talahib, hanggang sa mahagip ng mata niya ang isang berdeng ahas na mabilis dumaan sa paa niya. "Fudge!" sigaw niya saka napahakbang paatras kasabay ng pagbitaw niya sa itak. Ngunit di na agad niya naiwas ang paa at doon bumagsak ito. Paupong bumagsak si Athena at mariing pumikit upang di makita ang dugo, ngunit bago pa kumalma ay napamulat ang mata niya nang makaramdan ng malamig na gumaoang sa isang paa niya. Halos mapigil niya ang hinga habang dahan dahan na inaabot ang itak. Pagkahawak ay agad niya tinaga ang ahas hanggang sa di na ito kumilos. Napabuga siya ng hangin saka tumingin sa kamay na nanginginig at sa itak na may dugo, mabilis niya itong binitawan at ang kanyang mata ay dumago sa paa na tuloy tuloy lang sa pagdugo. Pakiramdam niya ay biglang nanlamig ang atawan niya saka nag umpisa na pagpawisan ng malamig. Tumitig lang siya sa damuhan habang pilit tinatayo ang sarili, agad siyang pilit na naglakad patungo sa kubo at doon pabagsak na naupo. Tahimik ang paligid at lalo pang nawalang ng tunog, kahit ang mga kuliglig ay di niya marinig, sinubukasn niyang magsalita ngunit parang wala siyang marinig. Tumitig lang siya sa labas habang ang isang kamay niya ay nakatukod sa noo nang mag umpisang makaramdam ng hilo. Bawat lingon niya ay parang nahuhuli ang mundo, nag umpisa na din mag dilim ang paligid niya. Naalala nanaman niya... Habang naglalakad sa tabing kalsada sa gitna ng gabi ay napansin niya ang dalawang tao sa di kalayuan. Napatigil siya nang makarinig ng sigaw mula sa mga to habang ang lalake ay may hawak na patalim. Lilihis na sana siya ng daan upang umiwas nang makarinig ng nalakas na sigaw mula sa babae. Agad siyang nagtago sa potse at nakita ang lalake na nakaluhod sa ibabaw ng babae at pinagsasaksak ito. Nanlalaki ang mata na nakita niya kung paano iyon gawin ng lalake at halos di niya naansin ang pagdidilim ng paningin. "Hoy!" isang boses ng lalake ang gumising sakanya. Ngayon siya ang may hawak ng patalim habang nakaupo sa puson ng lalake at nakaangat pa ang kamay niya. Halos sumusuka na ng dugo ang lalake at walang humpay ang tulo ng luha nito at pilit nagmamakaawa. Bago makahuma ay agad siyang tumayo at tinapon ang kutsilyo, pinagmasdan niya ang dalawang katawan sa harap niyang di na kumikilos. "AHHHHHHHH!" napahawak si Athena sa ulo at takot na napaatras na akala'y nasa harap pa ang dalawang katawan. Nagumpisa na siyang umiyak at yinakap ang sariling binti. "Athena!" sigaw ni Nathan mula si di kalayuan, "Sh8!" mura nito nang makita ang itak at ahas na hati hati ang katawan. "Oh god Athena!" saad ng ginang nang makita ang dalaga na nakaupo sa loob ng kubo at di kumikilos. Bago pa mautusan ay agad binuhat ni Nathan si Athena, "Bring her to the hospital" utos nang ama na agad nagpabalikwas kay Athena. "No! Let me go!" sinipa sipa niya ang paa at ti utulak ang sarili mula kay Nathan. "Wag kang magulo!" sita nito ngunit nakawala din si Athena. Parang wala itong sugat sa paa dahil ginawang pagtakbo papasok ng bahay, agad naman humabol ang tatlo ngunit nailock na agad ni Athena ang sariling silid. "Athena! Open this door!" sigaw ng ama mula sa labas. Habang si Nathan ay gibain na ito sa pagkatok, mavilis naman na lumapit ang katulong at binuksan ang silid. Pagbukas ay naabutan nila si Athena sa isang sulok yakap yakap ulit ang tubod. "Athena kailangan gamutin sa hospital ang sugat mo." saad ng ginoo. Lumuhod naman sa harap ni Athena si Nathan at bago pa siya mag salita ay nag angat ng tingin ang babae, mugtong mugto ang mata nito na lalong nahalata sa pagkaputla ng muhka. "Please, wag niyo po akong dalhin sa hospital" magaspang na ang boses ni Athena "Hindi, walang magdadala sayo dun. Dito ka lang." agad na saad ni Nathan binuhat si Athena at linapag sa kama. "Dito ka lang" saad niya saka kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig. Nagkatinginan naman ang mag asawa saka lumabas ang lalake at may kinalikot sa cellphone. Habang ang ginang ay tumabi sa dlaga at hinaplos halpos ang buhok nito hanggang sa makatulog. Ingat na ingat naman sa pagpupunas si Nathan sa sugat ni Misty nang pumasok ang ginoo. "Parating na si Dr. Andrade, buti nalang at wala pa siyang pasyente." ito naman ang naupo sa kabilang side ng kama ni Athena at hinawakan ang kamay. "Paano tayo aalis sa ganitong lagay niya." Napakagat labi si Nathan at niligpit ang pinanglinis ng sugat ni Athena. "I'll stay" "No you can't" mabilis na sagot ng ginang, "Tourist visa lang gamit natin, we need to go back o baka gusto mo pang lalong mahirapang umuwi?" Nathan crossed his hands on his chest and watched Athena quietly sleeping, a part of him wants to stay to protect her. He was never like this around girls, but this one is different. "I know you love your sister that much but we have to go back. Uuwi din naman tayo dito." saad ng ama, ngunit mas namutawi sakanya ang pagdidiin niti ng sister sakanya. Parang may gustong ipahiwatig. "I'll stay until she recovers, then I'll leave. " di na niya hinintay pa ang sagot ng dalawa at tyluyang lumabas. Nanatili siya sa sariling silid at nagkulong. Narinig pa niya ang pag dating at bago ito umalis ay sinilip niya sa bintana ang doctor. Lalong naningkit ang mata niya, halos magka edad lang ang dalawa at isang tingin palang di na niya ito gusto. Maghahapunan na ng maisipang silipin ni Nathan si Athena, nakaupo ito ngayon at nakatitig sa IV na nakakabit sa kamay niya. "Gutom ka na ba?" salubong niya nang mapatingin sakanya si Athena. "Hindi po kuya" mahinang sagot nito saka muling nahiga at tumalikod dito. "May masakit ba? May bumabagabag ba sayo?" naupos si Nathan sa tabi niya at tinignan ang bulto nito sa ilalim ng kumot. "Bakit niyo ko tinutulungan, isa akong mamamatay tao, magnanakaw, madami na ko nabiktima" halis mabasag boses nito sa muling pag iyak. "Hindi ka mamamatay tao Athena, humarap ka sakin." saad niya ngunit di gumalaw ang babae. Si Nathan na ang lumapit at kinuha ang kamay niya na may IV tinignan kung di nagalaw. "They're both alive, kaya don't worry" Inalis ni Athena ang pagkakataklob at tumingin sa lalake, "Paano mo nalaman?" "Diba sabi ko na na-background check ka namin. Nabisita ko na din yung tinulungan mo at ayos na siya. She aalready moved sana ganon ka din. Kaya wag ka nang umiyak jan." "Pero attempted murder pa din yun, di kayo sigurado baka ulitin ko ulit." Saglit na ngumiti ang lalake at hinawakan ang buhok niya, "Sigurado ako di mo na magagawa ulit yon. Tiwala ako sayo." saka siya ngumiti at tumayo. "Jan ka lang, kukuha lang ako ng pagkain." saad niya saka tuluyang lumabas ng silid. Di alam ni Athena kung ano pa ang sasabihin dahil parang nalunok na niya ang dila. Kanina lang masama ang loob niya at takot na takot ngayon parang masaya siya dahil may pamliya na siyang tinuturing. But that didn't live long.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD